Part 2

11K 235 9
                                    

LHOR'S P.O.V.

"Ano ba'ng problema mo, Florian?" Pasigaw na tanong ko.

Sa halip na sumagot ay tiningnan niya lang ako ng masama. Kinuha niya ang bag niya na nakalapag kanina sa teacher's desk at pumunta sa upuan niya.

He crossed his arms as he sat down and left all of us staring at him. Matalino naman sana siya, mali lang ng nabagsakang section.

Makailang saglit pa ay magulo na naman ang room. Nag-iingay na ang ilan sa amin pero hindi pa bumabalik si Rex. I almost take a nap nang bumukas ang pinto at iniluwa nito si—

"S-Sir Leonard?" Sabay-sabay na tanong ng lahat at may halong pagtataka.

Paanong may pumasok na teacher dito?

Imposible na naligaw siya. Though matanda na siya, hindi maipagkakaila na malinaw pa ang mata niya. Pero nanlulumo ang itsura ni sir.

Umupo ng maayos ang lahat at kasunod niya si Rex nang pumasok sa room. Lumingon si sir sa kanya na halatang takot. Sinuklian lang ito ni Rex ng ngiti.

Ngiting hindi ko maipaliwanag.

"Ayos na, Kuya Lhor." Baling niya sa akin.

K-Kuya? Did I just heard that clear?

Kuya ang tawag niya sa akin? Mukha na ba akong matanda?!

Umupo siya ulit ngunit sa pagkakataong ito... Iba na ang aura niya. Para bang hindi anghel ang katabi ko ngayon at hindi ko maipinta ang kanyang pagkatao. Apat na oras pa lang kaming magkakilala kaya syempre hindi ko talaga maipipinta ang pagkatao niya.

Pero iba ang pakiramdam ko.

Wala pang isang saglit nang umayos muli ang itsura niya. Maaliwalas na ulit ang nakikita ko ngunit aaminin kong hindi ko maalis ang paningin ko sa kanya. Napalunok ako at muling tumingin sa teacher's desk kung saan nakatayo si Sir Leonard.

"O-Okay. L-Let's start." Tanging nasambit ni Sir Leonard bago muling nagsalita about sa lesson.

Sa buong eskwelahan, siya ang pinaka nakakatakot na teacher. Isa pang himala, na kung bakit tahimik ang room nang oras na to at nakikinig sa kanya. Walang ni isa sa worst section ang takot sa teacher kahit si Sir Leonard pa.

Hindi siya ang dahilan kung bakit pinagpapawisan ako.

Nang matapos na siya, panandalian siyang lumingon kay Rex bago binaling ang tingin niya sa klase. Ibinuka niya ang nanginginig niyang labi, senyales na magsasalita siya.

"From now on... I-I.. I-I will be... your adviser."

Nag-aalangan ba siya? Bakit parang napipilitan lang siya. Lumabas siya kaagad ng room matapos sabihin iyon. Halos mapatakbo siya.

Ano kaya ang nangyari?

SIR LEONARD'S P.O.V.

"Hello, Mr. Leonard Cohen."

Kasalukuyang nasa papeles ang mga mata ko nang bumungad sa akin ang malambing na boses na iyon. Inangat ko ang ulo ko para tingnan kung sino ang tumawag sa akin at nagulat ako sa nakita ko.

Bakit nandito siya? Paano niya ako nahanap? Impossible!

"I-Ikaw? H-Hanggang dito ba naman ay sinusundan mo ako? ," takot na takot kong tanong.

Ang kaharap ko ngayon ay ang taong dahilan ng pagiging professor ko, ang dahilan kung bakit napadpad ako sa ganitong eskwelahan. This girl in front of me, alam kong malaki ang utang ko sa kanya.

Hindi pera kundi...

Buhay.

I was a criminal three years ago at alam yan ng lahat. Ang hindi nila alam ay kung sino ang napatay ko. To be honest, it was Jhaydrex's father.

She was a sweet girl back then not until I killed her father by accident and she was there when I pointed the gun in her father's head and shot him. And now she's hunting me down. She became aggressive and such! An angel-turned-demon type of person. She became different. Ang gusto niya ay pagbayarin ako.

"Guess what?" Panimula niya na nagpanginig sa buong katawan ko. "I ain't hunting you down for now."

Nagtataka ako. Anong reaksyon ba ang dapat kong ipakita sa kanya? Matuwa at makahinga ng maluwag? O mas matakot sa mga susunod niyang plano?

"W-What do you... w-want?" Nauutal kong tanong.

"Alam mo kung anong section ako napunta, hindi ba? Ngayon... yung section na iyon kasi, kailangan ng adviser."

"AYOKO SA WORST SECTION!!" Hindi na ako nag-isip pa at agad na sumagot nang sabihin niya iyon.

Ayoko sa worst section. Mula nang makapasok ako sa eskwelahan na ito ay ayaw ko nang madawit sa gulo gaya nang nangyari three years ago. Natatakot ako na baka magkaroon ulit ng misunderstanding sa side ng iba kaya ako na ang umiiwas sa kanila. Suki na ng guidance and principal's office ang section nila.

... South Valley College ...

"Kung ganun, say goodbye na to your career and also to your life, Professor. Wag mong kalimutang sisingilin kita sa utang na di pa bayad." At unti-unting nag-iba ang aura niya habang papalapit siya sa akin. "Pwede kong kunin ang buhay mo kahit saan at kelan ko man gusto."

Akmang aalis na siya nang...

"G-Gagawin ko na."

No choice.

Hindi niya pa ako pwedeng patayin lalo na't misunderstanding ang nangyari three years ago. I still hope she'll listen after all these years.

Lumingon siya sa akin at sinenyasan ako na sumunod sa kanya kaya nagmadali kaagad ako na kunin ang gamit ko at sumunod sa kanya.

Narating namin ang building at naglakad kami papunta sa third room kung nasaan ang worst section. Naalala ko, naka-aircon ang room nila at sliding glass door din ang pinto pero makalat ang buong room at napakagulo ng students nang makita ko sila.

"Won't you come inside?" Seryosong tanong niya.

Huminga ako ng malalim at inangat ang kamay ko para buksan ang pinto. Nanginginig ako, sandali akong lumingon kay Jhaydrex bago ko tuluyang binuksan ang pinto ngunit napansin kong gulat na gulat din sila na naroon ako.

Napansin kong hindi kaagad na sumunod si Jhaydrex sa akin at naghintay pa ng ilang segundo sa labas bago tuluyang sumunod sa akin.

Gaya ng gusto niya, naging adviser nga ako ng worst section kahit labag sa kalooban ko. Nagsimula akong magturo habang tahimik akong pinagmamasdan ng worst students. Alam kong gulat din ang reaksyon nila pero mas nagulat akong nakikinig sila nang tahimik.

Alam ba nila? Sana hindi.

Nagpatuloy ako sa pagdi-discuss hanggang sa matapos ako. Sinadya kong madaliin dahil hindi na ako mapakali sa tingin ni Jhaydrex nang oras na yun.

Sa huli ko na rin nalaman na hindi ko pa nasasabi ang dahilan kung bakit ako nandito.

"I-I... I-I will be... your adviser."

Nauutal man pero pilit kong binanggit iyon sa kanila. Matapos yun ay lumabas ako kaagad dahil hindi ako makahinga at iniwan silang bakas sa mukha ang gulat.

I was chasing my breath as if I'm almost near to dying nang makalabas ako.

I can't help it.

Matanda na rin ako kaya mahina na ang baga at dagdag pahirap pa ang tingin ni Jhaydrex na nagpapasikip ng dibdib ko at ang mga tarantadong tingin ng Black Bears.

Angel Of The Worst SectionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon