Part 39

5.1K 92 0
                                    


DIANNE'S P.O.V.

Within a month, graduation day na.

Tapos na...

After all ng nangyari, tumahimik na ulit yung mundo ko, pero hindi ang isip ko...

Hindi ang puso ko...

Nasa rooftop ako ulit at nasa cafeteria naman ang iba naming kasama. Nilalasap ko ang hangin na tumatama sa balat ko habang nakatingin sa clear sky. After everything, napapaisip pa rin ako sa sunod kong gagawin.

Still... I can't move on kahit one month na ang lumipas.

"Dee, can we talk? ," tanong niya habang nakatalikod ako.

Alam kong si Ryan yun kaya humarap ako sa kanya.

"We're already talking."

"No, Dee, let's have a clear talk ," aniya.

Clear talk? Bakit? Para saan?

Tumayo ako at akmang lalakad paalis sa harapan niya, pero...

"Please, try to listen to me. Let me explain things. Open your heart and--- ,"

Naririndi ako. Naiinis. Open my heart? Talaga? 

Humarap ako sa kanya.

"Open my heart, Ryan? Bakit? Para saan? Para maging tängä ulit ako? Noong una, naghahabol pa ako sayo kahit hindi ko alam yung dahilan ng break up natin at naging TÄNGÄ ako. Pangalawa, iniyakan ko yung taong minahal ko pero iniwan lang ako, because of what? Dahil wala siyang tiwala sa akin at naging TÄNGÄ ulit ako. Magiging TÄNGÄ ba ulit ako ngayon? Tell me! ,"

Nakayuko lang siya. 

Know what? I don't know if I have the right to accept his apology or if I can accept an apology.

It hurts me more than what he knows.

"I häte you."

Iniwan ko siyang mag-isa sa rooftop at nawalan ako ng ganang manatili sa rooftop. Pagbalik ko sa room ay naghahanda silang umalis. Napangiwi ako saglit saka naman lumapit itong si Roxanne at kumapit sa braso ko.

"Dee, videoke tayo. Sama tayo sa kanila. Celebrate daw nila yung pagbalik ni Rex sa room ," aniya.

Tumango naman ako. Wala naman kaming ginagawa at walang sinayang na oras kaya nag-ayos na rin ako ng gamit ko. Nakita kong pumasok din ng room si Ryan at agad na nag-ayos ng gamit niya.

So, kasama pala siya? Hindi ko na lang papansinin.

Ako ang naglakad sa may hulihan at tinitingnan ko siyang nakangiti habang kasabay ang iba pa. Is he really smiling? Or is he hiding the pain that was caused by me? Pero sinaktan niya rin ako, di ba?

Nakayuko lang ako hanggang sa marating namin ang videoke house na malapit lang sa school habang iniisip ang mga bagay na yun. Hindi ko alam ang dapat gawin.

Dee, gälit ka ba talaga kay Ryan?

Dee, wala ka na bang feelings para sa kanya?

Dee, ayaw mo na bang magpatawad o hindi mo lang kaya?

Dee, wala na bang pag-asang bumalik kayo sa dati?

Yun yung mga nasa isip ko.

Okay naman kami dati, eh.

Saan ba nagsimula magbago lahat?

"Dee, can we talk for a while? ," tanong ni Jazz na nasa likuran ko lang pala.

Angel Of The Worst SectionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon