CHAPTER 15

49 18 4
                                    





Yara's POV








My god, ang bilis ng tibok ng puso ko! Please, heart calm down, si Sage lang yan.

"Crush mo si Sage no." biglang tanong ni Yna kaya inilayo ko sa kaniya yung phone ko at sinamaan siya ng tingin.

"Isa ka ring dakilang chismosa." mataray na sabi ko sa kaniya.

"Che!" Natawa nalang naman ako at ibinalik ang tingin sa phone ko.

"Maraming proof yung mga schoolmates natin na sumakay sa kotse ni Sage noong monday!" rinig kong sabi ni Yna kaya napatingin naman ako ulit sa kaniya.

"I know, nakita ko yung mga post, dami ngang nag mention sa'kin." sabi ko naman.

"Gaga! Alam mo bang nag aalburuto na sa selos si Andrea? eh crush na crush niya yun."

"Sinong Andrea? Yung ex nong stalker mo?" tanong ko naman, "Wala akong pake sa kaniya." then I laughed.

Napailing nalang naman si Yna, "Eh ito si Miegwyn, lagot ka, crush pa naman niya si Sage." biglang sabi niya ulit kaya napatingin ako kay Miegwyn na tahimik lang sa upuan niya, she just glanced at us and didn't even comment back.

"What? Totoo, Mieg?" curious na tanong ko at humarap pa kay Miegwyn.

"Tch, pinag sasasabi niyo." bored na sambit niya at ibinalik ang tingin sa cellphone niya.

Palagi lang 'tong babaeng 'to nasa harapan ng cellphone niya at naka earphones, ano kayang pinag kakaabalana niya sa cellphone niya.

"Ewan ko sayo, Yna." bored na sambit ko saka ako muling tumingin sa screen ng phone ko.

"Totoo naman yun!" rinig kong sabi ni Yna, "Ayaw lang umamin ni Mieg sayo." bulong niya then she suddenly giggled at umayos ng upo sa upuan niya.

Napatingin naman ako sa kaniya at kay Miegwyn. Parang hindi naman, Miegwyn doesn't look like she's interested in any guy, I mean even if it's Sage. But if she likes Sage that's okay with me, friends lang naman kami ni Sage, kinikilig lang talaga ako dahil ang sweet niya.

The whole day, I was just scrolling in my feed and chatting with Sage when the teacher's not around of course.

And I also went home nang hindi nakikita si Sage, sabi niya kasi medjo busy sila ngayon, dahil may upcoming event ang department nila next month. Naiintindihan ko naman yon.

Kinabukasan ay maaga akong pumasok, pero naunahan parin ako ni Yna, super early talaga ng babaeng 'to kaya nakaka pagtaka talaga kung ma late siya, gaya noon, she's feeling unwell pala.

"May long quiz tayo mamaya sa entrepreneurship!" rinig kong sabi ni Yna kaya napa tingin ako sa kaniya.

"Ha? Quiz?" I confusedly asked, the f, I am not informed.

"Oo, sis! Hindi ka naka pag review no!" sabi ni Yna.

Tumingin naman agad ako kay Miegwyn kasi mukang pinag tritripan lang ako ni Yna, "Mieg? Totoo—"

"Oo." bagot na sabi niya hindi pa man tapos yung dapat na sasabihin ko habang nasa notebook niya lang ang tingin, kaya sinilip ko kung ano ang binabasa niya.

Topic sa entrepreneurship nga!

"Yan, lumandi ka lang, bagsak ka ngayon." sabi ni Yna and she even laughed at me.

I just pouted at agad na inilagay sa bag yung cellphone ko at kinuha yung entrepreneurship notebook ko. My goodness, baka hindi ako maka sagot nito! I was not informed or maybe I forgot ma'am's announcement 'bout the quiz.

YARA JASHENE (COMPLETED)Where stories live. Discover now