CHAPTER 10

56 19 4
                                    



Yara's POV







"Yara!"

Agad na napatingin ako kay Yna nang marinig ko ang boses niya habang naglalakad ako sa hallway.

"Bakit? Ang lakas ng boses mo." sabi ko naman and nag lakad na papalapit sa kaniya.

"Saan ka galing?" she immediately asked as soon as went went beside her.

"Library, may hiniram lang na book." I replied and ipinakita sa kaniya yung dala dala kong libro.

Tumingin naman siya sa hawak ko at tumango-tango, "Hinahanap tayo ni ma'am Joanna, pinapapunta niya tayo sa faculty."

"Ngayon na?" tanong ko naman.

Mabilis naman siyang tumango, "Let's go, may sasabihin raw siya sa atin." she said and cling on me.

"Si Miegwyn?" tanong ko naman.

"Hayaan mo siya, malaki na naman yun." natatawang sambit niya, wala naman akong magawa kundi sumabay nalang sa kaniya sa paglalakad.

Ano kayang kailangan ni ma'am Joanna.

A week had passed already, and nothing special happened, ganon parin naman yung mga schoolmates ko, pero at least hindi na sila ganong karami unlike nong bago pa yung issue.

I haven't seen the six pogi sa cafeteria again since early na kami nag lulunch para maiwasan ang ma issue, and it was Yna's idea. Or even in any places in this university, hindi ko pa sila ulit nakikita.

Well, days ago I saw the two handsome STEM student, If I remember right, their names are Nickson and Jadien.

And to be honest, hindi sila mukang friendly, as in, naka salubong ko sila one time at ang seryoso ng mga muka nila, they didn't even look at those girls na kinikilig nong nakita sila. They don't seem to care kung sinong makakasalubong nila.

Nang makarating kami sa faculty ay hindi ko inaasahang makikita ko na naman sila. Yes, yung dalawang pogi sa STEM department.

"Good afternoon ma'am." Yna politely greeted the teachers.

Napatingin naman ang dalawang pogi sa amin. At tahimik lang silang nakikinig.

"Miss Salazar, miss Agustin! buti at nandito na kayo." agad na sabi ni ma'am Joanna kaya napatingin ako sa kaniya.

"They're your pres and vp?" tanong ni sir kay ma'am Joanna.

"Yup! And sila yung i aassign ko na tumulong sa event." nakangiting sabi ni ma'am.

"Anong event po ba ma'am ang gaganapin?" biglang tanong ni Yna.

"This coming July 26-28, magkakaroon ng tour ang senior high department." nakangiting sabi ni ma'am Joanna.

Nagkatinginan naman kami ni Yna.

"July 26 GAS and HUMSS ang mag totour, then sa July 27, ICT and AD, then sa 28 naman ay STEM and ABM." muling sabi ni ma'am sa amin kaya napatingin ako sa dalawang poging STEM student na nasa kaliwa namin, then I found out that they're also looking at us.

YARA JASHENE (COMPLETED)Where stories live. Discover now