CHAPTER 30

46 16 5
                                    





Miegwyn's POV







Nang dumating ang mga bisita ay nag simula na agad ang program. Yung kaninang maingay na audience ay natahimik rin naman nang mag simulang magsalita ang emcee.

"We would like to thank our special guests who came here as we celebrate this National Heroes Day." Nagpalakpakan naman agad ang lahat after sabihin iyon ng emcee.

"We would like to ask for an opening message from our former student, the son of Mr and Mrs Jayson Lowell, Ydwen Joshua Lowell, a round of applause please." muling nag palakpan ang lahat matapos sabihin iyon ng emcee.

"Omg, ang gwapo gwapo ni Ydwen!"
"Kyahhh! Ang pogi!"

Napailing nalang naman ako habang naririnig yung mga ingay ng mga schoolmates ko habang yung bisita namin ay paakyat ng stage.

Nakangiti lang siya habang papunta siya sa gitna ng stage, ang pogi niya walang duda kaya marami siyang fans. Iba talaga ang impact sa mga tao pag may itsura ka at mayaman.

"Hello, Lowell University. How are you, everyone?" nakangiti nitong sabi.

"Kyaahhh!!!" tanging sagot naman ng mga schoolmates namin.

Napatingin naman ako kay Yna na naka cross-arm lang at seryosong nakatingin sa harapan, alam kong na iirita na to sa ingay ng mga tao sa tabi niya, lalo na yung nasa unahan at likuran namin na hindi namin kilala.

Napatingin rin ako kay Yara na kanina pa din tahimik simula nang dumating sila dito sa tabi ko, tahimik lang siyang naka sandal sa upuan niya at hindi nakatingin sa stage, nakatingin lang siya sa likod ng taong nakaupo sa harapan niya. Ano kayang problema niya.

"It's been years, right? About three years already when I left this school because of a sudden request from my dad, and nothing have really changed, Lowell University still the same. I was really excited to see everyone of you today." nakangiting sabi na naman nong special guest raw namin.

Kaya pala marami ang nakakakilala sa kaniya, hindi lang siya anak ng may-ari, he's a former student din pala, sabagay, last year lang akong nag enroll dito kaya hindi ko siya kilala.

"I am not really planning to go back here, since I am currently studying in U.S, so for those who were asking me earlier if I'm here for good, it's a no po, I am just here to find someone." sabi niya naman ulit.

Nagsimulang mag bulungan naman ang mga tao sa paligid.

"Oh, I forgot, in behalf of my dad who wasn't able to attend here today as he had an urgent meeting with the company's investors, I am glad that everyone welcomed me warmly." sabi nito ulit.

"I hope, I will be able to meet you again. Have a pleasant morning everyone. Thank you again for the warm welcome." huling sabi nito bago umalis sa gitna, nagpalakpakan naman agad ang mga tao.

Nang matapos ang opening message ng bisita ay nag simula naman agad ang event. May nag roleplay sa stage, sa tingin ko ay mga college students, buod nga Noli Me Tangere, at ang kweto ng buhay ni Juan Luna ang isinadula nila.

Ipinakilala rin ang iba't ibang mga bayani, at nagkaroon ng maikli na video presentation.

Hanggang sa mag 11:50 ay natapos na ang program, agad na nagsilabasan ang mga studyante. Agad na nauna si Yara sa paglabas, nakasunod naman kami sa kaniya ni Yna.

"Gutom na ba yun?" naguguluhang tanong ni Yna habang nakatingin kay Yara.

"Ewan." simpleng sagot ko nalang at nagpatuloy lang kami sa pagsunod kay Yara.

Nang makarating kami sa cafeteria ang daming tao, halos mapuno ang buong cafeteria, sabagay, nandito lahat ng mga students ng school, may another program pa raw mamayang hapon at kailangan ang participation ng mga students.

Hindi ko naman alam kung anong meron, ang sabi ay surprise activity daw.

Habang kumakain kami ay tahimik lang si Yara, himala at natahimik rin, eh ang daldal nito pag dinadaldalan ni Yna, boses lang ni Yna tuloy ang naririnig ko.

Nang matapos kaming kumain ay lumabas na kami ng Cafeteria para makabalik na sa gym since exactly one o'clock raw mag sisimula na yung program.

Nasa hallway na kami ng biglang tumigil si Yna, "Hi, guys!" masiglang bati niya sa mga taong sumalubong sa amin sa pintoan ng gym.

"Oh, hi Yna! Hi Miegwyn!" nakangiting sambit ni Jadien Vesper.

"Hi po, mister Lowell." napatingin naman ako kay Yna, aba, ang galang ah.

Napatingin naman agad ako sa mga famous dito sa school na biglang nakasalubong namin.

"Good afternoon." tanging sambit ko nalang.

Natawa naman sina Jadien, "Don't be that polite to kuya Ydwen, he's too young to be treated well." Natawa naman yung ibang kasama nila.

"Kasama niyo ba yung babaeng nasa likuran niyo kanina na biglang umalis?" biglang tanong ni no mister Ydwen Joshua Lowell.

"Si Yara ba yun? Why did she walk away?" nag tatakang tanong naman ni Sage Darwin Park.

"Si nerd yun." bored na sabi naman ni Hazon Suvillan.

"Who?" tanong naman bigla ng bisita namin.

"Yara, their best friend, Yara is her name, kapangalan ng kapatid mo." sabi ni Shawn Coldwell.

Bakit nga pala mag kakasama sila? Bakit casual lang nilang kinakausap yung bisita namin? Mag kakaibigan ba sila?

"Yara?" curious na banggit ng bisita namin habang nakatingin sa likuran namin.

"Saan yun pupunta?" bulong na tanong ni Yna sa'kin.

"Malay ko." tanging sabi ko nalang.

"What's her full name?" biglang tanong naman ulit ni mister Ydwen.

"Yara Agustin po." agad na sagot naman ni Yna.

"Yup, it's Yara Agustin." biglang sabi naman ni Hazon Suvillan.

"Why kuya? You know her?" biglang tanong naman ni Nickson.

"I just feel like I know her." sagot naman ni Ydwen Joshua sa tanong ni Nickson.

Teka nga ba't ba kami nandito sa harapan ng pintoan ng gym, ang dami ng taong nakatingin sa amin, nagtataka ba't namin kausap itong mga famous na mga taong 'to na kasama yung bisita namin.

At saka, saan naman kaya pupunta yun si Yara, ba't bigla biglang aalis at hindi man lang nagpaalam sa amin.

Bigla namang nag vibrate yung phone ko, pag tingin ko ay message galing kay Yara.

Bigla namang nag vibrate yung phone ko, pag tingin ko ay message galing kay Yara

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.


Ano naman kayang ikinasama ng pakiramdam ng babaeng yun.

Grabe ha, hindi man lang nag paalam.









>>>


YARA JASHENE (COMPLETED)Where stories live. Discover now