CHAPTER 25

43 16 4
                                    




Miegwyn's POV





After naming kumain ng samgyup since yun naman ang gusto nina Yna at Yara kahit na ayoko dahil ang mahal, wala akong magagawa, sabit lang naman ako sa lakad na 'to, lumabas narin naman kami pagkatapos.

Saan naman kaya kami pupunta, buti nalang wala sina nanay sa bahay ngayon kaya naka alis ako.

"Miegwyn, ito oh, yung promise ko." biglang sabi ni Yara habang nag lalakad lakad kami, napatingin naman ako sa perang inabot niya, agad niya itong inilagay sa kamay ko.

"Ano to?" na guguluhang tanong ko habang naka tingin sa two thousand nasa kamay ko.

"Sabi ko kahapon ako bahala sa pamasahe mo diba?" sabi naman agad ni Yara, napatingin naman ako kay Yna na tumawa lang sa tabi niya.

Pamasahe? Ang ang laki nito? Two hundred lang naman pamasahi papunta sa amin mula dito sa mall, back and fort na.

"Ang laki nito." sabi ko sa kaniya.

Pero tumawa lang siya, "Okay lang yan, si Yna naman nag bayad sa kinain natin." natatawang sabi niya.

Ba't ang daming pera ng babaeng 'to, parang si Yna lang kung gumastos, eh sa pagkaka alam ko scholar lang din si Yara sa LU.

Minsan ko siyang nakikitang maraming laman ang wallet niya, pero hindi naman siya actually kasing gastos ni Yna, minsan lang kung man libre si Yara sa canteen or cafeteria, since si Yna naman ang mas mahilig sa snack at foods kaya halos palagi si Yna ang nang tre-treat, pero hindi naman tumataba.

Hindi na ako nakapag reklamo dahil iniwan nila akong tulala sa gitna ng daan, habang silang dalawa at masayang pumasok sa time-zone.

Napabuntong hininga nalang ako at ibinulsa yung ibinigay ni Yara, anong karapatan kong tumangi, pang isang buwan ko nang allowance to.

Nang sumunod ako kay Yna at Yara sa loob ng time-zone ay bumibili na sila ng token. Napatingin rin ako sa mga taong kasalukuyang nandito rin, ang daming tao ngayon, sabagay Saturday nga pala ngayon.

"Mieg! Help!" biglang sabi ni Yna habang nasa harapan ng isang machine na may lamang mga laruan.

"Kunin mo nga yung pink na yun!" sabi niya sa'kin at itinuro yung nasa pinaka likuran na laruan.

Napa face-palm nalang ako, "Pano ko makukuha yan." bagot na sabi ko.

"Eh, sige na try lang! Marami naman akong token dito." sabi ni Yna at ipinakita yung mga token na nasa bulsa ng pantalon niya.

Napailing nalang ako at ginawa nalang yung gusto niya. After ilang attempt, mga sampong attempt yata yun ay nakuha ko rin yung laruan gusto niya.

Pinagtatawanan kami ni Yara kasi marami kaming nasayang na token, eh ang hirap kunin nong laruang gusto ni Yna.

Napabuntong hininga nalang ako at hinayaan silang mag laro ng mag laro, I mean, kasali nga pala ako, palagi ba naman akong tinutulak nong dalawa papunta sa harapan ng machine pag may gusto silang ipakuha or kung ano pang lalaruin dito sa time-zone.

Kahit mga pambatang sasakyan, hindi nila pinalampas. Napapailing nalang talaga ako habang nakangiti, hindi ko mapigilan yung ngiti ko sa totoo lang.

Panay tawa naman sina Yna at Yara, habang ako ay kanina pa seryoso, napapangiti nalang ako pag grabeng tawa na ang naririnig ko sa kanilang dalawa.

Hangang sa mapagod sila, napaupo sila sa isang bench dala dala yung mga napanalunan nila, napailing nalang ako at naupo sa tabi ni Yara.

"Nakakapagod, pero worth it!" Yna cheerfully said, tama, masaya namang gumala kahit minsan.

YARA JASHENE (COMPLETED)Where stories live. Discover now