DIANNE'S P.O.V.
"Where's Rex? ," tanong ni Sophia nang sumapit ang halos tanghali na pero wala pa si Rex sa room.
"Ilang araw na din, ahh! ," sambit naman ni Franco.
"Nasaan kaya siya? ," isa pa yan si Jazz na nagtanong.
Madalas kasi siyang mauna sa aming lahat na pumasok, pero nowadays, hindi pa namin siya nakikita.
"Ito kasing si Lhor at Florian, eh... ," pabirong sisi ni Jaime sa kanila, "...aamin na lang kasi, sa Record Room pa!"
Tama... Mula nang araw na nag-confess sa kanya yung dalawang yun, hindi pa siya pumapasok. Pati sina Lhor at Florian, mukhang di na rin maipinta ang mukha sa sobrang lungkot. Nagpalinga-linga pa ang mga tao sa room kung may matatagpuang Rex, pero wala. Umalis ako sa room.
Gaya ng lagi kong ginagawa, umakyat ako ulit sa rooftop para tumambay. Hindi pa rin kami okay ni Ryan, and for sure, hindi ko din alam kung patatawarin ko pa siya. I also have this feeling na pinipilit niya na maging masaya, but deep inside, pareho lang kaming nalulungkot.
Ewan ko ba!
Bakit nga ba ayoko siyang patawarin?
Dahil lang ba sa hindi kami lumaban ng magkasama at pinili niya akong bitawan?
Dahil lang ba wala siyang tiwala sa akin?
O dahil hindi ko matanggap na hindi ako kasing lakas niya para lumaban ng kasama siya?
Nevermind...
I keep thinking things. Naalala kong may trabaho pala ako at yun ay alamin kung sino ang spy na nasa paligid lang namin.
Tama...
Yun lang ang trabaho ko... ang maghanap ng tao. Kung si Franco ang naghahanap ng impormasyon, ako naman ang naghahanap ng tao. Ako ang kumikilos, dahil sa inosenteng mukhang gaya daw ng kay Rex, madali lang daw sa akin yun. Yun lang pala ang silbi ko.
Peace, hmm...
I feel the wind as I stand quietly at the rooftop and I feel the breeze touching my skin. Kumportable yun. I feel peace... not until I heard the familiar voice of someone talking. The voice of the spy, again, dito sa rooftop.
It's him!
Hindi ako nag-atubili. Agad kong hinanap kung nasaang parte siya ng rooftop since may iilang pader sa ibang bahagi nito. And there, I found him...
Nanlaki ang mga mata ko.
Siya? Siya na hindi halos nagbubukas ng mga labi niya sa room. Siya na hindi halos gumawa ng ingay. Siya na hindi mo halos marinig na magsalita. Siya, na isa sa mga pinakatahimik na myembro ng Black Bears ay ang spy din pala sa kwartong iyon.
Jason Elumir.
I know it was him. Alam kong wala akong silbi sa Black Bears pero alam ko kung ano ang itsura nila kapag nakatalikod sila. Hindi ko man makilala ang boses dahil sa minsan lang siyang magsalita, but I swear that's him!
Pero bakit? Bakit mo nagawa yun? Nangako ang buong Black Bears na sinumang maging members nito ay poprotektahan natin, kaya bakit? Siya pa mismo ang magtutulak sa kanya sa bangin ng kamätäyän?
I kept quiet. I listened.
"Confirmed, sir. Siya nga ang tärget. Ang Dark Angel at si Jhaydrex ay iisang tao lang. Recently, ginagamit na rin niya ang kapangyarihan niya bilang pinuno ng Underground Society... ," panimula niya.
Si Rex? Ang pinuno ng Underground Society? Ang anak na babae ng namatay na may-ari?
"I will do my best para hindi siya makawala sa lugar kung saan ko siya ikinulong, sir. Sisiguraduhin kong hindi siya makakawala until you get to see her."
Pagharap niya ay ako kaagad ang nakita niya. Hindi siya nagulat o natakot man lang na alam ko nang siya ang spy. Alam kong alam niyang matagal na akong hindi tänga sa nangyayari.
"Bakit, Jason? Bakit mo kinuha si Rex? Saan mo siya dinala? ," I asked.
"She's still alive. I did nothing but to imprison her. Nothing more of it ," iyon lang ang sagot niya.
He started to take a step papalayo sa akin pero pinigil ko siya gamit ang pagkapit ko sa braso niya.
"Tell me, why? ," pamimilit ko.
"Because she's dangerous! She's my trauma! Ayokong idamay niya kayo because we promised to protect every member of the Black Bears --- ,"
"But she's a Black Bear! ," sambit ko.
Malakas na suntok sa sikmura ang sunod kong naramdaman. Ramdam ko ang pag-ikot ng paningin ko sa paligid at ang pagbagsak ko sa sahig. Iniinda ko ang sakit ng sikmura ko at alam kong si Jason ang gumawa nun.
"Feel free to tell them, Dianne. Yan ang trabaho mo, di ba? Tell them that I captured the Angel Of Worst Section and tell them that I am the spy. But for now... Sleep."
Halos maiyak ako. Sacrificing Rex just to protect us? Bakit? Ano ba'ng ginawa niya para gawin ito sa kanya? Hindi na ba talaga ako tanga? O may hindi pa talaga kami alam?
At kinuha nga niya si Rex...
Kaya pala nawawala si Rex. Ilang araw na siyang hindi pumapasok. I can't take it anymore and I don't feel she's safe there. Paano kung may masäma silang gawin kay Rex? Utos sa Underground Society na hulihin ang Dark Angel na utos ng ninong ng anak na babae ng may-ari.
And if she really is the daughter of that man na pinuno noon ng Underground... And if the Dark Angel and Rex ay iisang tao lang... She's in danger!
Pero hindi ako makatayo. Nakaalis na si Jason nang hindi ko man lang napipigilan pero hindi ko magawang kilos ang katawan ko. Nagising na lang ako nang nasa room na. Nakapalibot sila sa akin at sa sobrang gulat ko ay napatayo kaagad ako mula sa higaang pinaglagyan sa akin.
"Si Rex! ," agad kong sigaw.
"What about her? ," tanong ni Florian.
"Where is she? ," si Lhor naman.
"Do you know where she is? ," tanong naman ni Sophia na may halong pag-aalala.
Umiling ako. No, I don't fücking know where she is! Kung saan ba talaga siya dinala ni Jason!
"Michael, si Rex. Si Rex, hawak siya ngayon ni Jason. Hindi ko alam kung saan siya dinala pero si Jason... Si Jason ang --- ," naputol iyon nang magsalita si Michael.
"Jason is the spy and Rex is the Dark Angel ," sambit niya.
At natigilan kaming lahat.
Alam niya na?
"Paano mo nalaman? ," takang tanong ni Franco.
"She told me. The day before she disappeared. The day I gave the file to Florian."
"Ayos lang ba siya? ," may pag-aala pa rin kay Sophia.
She's the best friend, syempre mag-aalala siya.
"Don't go near her. Wag mo na siyang hanapin. Forget her ," tanging sagot ni Michael.
Yan din ang sabi ni Jason.
Pero bakit?
"I won't accept such stüpidness, Michael. You know she's my friend."
At umalis si Sophia nang sabihin niya yun. She's disappointed and sad...
... and everyone in the room are.
"Where are you going, Phia?! ," sigaw ni Michael sa nagmamadaling lumakad na si Sophia.
"Pupuntahan ko siya sa Underground Society at ibabalik ko dito. Alam kong hindi siya aalis."
BINABASA MO ANG
Angel Of The Worst Section
حركة (أكشن)People always say, never be attracted with the angelic face. They were demons. Every year, in every school, there's always a repeater and a transferee, and of course, the infamous worst section full of repeaters, gangster-like, and ill-mannered stud...