SIR LEONARD'S P.O.V.
It's been a week. Maraming beses nang nagtatanong si Florian at unti-unti na siyang nagiging pakialamero. Ano ba kasing gusto niyang malaman? Bakit ba nangingialam na naman siya?
Ang hilig niyang magtanong, at sa paulit-ulit na yun, nag-aalala ako na baka makasagabal siya kay Rex. Hindi ko yun hahayaan kaya naglalakad ako ngayon sa hallway papunta sa building ng Black Bears at hanggang ngayon ay iniisip ko pa rin ang dapat kong gawin sa ipinapakita ni Florian.
Dapat na sigurong sabihin ko kay Rex ang totoo.
Diretso akong pumasok sa room ng Black Bears at lugmok pa rin ako sa iniisip ko kaya nawala sa isip ko na maging maingat sa galaw ko. Ibinaba ko sa teacher's desk ang nag-iisang papel na hawak ko at saka humugot ng lakas para magsalita.
"Good morning class. I am here to give you two announcements. Una, I announce na magkakaroon na rin kayo ng midterm examination gaya ng upper sections kaya maghanda kayo. Pangalawang announcement ko is about the beach games na malapit na ring ganapin, kaya make sure na hindi kayo mawawala doon. Sa susunod na araw na yun and you know that you have to participate."
"So, you really think na pupunta kami? ," inis na sabi ni Florian.
"Gaya ng dati, iyon ay kung gusto nyo ," sagot ko naman.
"Punta tayo! ,"
"Uy, minsan lang yun! ,"
"Rex, gusto mo bang pumunta? ," malakas na boses ni Sophia na nagpatahimik sa buong section. Nasa likuran pa ang seat ni Sophia kaya maririnig ng lahat ang sasabihin niya lalo na't isinigaw niya iyon.
"Florian? ," tanong din ni Rex na para bang nakikiusap pa.
Naghihintay ang lahat.
"No."
"Please... ," sabi pa ni Rex.
Tumayo siya, lumapit kay Florian at saka niyakap yung taong yun. Kitang-kita ko yung pamumula ng pisngi niya at umiwas ng tingin...
"F-Fine... wag mo na akong yakapin ," parang napipilitan pang sagot ni Florian.
Nagsigawan pa ang mga loko nang pumayag ang taong yun. Iba talaga pag si Rex ang nagsalita. Feeling ko tuloy ginamit talaga siya ni Sophia para makapunta sila sa beach games.
"That's settled, then."
Nasulyapan ng mata ko si Rex na nakatingin sa akin kaya naalala ko ang bagay na need ko talagang gawin. I know na mangyayari pa rin naman so it's now or never.
"Rex, please follow me to the office. I need to talk to you about something ," saad ko sa kanya.
Tumango lang siya at agad na sumunod sa akin palabas ng room patungo sa office. Nagtanong kaagad siya nang makarating kami dito sa faculty room.
"Ano'ng kailangan mo, Mr. Cohen? ," tanong niya na may pag-iiba sa tono ng boses.
"I need to tell you what exactly happened that day ," panimula ko.
"I know ," aniya.
"Alam kong alam mo kung ano ang nangyari nang araw na yun pero gusto kong malaman mo kung sino talaga ang bumäril sa ama mo."
"Kilala ko na siya. Matagal na. Alam kong ang taong pumätay mismo sa kanya ay ang Ninong. But we can't talk more details about this. Nasa loob ng kwartong iyon sa Black Bears ang spy na nagbabalita sa kanya. Kapag nalaman nilang nag-uusap tayo ng normal, malalaman nilang alam ko na ," sambit niya.
"Pero may alam si Florian! Palagi din siyang nagtatanong ," pahabol ko.
"Hindi pwedeng may matuklasan pa siya. Sigurado akong magiging mahirap ang plano ko kapag naniwala siya sa mga malalaman niya ," sagot naman niya.
"Nga pala, hindi ba tayo naririnig ng sinasabi mong spy ngayon dito? ,"
"Oh, shit! ," halos pasigäw niyang sabi, "Ako na lang ang bahala. Hahanapin ko siya."
Agad siyang lumabas at nakita namin si Franco na nakatayo malapit sa pinto. Nagulat ako dahil inakala kong wala siyang alam pero sinabi niya na alam niya ang nangyayari kaya tumango na lang din ako.
"Rex, I need to talk to you ," saad ni Franco kay Rex.
"We need to go, Professor ," paalam ni Rex sa akin.
I agreed na umalis na sila at baka marinig pa ng spy ang usapan namin.
FRANCO'S P.O.V.
Umakyat kami ni Rex sa rooftop after ko silang hintayin na magtapos mag-usap ni Sir Leonard Cohen kanina sa faculty. Marami akong sasabihin sa kanya pero kailangan ko munang unahin yung isa. I really need to talk to her about something. Hinahanap na rin ni Ruiz si Rex dahil sa pagkämätay ng kapatid niyang si Astro. Umupo kami sa bench kung saan natatakpan ng pader sa likod ng hagdan. Mahirap na kung maririnig pa nila.
She sat down, crossed her arms and stare at me with the Dark Angel's eyes.
"Ano'ng gusto mong pag-usapan? ," tanong niya.
"Hindi naniwala si Florian sa sinulat mo sa file."
"Kasalänan na niya yun. Inaasahan ko naman na, dahil alam kong hindi niya yun paniniwalaan. Iba ang ugaling ipinapakita ko dito at ang totoong ako."
"Pinapaulit niya ang paghahanap ko ng information."
"Ako na ang bahala dun ," sagot niya.
"M-Meron pang isa ," sambit ko.
"What? ,"
"Y-Yung kaso ni Astro. Nung niligtas mo ako."
"Then? ,"
"Kapatid pala siya ni Ruiz! I-Ibig sabihin ay gälit siya sayo! Siguradong hahanapin ka niya at alam kong hinahanap ka na niya. Wala ka bang gagawin? ," tanong ko nang may pag-aalala.
"Ano'ng gusto mo? Yung tumakbo ako or pagtaguan ko siya? O gusto mo bang sunggaban ko siya ng saksak o di kaya, eh, barilin ko siya para sumunod siya sa kapatid niya? ," aniya sa akin.
"Hindi naman sa ganun. Kailangan lang nating mag-ingat kasi baka isa rin siya sa humarang sa plano mong makapaghigänti para sa ama mo, Rex, I know na matagal mong hinintay yun. Tapos hahayaan mo lang na sayängin nila? ," paliwanag ko.
"I'll tell him once na malaman niyang ako ang Dark Angel."
That word left me speechless. Gagalaw pa lang siya kung kelan pwedeng mawala na sa kanya ang lahat ng pinaghirapan niya?
Gusto pa ba niyang si Ruiz mismo ang---
"I-Ikaw ang Dark Angel? Rex, totoo bang ikaw ang Dark Angel? ," boses na narinig ko mula sa likuran ko.
Naalarma ako at kinuha agad ang kutsilyo ko na nakabulsa. Hinarap ko kung sino man ang nagsalita at nagulat ako.
Speaking of the devil, si Ruiz ang nasa likuran namin.
Narinig niya lahat?
A-alam na ba niya?
BINABASA MO ANG
Angel Of The Worst Section
ActionPeople always say, never be attracted with the angelic face. They were demons. Every year, in every school, there's always a repeater and a transferee, and of course, the infamous worst section full of repeaters, gangster-like, and ill-mannered stud...