FRANCO'S P.O.V.
Nakarinig na lang kami bigla ng malakas na putok ng baril habang nakikipaglaban kami dito sa Underground Society.
"Sophia! ," sambit ni Michael dahilan para mapalingon kami.
Nakita ko... Kung paanong bumagsak si Sophia at Rex nang tamaan ng bala sa likod si Sophia. Binäril ko ang lalaking kalaban ko ngayon at agad na patakbong nilapitan sina Jazz at Ryan para puntahan sina Rex at Sophia. Nakita kong papunta na din si Michael sa kanila. Nga pala, matagal ko nang napapansin na parang may lihim na pagtingin si Michael kay Sophia. At si Sophia naman ay ganun din kay Michael.
Pero nagkaaminan na ba sila?
Going back, patakbong nilapitan namin sina Rex at Sophia na parehong duguän na at hindi makatayo. Agad kong inalalayan si Rex pero inalis niya ang kamay ko mula sa pagkakahawak sa kanya.
"Help her. Don't mind me! ," sigaw ni Rex sa akin.
Right. I need to obey her because she's the Dark Angel. Until now, hindi ko malaman kung bakit Dark Angel ang tawag sa kanya o kung sino man ang gumawa ng pangalan na yun. Pero agad akong lumapit kay Sophia para tingnan ang kalagayan niya. Eto pa si Michael na inlove kay Phia.
Nevermind. Tinulungan ko na lang sila na itayo si Sophia kahit mas nakakagalaw pa siya kaysa kay Rex.
Or should I say...
Lady Jhayd.
JHAYDREX'S P.O.V.
Hindi ko na maipaliwanag ang nangyayari sa akin. Galit ako pero wala akong magawa para gumanti. Nakita ko na lang ang pagbagsak ni Sophia nang tamaan siya ng bala mula sa baril ni ninong.
"Shit! ," si Michael.
Bakit dinamay niya si Sophia?
"I'll kill you, bästärd, when she died! ," sigaw ni Ryan.
Bakit ba galit si Ninong?
"I'll end your life, büllshit! ," isa pa si Jaime.
Ano bang mali ko? Ni Daddy?
Baka naman gusto lang niya angkinin ang meron si Daddy kaya ganun. Ayoko nang makinig ng explanations. Tanging si Sophia na lang na kaharap ko ngayon ang focus ko. Duguän ang likuran niya pero alam kong buhay na buhay pa siya. Nakakagalaw pa siya.
Nilingon ko ang Black Bears na patakbong nilapitan kami maliban kay Franco na nasa labas pa ng red line. Ang ilan sa kanila ay nakikipaglaban pa rin. At si Michael naman ang tumulong kay Sophia.
"You don't know what I can do, Lady Jhayd."
"You're nothing if my father didn't help you! ," sagot ko.
Oo, hindi ako makatayo. Pero hindi pa ako patäy!
"At ikaw? Ano namang magagawa mo? ," tanong niya.
I smiled. "I can do everything you can't."
"Really? Hahaha! Yeah, I remembered. Kasi ikaw nga pala ang may-ari nito dahil sayo ipinamana ng ama mo ," natatawang sagot niya.
Tama, gusto lang niya angkinin ang meron si Daddy noon. Nahuhuli talaga ang isda sa sarili nitong bibig. Pero si Sophia...
Natatakot ako na baka mawala siya dahil sakin.
What if ako ang maging dahilan para mamatätay siya?
What if mamatätay ang Black Bears dahil sakin?
Ano'ng gagawin ko?
Nakikita ko ang sarili ko na nagsisimula nang lumuha. Ayokong tanggapin, na mawawala pati ang mga pinaghirapan ni Daddy because of me. Masasayang ko lang ba ang lahat?
Ayoko.
At nagpatuloy ang panginginig ko. Hindi tumitigil. Hindi ko maintindihan pero pakiramdam ko hindi yun dahil sa nanghihina kong katawan at pakiramdam ko ay galit yun. Nagmamanhid na ang buong katawan ko pero tanging kamay ko lang ang nanginginig. Paano?
BANG!!
Muli kong rinig. Napalingon ako at nakita ko si Jason sa likuran at si Ninong na nakahiga na rin sa sahig. Duguan na siya at palapit nang palapit si Jason sa kanya.
"You promised me na kapag dinala ko sayo ang Dark Angel hindi mo idadamay ang Black Bears! Bakit binaril mo si Sophia? ," sigaw niya habang nakatutok pa rin ang bäril kay Ninong.
"You are a fool, idiot! ," natatawang sagot ni Ninong.
Muli pa siyang nagpakawala ng dalawang bala diretso sa likod ni Ninong.
Us? FOOL?
Nagkuyom ako ng kamao.
Huli ko na lang napansin na unti-unti nang nagdidilim ang paningin ko sa sobrang inis. Wala akong makita pero parang kabisado ko ang paligid. Wala akong maramdaman pero alam ko ang posisyon ng bawat isa sa kanila. At ang tanging bagay na alam kong sunod kong ginawa ay ang hawakan ang isang bagay na hindi ko maaninag per alam ng katawan ko kung ano ang bagay na yun.
At pakiramdam ko, naglalakad na ako. But I swear... hindi na ako makatayo ni makagalaw man lang para magawa ko yun.
Paano?
BINABASA MO ANG
Angel Of The Worst Section
ActionPeople always say, never be attracted with the angelic face. They were demons. Every year, in every school, there's always a repeater and a transferee, and of course, the infamous worst section full of repeaters, gangster-like, and ill-mannered stud...