CHAPTER 35

38 14 7
                                    





Yara's POV








After the long day, pagod akong nakauwi sa apartment ko. Kaliwa't kanan ba naman ang bulungan pag dumadaan ako. Sino ba naman ang hindi ma iinis sa mga nonsense gossips nilang lahat.

Kainis talaga yung Andrea na yun, and her dad's also annoying dinaig pa sa pagka overprotective yung family ko.

I was about to prepare my dinner ng biglang nag ring yung phone ko, isa lang naman yung taong binigyan ko ng number ko kaya alam ko na agad kung sino yung tumatawag.

"Bakit?" agad na bungad ko pagkasagot ko sa tawag niya.

"You're trending again, what did you do?" he said while chuckling.

Napairap naman ako, "Remember what I told you? My bully already made her move, her father, which is the senior high department head wants me to be expelled."

I just heard Ydwen laughed, "Want me to help you?"

"No, thanks. I'm sure may kapalit yang tulong mo." I said and rolled my eyeballs, narinig ko naman siyang tumawa.

After ng ilang minutong kausap ko si Ydwen sa phone ay ibinaba ko na rin ito, and prepare for my dinner nalang.








Kinabukasan, I woke up late kakaisip kung ano bang pwede kong gawing move para tumigil na yung panget na babaeng yun.

I was walking alone at the pathway just near the guard house when I saw someone na nakaupo sa isang bench na malapit. He suddenly glanced at me kaya napairap ako.

Hindi ko alam bakit kumukulo yung dugo ko sa lalaking 'to.

"Hi, Hazon." sabi nong babaeng biglang dumaan sa harapan nila, ngumiti naman si Hazon dito.

I almost threw up, masamang tingin naman ang ipinukol ni Hazon sa'kin.

"Problema mo?" inis na sambit ko.

"You? What's your problem, nerd?" sabi niya naman at saka tumayo.

"I don't know, panget mo kasi." I just simply replied as I started to walk away.

"Hey, don't you dare walk away before me, Yara." Nagulat naman ako ng bigla niyang hawakan yung braso ko, mas nagulat ako sa biglang pag banggit niya sa pangalan ko.

"Or should I call you... Jashene?" biglang sabi niya which just made me stunned.

What the f...

Binitawan niya naman ang braso ko at dahan dahan naman akong tumingin sa kaniya, "Yara Jashene... cute." he mumbled while smirking.

"I'll go ahead. Bye, Yara Jashene..." sabi niya naman ulit at naglakad na paalis habang nasa bulsa niya ang mga kamay.

What the f, how did he know about my real full name? I only wrote Yara in my enrollment form, and I told no one 'bout my full name or even my second name.

How did that annoying red flag guy know! No! No! Damn that Hazon!

Hindi ako nakapag salita naman at pinanuod lang siyang nag lalakad papunta sa dereksyon ng college building, while I am still surprised standing in the middle of the pathway.

The heck, mas lalong kumukulo ang dugo ko sa lalaking 'yon! Nakakainis!

Nang makarating ako sa classroom ko ay nandon na yung teacher namin, buti nalang hindi pa ito nag sisimula.

Hanggang sa matapos ang buong umagang schedule namin, agad rin kaming pumunta sa cafeteria para makapag lunch na.

We were in the middle of our lunch when the great spoiled bitch suddenly went to our table.

"Ano na namang kailangan mo Andrea!" inis na sabi ni Yna dito.

Andrea just laughed, "Sinabihan mo ba yung parents mo na ma eexpel ka na ngayong araw?" sabi niya naman.

Nagsimulang mag bulungan naman agad ang mga tao sa paligid because of what Andrea said.

"Pupunta ba sila? Ha? Ha? Muka namang wala silang pakialam sayo, nerd. Kawawa ka naman." pang iinsulto niya ulit.

"Sumusobra ka na ah!" inis na sabi ni Yna at agad na tumayo.

"Yna, no." pag pigil ko naman kay Yana, baka ano na namang gawin nito madamay pa siya.

"No, I am originally your enemy, bakit mo dinadamay si Yara!" malakas na sabi ni Yna, galit na ang boses niya.

Napa face palm nalang ako dahil halos lahat ng tao dito sa cafeteria ay nakuha na namin ang attention nila.

"Yna please, stop." I calmly said as I stood up next to her.

Andrea just laughed again, "Kung gusto mong sumama sa kaibigan mo, sabihin mo lang para ma expel ka na rin." sabi nito.

"Bye, nerd, see you later." sabi niya ulit habang tumatawa pa at nag simula nang maglakad paalis.

"Tanginang babaeng yun!" inis na sambit ni Yna.

I just touched her shoulders, "Calm down, Yna please."

"Pano ako kakalma kung e eexpel ka nong babaeng yun!" inis na sabi niya, nagulat naman ako but I just remain calm, and just sighed.

"Sorry, but please just calm down, everything's fine." I calmly said.

Everything's fine talaga Yara, if they will expel you, then you don't have a choice but to go back to US.

"How did you know that everything's fine?"

Nagulat naman yung mga kasama ko pati na rin pala ako when I heard that familiar voice.

"Hazon..." I just wearily mumbled, this annoying guy is here na naman.

"Would you like me to help you, nerd?" biglang tanong niya, which made everyone near us gasp out of surprise. Even Yna at Miegwyn were both confusedly looking at me.

"Anong pinag sasasabi mo." bagot na sambit ko.

"Well, I am here to offer help, but if you don't want any help, fine." he said again and shrugged his shoulders as he started to walk away, napatingin naman ako sa kasama niya, which is Jaaron, he waved his hands at us while smiling then sumunod na kay Hazon.

"My god, ang pogi ni Jaaron." rinig kong bulong ni Yna, napabuntong hininga nalang ako at bumalik sa pag upo.

Now, I don't have my appetite.

"Pero bakit biglang nag offer ng help si Hazon." biglang tanong ni Yna at naupo na sa upuan niya.

"Aba malay ko." tanging sambit ko naman.

"Narinig niyo yun diba?"
"Si Hazon my loves nag offer ng tulong kay nerd!"
"No way, anong gayuma ang ginamit ni nerd sa mga prensepe natin!"

Napailing nalang ako habang pinakikinggan yung mga bulungan sa paligid namin.

Ang alam ko lang, Hazon is really annoying,  I don't know how he find out my real name. I am sure he also does know who I truly am.

















>>>

YARA JASHENE (COMPLETED)Where stories live. Discover now