CHAPTER 7

57 22 13
                                    




Yara's POV






"Miss Yara Agustin, would you like to accept any position of an officer?"

Nagulat naman ako sa biglang tanong ni ma'am Joanna, napasulyap rin ako sa mga classmates ko na nakatingin sa akin at naghihintay rin ng sagot ko.

"I would like to also ask miss Miegwyn Davino if she also wants to accept any position, but knowing her, she won't accept any offer." muling sabi ni ma'am.

Napatingin naman ako kay Miegwyn na tumango-tango lang sa sinabi ni ma'am.

"Eh ma'am, I don't think I will be able to do my duties once I accept any position." I just simply uttered.

Ma'am Joanna nodded, "It's okay, hindi naman tayo perpekto lahat, you can do mistakes." she suddenly said and nag agree naman yung ibang classmates ko.

"Ano, miss Agustin? As classroom officer lang naman, would you like to be the vice president?"

"Go na, Yara!" rinig kong sabi naman ni Yna kaya napasulyap ako sa kaniya and she's just cheering me.

Hay, do I have a choice, wala naman akong naririnig na complain from our classmates, "Okay po ma'am."

"Good." ma'am Joanna said while smiling.

"Nice! Pareho tayong responsable sa mga kalat ng section natin." sabi naman ni Yna, and our classmates just laughed because of what she just uttered.

Yeah right, Yna's the President.

Napailing nalang naman ako, as I watch and listen to ma'am Joanna.

"We will be having an event next month, so I need the full cooperation of our officers and as well as all of you, did you get it?"

"Yes, ma'am!" malakas na sagot naman ng mga classmates ko.

"Good, you can take your lunch." Agad na nag saya ang mga classmates ko because of what ma'am said.

Ako naman ay inayos na ang bag ko. Then again just like the other days, I am still with Yna and Miegwyn, lumabas kami ng classroom then pumunta sa cafeteria.

It's been three days already after the incident that happened to me. And of course, ako parin ang laman ng chismisan ng mga schoolmates ko.

Hinayaan ko nalang, they're just talking behind my back anyway, wala naman silang ginagawang hindi maganda and that's fine for me.

"Ako na ang sasama kay Yna, dito ka nalang Mieg." sabi ko kay Miegwyn.

"Sure ka?" agad na tanong niya naman.

"Oo naman, palagi nalang akong nasa table, alam ko na naman kung anong gusto mo." natatawa kong sabi.

"Okay." tanging sabi niya.

Natawa nalang ako saka sumunod na kay Yna na naka pila na.

While I was on my way I could feel my schoolmates stares, lalo na pag napapa daan ako sa mga table nila. At para silang mga bubuyog.

"Oh? Si Miegwyn?" gulat na tanong ni Yna nang makalapit ako sa kaniya.

"Nasa table." I just shortly replied.

Hindi na naman siya nag tanong pa since kami na ang sunod na mag oorder.

"Ano po sa inyo, ma'am?" tanong nong nagbabantay sa counter.

"Hi, Sage!" rinig ko naman sabi nong babaeng nasa table na malapit sa amin kaya napalingon ako sa likuran.

"Hi." nakangiti nitong sambit habang nakatingin sa'kin.

YARA JASHENE (COMPLETED)Where stories live. Discover now