Part 37

4.4K 99 0
                                    


SIR LEONARD'S P.O.V.

Ramdam ko ang tension dito sa room. Alam ko namang ito ang worst section pero hindi ganito ang aura nila lagi. Para silang pinagsakluban ng impyérn0 sa mga itsura nila.

SQUIRK!

Bumukas ang pinto at pumasok si Sophia na parehong lugmok pa rin sa lungkot. Hindi pa rin ba nagigising si Rex? Tumingin sila kay Sophia.

"Hindi pa rin siya gising? ," tanong ni Jaime.

"No... ," Sophia answered.

She sighed. And she took her seat.

"Okay let's start ," panimula ko sa kanila.

Nagkunot noo ang Black Bears at parang gusto na yata akong banätän pero nagpatuloy pa rin ako.

"Kung hihintayin nyo pa na magising si Rex baka hindi na kayo makaalis dito ," I said.

"Ilang taon na kaming nabulok dito kaya kahit ilang taon pa ang lumipas na nadito kami, walang problema yun basta magising si Rex ," Jazz answered.

"What if... Hindi na siya magising? ," I asked and it turned them to silence.

"Magigising siya ," Florian assured.

"Let's start ," muli kong sabi.

Ipinamahagi ko na yung mga papers na sasagutan nila. At napakatahimik pa rin ng room. Paulit-ulit lang na tinitingnan nila ang papers at walang ganang sinimulan yun. Maayos naman silang magsagot sa papers. Actually, hindi nga nila hinuhulaan yun, eh. I looked at Sophia and she gave me a sweet smile.

Teka, parang may mali!

Sweet smile? Di ba nga wala pa ring malay ang kaibigan niya?

Nakikita kong hindi makapag-focus ang lahat habang nagsasagot at ang ilan sa kanila ay nakikita kong umiiyak pa. I didn't expect it na magiging ganito ang epekto ni Rex sa Black Bears. Naalala ko pang nung unang pasok niya dito ay ayaw nila sa kanya. But it turned out na nagbago ang lahat. Ngayon, kitang-kita ko kung paano malungkot ang Black Bears. Halata na sa kanila na si Rex ang kahinaan at lakas nila.

"Twelve minutes left ," sambit ko.

Wala silang pakialam.

"Ten minutes left ," sunod kong sabi makalipas ang ilang minuto.

Parang wala silang naririnig. Walang tumatayo sa kanila at parang walang may gustong magpasa ng papel papunta sa harap. Ayaw na ba nilang makaalis dito talaga?

Ilang minuto pa. Until the alarm rings, ibig sabihin...

"Time's up! Place your --- ,"

Hindi pa man ako natatapos magsalita ay sunod-sunod silang tumayo, inilapag sa table ang mga papel nila at sunod-sunod ding lumabas. Sa huli, nakikita ko ang sarili kong nakatayo mag-isa sa harapan ng klase at hindi ko malaman kung saan sila pupunta. For sure si Rex ang pupuntahan nila.

Funny thing, may hindi sila alam.


SOPHIA'S P.O.V.

Papunta na kami sa room kung saan nakahiga si Rex. Habang papunta kami doon, nakikita ko ang mga mukha nila na kawawang-kawawa pa rin at pakiramdam ko hindi ko na kayang pigilin ang pagtawa ko sa ganitong sitwasyon.

I imagined the night na gumising siya.

*FLASHBACK*

"What? Magpapanggap kang hindi makaalala? Hahahahahaha! ," paghalakhak ko.

Angel Of The Worst SectionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon