CHAPTER 42

34 13 4
                                    


Yara's POV


"Yara!?" agad na bungad ni ate Ellen nang makita niya akong bumaba ng kotse.

Natawa ako dahil nang makita niya ako ay agad siyang lumabas sa tindahan niya. Dahil rin sa lakas ng boses niya ay nag silabasan yung mga boarders sa apartment sa harapan.

"Hi, ate Ellen. I'm here to start packing na po." nakangiting sambit ko.

"Yara, ikaw ba yan?" gulat na tanong ni Paty who suddenly appeared in front of me, at talagang tumitig pa siya sa akin.

"Ang ganda ganda ganda mo naman! Pang beauty queen ang ganda!" she added, I couldn't help but giggle.

"Sinong kasama mo, Yara?" ate Ellen suddenly asked habang nakatingin sa BMW SUV na nag hatid sa akin.

"I'm with my Nana, don't know why nasa loob pa siya." sagot ko naman.

Ba't ayaw pang lumabas ni Nana, hello? hindi niya ba ako tutulungan sa mga gamit ko?

"Aalis ka na sa apartment?" Paty suddenly asked and I just simply nodded

"Eh diba, 1 year ang advance rent mo?" tanong niya naman.

Tumawa lang ako at tumango, "That's okay, ayaw na ng parents ko na mag apartment ako." sabi ko sa kaniya.

"Ang yaman mo pala, Yara, ikaw si Yara Lowell diba?" biglang sabi nong isa naming kasama sa apartment.

I just laughed, "Sorry for not telling you guys. Something just happened lang."

"Sir, buksan mo nga yung pinto." rinig kong sabi ni ate Ellen kaya napatingin ako sa kaniya.

What is she doing? Nasa tabi na siya ng sasakyan at kausap yung driver namin.

"Buksan mo na, kilala ko yung nasa loob, kung ayaw niyang lumabas ako ang papasok." sabi ni ate Ellen kay kuya driver.

"Eh? Ma'am?" naguguluhang sambit ni kuya kaya natawa nalang ako at lumapit sa kanila.

"Ba't ayaw pa lumabas ni Nana? hindi niya ba ako tutulungan sa mga gamit ko?" sabi ko naman, at ako na nag bukas ng pintoan sa likuran.

Only to find out an wala ng tao sa loob, I saw ate Ellen run papunta sa kabilang door.

Why is ate Ellen so weird?

Narinig ko yung tawanan nong mga boarders kaya agad akong napatingin sa dereksyon where they're all looking.

Nagulat ako when I suddenly saw Nana running towards my direction.

"Hoy! Tangina ka Erna! Ipapatapon kita sa bermuda triangle." rinig kong sigaw ni ate Ellen.

"Nana?" natatawa kong sabi at hinawakan si Nana Erna.

"Bakit mo kasi ako isinama, may utang pa ako sa babaeng yan, wala akong pangbayad ngayon!" sabi niya.

Nag tawanan naman ang lahat when they heard what my Nana Erna said.

"Yung utang mo bruha! Ngayon ka lang nag pakita ulit, nakalimutan mo na bang andami mong request nong mga nagdaang araw." sabi ni ate Ellen habang nanlalaki pa ang mata at nakatingin kay Nana.

"Grabe ka! Parang hindi kita kapatid ah!" sabi naman agad ni Nana Erna.

"What? Mag kapatid kayo?" gulat na sabi naming lahat.

Agad na napabuntong hininga si ate Ellen and tried to calm down.

"Obvious ba? Mag kamuka kaya kami." ate Ellen said, "Ellen, Erna." she added.

What the f? What a small world?

Pero wait lang...

"Nana? May hindi ka ba sinasabi sa'kin?" I suddenly asked.

Napakagat nalang ng labi niya si Nana at umiwas naman agad ng tingin si ate Ellen.

Now, I remember...

"Nana..."

"Sorry..." Nana said then pouted.

"Kaya nga ang dami niyang utang sa'kin." ate Ellen suddenly said naman.

Napa face-palm nalang ako, sinasabi ko na nga ba.

I remember that Nana helped me when we were still in US and I was just planning to leave that time. She helped me find a place here in the Philippines na pwede akong mag stay na hindi alam ng family ko at mahirap hanapin. Siya pa nga nag bigay ng address sa'kin.

Kaya pala, ang bait bait ni ate Ellen!

All this time, ate Ellen knows who I am. Hay naku! Si Nana talaga!

"Pero promise, hindi ko sinabi sa mommy, daddy, at kuya mo." Nana said.

"It's okay.  As long as you kept it a secret." sabi ko naman.

As soon as matapos yung scene nina ate Ellen and Nana Erna, ay nag start na kaming mag ayos nang mga gamit ko. Ate Ellen and Paty helped us pack my things.

I saw the bag where I put my money, gladly nasa ilalim parin ng kama ko. Nasa nearly half million palang seguro ang na gamit ko dito.

"Yan ba yung pera na na withdraw mo?" Nana suddenly whispered, I just nodded and kumuha ng isang naka wrapped na hundred thousand at ibinigay kay Nana.

"Para saan to?" naguguluhang tanong niya at kinuha yung pera.

"Ibigay mo kay ate Ellen, sabihin mo yung utang mo." bulong ko naman sa kaniya at isinara na yung bag.

"Yara?" Narinig ko naman yung boses ni ate Ellen kaya tumayo na ako at binitbit yung bag.

"Lahat ba yun isasakay sa saksakyan niyo?" tanong niya ng makita ako.

"No, ate, yung mga gamit ko sa kitchen at mga gamit ko sa kwarto ibibigay ko nalang kena Paty para may magamit sila."

I decided na tanging yung personal belongings ko nalang yung iuuwi ko, yung mga pinamili kong gamit sa kitchen, kwarto, at living room ay iiwan ko nalang sa kanila dito sa apartment namin.

"Thank you talaga, Yara!" Paty said.

I just can't help but smile, kunti lang naman yun but still glad that they all happy to receive it.

"Ate Ellen, here." I suddenly said as I gave a small brick of bills to her.

"Ano to Yara?" Gulat na tanong ni ate Ellen habang nakatingin sa pera na ibinigay ko sa kaniya.

"Kabibigay lang ni Erna sa'kin, at saka, sobra na nga yung rent mo, hindi ko to matatanggap." sabi niya ulit as she tried to give the money back to me.

I just laughed, "No ate, it's a thank you gift, please just accept it."

"Ano naman ang gagawin ko dito?" tanong niya naman while nakatingin sa perang nasa kamay niya.

Natawa nalang naman ulit ako, "It's up to you, it's yours na naman." sabi ko.

"Thank you, Yara." she said and suddenly hugged me, "Mamimiss kita." she whispered, mukang iiyak pa.

I just simply smiled, "Thank you ate Ellen for helping me during my stay. I will miss you too." I said and hugged her tightly.















>>>

YARA JASHENE (COMPLETED)Where stories live. Discover now