Part 11

6.4K 134 1
                                    


ALEXA'S P.O.V.

Another day has come. Noon, twelve lang ang members ng Black Bears. But now, we became thirteen since Rex moved here. Ilang araw na rin ba siya dito... Uhm, I think, eleven days? Yata. Nakaupo lang kaming lahat dito sa room ngayon at hindi namin malaman ang gagawin.

Sana may teacher.

Kababanggit ko lang ng words na yun sa utak ko nang pumasok nga ang teacher. Bumukas ang pinto naming gawa sa glass, cause why not, di ba? And dumere-diretso siya sa teacher's desk.

Pero bakit siya?

"Okay, good day, Pandas."

"Black Bears, miss ," pagtatama ni Jayvee.

"Whatever. So, BLACK BEARS ," halata namang lumakas ang boses niya, "I am Ms. Hannah Gomez, your new teacher. First of all, sasabihin ko lang na ayoko sa inyo. Ewan ko ba kung bakit dito pa ako na-assign."

Edi umalis ka, miss. As if namang gusto din naming maging teacher ka. Kayang kaya ka nga naming kaladkarin palabas eh! Ayaw lang naming gawin.

Rex suddenly raised her hand. And Miss Gomez looked at her.

"Bakit? ," malditäng tanong ni Miss Gomez.

"I would like to take my leave for a while, Miss Gomez. Pupunta lang po sa C.R. ," paalam niya.

"No, you can't. Napakabästos mo namang nagsasalita ako dito tapos lalabas ka! ," sigaw niya kay Rex.

Nagulat na lang kami nang tumayo si Rex at tumikhim. Nasabi sa akin ni Lhor na nag-iiba daw ang tono ng boses niya sa tuwing ginagawa niya yun, so syempre inabangan ko naman ngayon. Nakita kong lumapit siya sa teacher's desk.

She suddenly crossed her arms.

"You know what, Miss? ," nanindig ang balahibo ko. 

Tama si Lhor, nag-iiba nga ang tono ng boses niya.

"What? ," pagmamaldita pa rin ni Miss Gomez.

"I häte the way you talk. Pwede ka namang maunang lumabas ng room kaysa sakin, Miss Gomez, since hindi rin naman namin gusto na nandito ka ," patuloy niya.

Bakit ganito? She's not usually like this naman, eh.

"Bastos! ," sigaw ni Miss Gomez at akmang sasampalin si Rex ngunit nakailag siya at nasubsob ang teacher sa sahig ng room.

Nagtawanan kami syempre.

"Isusumbong ko kayo sa adviser nyo! I'm going to make sure na mawawala kayo dito! ," banta niya.

"No, miss. I'm going to make sure na mawawala ka dito ," pagbabalik niya ng mga salita nito kay Miss Gomez.

"Wala kang magagawa. Wala namang magagawa ang Black Bears kung--- ,"

"Naku, mali ka! In fact, marami kaming kayang gawin ," nilapitan niya si Miss Gomez at nagsalita siya, "Kaya nga namin na hindi ka na palabasin dito nang buhay, eh."

Where the hell did she get those words? Halos gumapang palabas ng room si Miss Gomez dahil sa mga sinabi niya at naghiyawan naman ang iba pang tao sa room namin.

"Tama ka, Lhor. Pero bakit ganyan siya? ," pabulong na tanong ko kay Lhor.

"I already told you. Kahit ako hindi ko alam kung bakit nagiging ganyan siya ," sagot ni Lhor sa akin.

Nilapitan ko si Rex at tinanong. "How did you do that?"

"Honestly, medyo kinakabahan pa nga ako habang nagsasalita ," pabulong na sagot niya.

"Eh, bakit mo yun ginawa? ," nagtatakang tanong ko.

"Naiiritä ako sa kanya, eh. Ampangit niyang magpakilala tapos di pa nga niya tayo kilala tapos ayaw na niya sa atin."

"Kilala niya tayo! ," saad ni Florian matapos sumingit sa usapan.

"So? Dapat ayaw na niya agad sa atin?"

"Because we were Black Bears! ," sagot niya.

Tama. Mula nang araw na marating ko ang section na ito, alam kong ayaw na ayaw sa amin ng teachers. First impression pa lang kasi ng section na 'to mapapaiwas ka na. Alam ng lahat na mga kriminäl ang mga taong tinatapon dito at hindi ko rin alam kung bakit nandito si Rex.

Walang nakakaalam...

SQUIRK!!

Muling bumukas ang pinto at ang pumasok naman mula dito ay si Sir Leonard Cohen. Nakatingin siya sa direction kung saan huli naming nakita na tumakbo si Miss Gomez. Nagtataka si Sir Leonard at alam naming napapatanong din siya sa nangyari.

Lumingon siya sa amin at itinuro naming lahat si Rex. Nagkibit-balikat si Rex at tumango lang si Sir Leonard sa amin.

Yun pa ang isang nakakapagtaka. Nung unang araw pa lang ng pagpasok ni Sir Leonard dito, mukha pa siyang natatakot kay Rex. Ewan, di ko na maintindihan. Kadalasan naman kasi sa umiintindi ay yung guys dito lalo na sa issues. Tapos kaming girls, since apat lang kami, sumusunod lang kami sa plano.

Magkakasabwat lang naman kami.

Nag-focus kami kay Sir Leonard nang oras na iyon. Nagsi-upo talaga kami dahil naguatuhan namin siyang maging adviser. Mabait naman pala siya. Ayaw lang talaga ng students sa kanya because of his background pero hindi pala yun ang totoong siya.

Hindi pala talaga masasabi ang tunay na ugali sa itsura at background lang. Dapat mo talagang kilalanin ang isang tao.

"Okay, let's start. So, mag-a-announce lang sana ako. Is that fine? ," tanong niya.

Pero dahil ito nga ang worst section, parang 'SO-WHAT?' lang ang sagot ng lahat. Naghihintay lang ng susunod na sasabihin dahil sa tingin palang parang nag-uusap na sila.

"O-Okay. Uhm... Una, magsasagawa ng beach games ang school. May place na pupuntahan and needed na lahat ng students ay sumama so napagkasunduan nila na kasama kayong lahat doon. Hindi na gaya last year."

Seryoso ba sila? Dati naman ayaw nila kaming isali sa mga ganyan. Nagtatrabaho kami sa Underground Society nang mga ganyang araw and we don't have the chance to enjoy school life, pero ngayon gusto na nila kaming isali?

"After that, there's this park. I don't know what they want to do pero sigurado akong hindi kasama ang Black Bears. Alam nyo na."

"May paraan naman di po ba, Sir Leonard? ," tanong ni Rex.

"O-Of course. M-May paraan."

Ano daw? Ano na naman ba yun?

Angel Of The Worst SectionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon