CHAPTER 11

51 19 3
                                    





Miegwyn's POV








"Guys! Tingnan niyo 'to!"

Nagulat naman ako dahil sa lakas ng boses nong isa kong ka-klase kaya napatingin ako sa kanila.

"Shit! Legit?"
"Totoo!"
"Grabe, totoo!"

Pinanood ko lang silang may pinagkakaguluhan sa mga cellphone nila.

Ano na naman kayang balita ang nasagap nila? Masyadong maraming chismosa sa school na 'to, masyadong marami ang mga pakealamero.

"No way!?"
"Nasaan na ba sina Yna at Yara?"

Napantig naman ang tenga ko ng marinig ang pangalan ni Yna at Yara. Ano naman kayang meron at nadawit pa ang pangalan nong dalawang 'yon?

"Hoy, hindi nga?"
"Nakita niyo na?"

Hindi parin talaga sila tumitigil sa pinag kakaguluhan, ano kaya 'yon, na iintriga naman ako dito. Pero ibinalik ko nalang ang tingin ko sa cellphone na hawak ko.

Ano bang anime ang magandang panuorin ngayon...

"Si Jadien at Nickson!"
"Legit na legit!"
"Si Yara at Yna 'to!"

Muli akong nag angat ng tingin at tiningnan yung mga classmates ko na halos lahat sila, mapa babae man o lalaki, ay may pinagkakaguluhan sa mga cellphone nila.

Ilang besis ko nang naririnig na binabanggit nila ang pangalan ni Yna at Yara, ngayon naman pati pangalan nong mga famous sa STEM department?

Asan na kaya yung dalawang yun, kanina pa nagpaalam si Yna sa'kin na hahanapin niya raw si Yara kasi pinapapunta sila ni ma'am Joanna sa faculty office.

"Patingin nga!"
"Gagi, tingnan mo sa twitter!"

Twitter huh, Dahil curious ako sa kung anong pinag kakaguluhan nila ay binuksan ko yung twitter account ako. Sandaling ni-refresh ko ito at agad na lumabas sa feed ko yung balita.

Ano na naman 'to? Bakit parang ang daming kababalaghang nangyayari sa dalawang 'to, lalo na kay Yara

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.


Ano na naman 'to? Bakit parang ang daming kababalaghang nangyayari sa dalawang 'to, lalo na kay Yara.

Ano na naman 'to? Bakit parang ang daming kababalaghang nangyayari sa dalawang 'to, lalo na kay Yara

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
YARA JASHENE (COMPLETED)Where stories live. Discover now