JAIME'S P.O.V.
Amoy na amoy kong nagseselos si Dianne kay Rex lalo na't katabi nito kahapon si Lhor. Wala naman silang relasyon pero sobra naman siya kasi kung magreact.
Speaking of, wala pa pala sila sa room. Nagpalipat-lipat pa ang tingin ko sa buong class. Puro ingay lang din ang naririnig ko.
Not until narinig kong tumunog ang luma naming glass door. Pumasok naman bigla sina Michael, Rex at Lhor na pinagtaka ko talaga. I mean, si Michael na kasi yata ang pinakamahirap pakisamahan dito.
Sabay-sabay din tuloy ang paglingon ng mga classmates namin sa kanila.
"Rex, kelan ka pa nag-hire ng bodyguards?" Nagbibirong tanong ni Jazz.
Nilingon siya ni Michael at tiningnan ng masama. Napangiwi na lang si Jazz at kaagad na bumalik sa upuan nito. Ganun din si Lhor. Hindi na siya umupo katabi ni Rex at nagulat ako nang bumalik siya sa upuan niya sa likuran.
"Sinasabi ko na nga ba, eh! Hindi ka talaga makakatagal na umupo sa harapang bahagi ng room." Natatawang sabi ko.
"Shut up, Jaime!" Seryosong tono ng boses niya nang sitahin niya ako.
"I'm just telling the truth, man. Ano ba talagang naisipan mo kaya ka bumalik dito?" Seryosong tanong ko.
"Panandalian lang yun dahil hindi siya tatagal dito. Napag-usapan na namin ni Florian ang gagawin sa kanya ," sagot ni Lhor.
The real Lhorence Fajardo.
Kilalang recruiter ng mga babae na binibenta sa Underground Society. Basta maganda at pasok sa standards ang katawan ng isang babae, paniguradong mataas ang presyo nyan sa lugar na iyon. Not mentioning the price lalo na kung virgin pa ang dadalhin.
"Final decision na ba nila yan?" Agad kong tanong.
I mean... Well, hindi naman ako mabuting tao talaga, kaya lang, parang mas nakakakonsyensya.
Hindi ko pa nakikita nang harapan ang proseso ng pagbebenta nila at sa kung paanong paraan nagkakaroon ng deal. Kaya naman...
"Sasama ako. Siguraduhin mo na makakasama ako!" Tanging nasambit ko sa kanya.
Ngiti lang ang isinukli niya sa sagot ko. Hindi pa man nagtatagal mula nang marinig ko ang tunog ng pinto, narinig ko na naman ito.
Precisely, yung taong sigurado akong si Florian ay pumasok na ng room, senyales na oras na. Dumeretso siya sa pwesto namin kaya kaagad kaming tumayo ni Lhor.
"Let's go." utos niya.
"Isama natin sila. Matutuwa sila sa makikita nila doon." Matalim ang ngiti na sabi ni Lhor.
"Jason, tara! May pupuntahan tayo, tawagin mo yung iba!" Sigaw ko kay Jason na tumango lang din.
LHOR'S P.O.V.
Kasalukuyang nakaupo malapit sa bintana si Rex habang nag-uusap usap naman kami sa likuran. Poor Little Rex, hindi ka man lang tatagal dito. Mali ka kasi ng section na napasukan at ngayon, mamamatay kang may pagdurusa at kami mismo ang magtutulak sayo sa bangin ng kamatayan.
Matalim na ngiti ang pinakawalan ko bago tuluyang lumapit sa kanya.
"Rex, wanna come?" Tanong ko sa kanya.
"Saan?" Tanong niya din.
"Wala pa namang exact place. Nagkasundo lang talaga kami."
Gaya ng laging ginagawa, effective talaga ang tactics na to lalo na kung slow mag-isip yung mga nakakausap ko. Tumango kaagad siya nang hindi na nag-iisip. Hindi pala siya mahirap kumbinsihin. Tumayo kaagad siya, nag-ayos at sumunod sa amin.
"Andito na siya."
"Okay, let's go!" Excited na sigaw ni Jazz.
Tiningnan ko muna ang orasan ko. 8am.
Lumabas kaming lahat at walang ni isang natira sa building. Nilakad namin ang mahabang hallway ng eskwelahan habang ang mga mapanghusgang mata ng mga estudyante mula sa higher sections ay nakatingin na naman sa amin.
So what?
"Handa na ba mga gamit ninyo?" Tanong ni Jayvee.
"Hinanda ko na kanina. Bago pa tayo makalabas."
"Okay. Umalis na tayo."
Nagpatuloy na kami sa paglalakad. Of course, I'll be leading the way. Ako ang nakakaalam kung nasaang parte ng Underground Society ang bentahan ng mga babae. Alam ko rin kung nasaan ang casino sa lugar na iyon at kung nasaan ang tambakan ng pera nila... Noon.
Not until namatay yung may-ari three years ago at balita ko, isa daw sa mga ninong ng anak niya ang nag-manage nito ngayon.
Gaya nga ng pangalan nitong 'Underground' , huminto kami sa tapat ng isang manhole at inangat namin ni Ryan ang nakatakip dito.
It was literally under the grounds.
Isa-isa pa kaming bumaba sa ilalim at inalalayan pa nila si Rex. Ako ang huling bumaba nang makasigurong maayos ang lahat nang makababa sila sa loob.
Sinarado ko ulit yung nakatakip doon at nagpatuloy sa paglalakad. Habang palapit kami nang palapit, palakas na rin nang palakas ang hiyawan ng mga taong halang ang mga bituka sa tuwing nakakakita ng duguan at halos wala nang buhay sa loob ng arena. The literally Human Arena.
"What are they doing?" Tanong na lumabas mula sa kalmadong boses ni Rex.
"They fight." Sagot ko.
"For what?"
"Money." Tipid na sagot ni Michael.
"Let's watch for a while, Lhor. Who do you think would win? Let's raise a bet! I'll bet on the man standing there." Sambit ni Rex.
Umupo nga kami gaya ng gusto niya. Last day na niya ito kaya mas okay na rin na may konti siyang makita. Tiningnan ko na rin yung lalaki na tinuro niya kanina.
She raised a bet for a man who doesn't stand a chance anymore?
Duguan na ang lalaking yun and I bet na hindi na siya makakalaban.
"Alexa, do you have a mirror with you?" Tanong ni Rex kay Alexa na nilingon niya pa mula sa likuran.
"Here, wag mong iwawala yan. Babawian ka ng buhay sakin."
"Salamat!" Nakangiting sagot niya kay Alexa.
Nagulat ako nang itapat niya ang salamin sa lalaking tinuro niya sa akin kanina. Galit na galit itong tumingin sa direksyon namin ngunit kumaway lang si Rex sa kanya.
Nabaling ulit sa lalaking yun ang tingin ko at sa pagkakataong yun ay nakatayo na siya nang maayos. Puno ng determinasyon ang mga mata.
Sunod-sunod na suntok mula sa kamao niya ang tumama sa kalaban niya nang tumunog ang bell. Wala pang ilang segundo ay bumulagta na ito sa arena at nanalo nga ang taong napili niyang pustahan.
W-What the hell just happened?
Sigurado talaga akong hindi na makakatayo ang lalaking yun! Paanong—?
"Let's go." Sambit ni Florian.
![](https://img.wattpad.com/cover/346772576-288-k981300.jpg)
BINABASA MO ANG
Angel Of The Worst Section
ActionPeople always say, never be attracted with the angelic face. They were demons. Every year, in every school, there's always a repeater and a transferee, and of course, the infamous worst section full of repeaters, gangster-like, and ill-mannered stud...