CHAPTER 36

38 14 4
                                    





Miegwyn's POV









Pagkapasok na pagkapasok namin sa classroom ay nandon na si ma'am Joanna.

Agad na napatingin ako kay Yara at Yna, nag aalalang nakatingin si Yna kay Yara, habang si Yara naman ay walang reaction ang muka habang hinihintay ang sasabihin ni ma'am.

"Follow me." tanging sabi ni ma'am Joanna at nauna pang lumabas, agad namang sumunod si Yara, si Yna naman ay mabilis na sumunod rin sa dalawa kaya wala akong magawa kundi ang sumunod na rin sa kanila.

Nag aalala rin naman ako, paano kung talagang e expel si Yara ngayong araw?

Nang makarating kami sa office ng department head ay agad na napansin ko na naman ang maraming students na nag kalat sa labas, alam ko naman sinusubay-bayan nila ang mangyayari ngayon. Mga chismosa talaga.

"Wala na, nandon pa naman sa loob yung anak ng mayari ng LU, ma eexpel na talaga siya." rinig kong sabi nong mga babae na nadaanan ko since ako naman yung nasa pinaka-likuran.

Nasa loob si Ydwen Joshua Lowell? anak ng mayari naman yung sinabi nila diba?

Agad na sumunod nalang ako kay Yna since siya naman yung nasa unahan ko.

Pagkapasok ko sa loob ng opisina ay napasin ko agad yung bisita nila na naka upo sa isang wooden chair sa harapan ng department head.

Napansin ko rin na nakatingin si Yara sa lalaki pero walang reaksiyong ang muka niya.

Napatingin naman ako sa labas ng bintana ng opisina, talagang nakabukas pa, alam kong si Andrea na naman may pakana niyan para marinig na naman ng mga tao sa labas yung pinag uusapan dito sa loob.

"Thank you at hindi mo na kami pinag-antay, miss Yara Agustin." sabi ni sir department head.

Aba, kalmado ang boses, kasi may bisita, mga plastic na tao nga naman.

Napatingin naman ako kay Andrea na nakangisi na naman habang nakaupo sa harapan ni mister Ydwen Joshua Lowell, sinungaling na nga, ang landi pa.

"Nasaan ang parents o guardian mo, miss Agustin?" tanong naman agad ni sir.

Napatingin ako kay Yara na nakatingin parin kay Ydwen, pero agad ring umiwas siya nang tingin at tumingin sa department head nalang.

"I will go straight to the point, sir, my parents are both busy so it would be really hard to meet with them today, and I don't want to tell them about this anyway." sabi ni Yara, straight english pa, ibang klase talaga.

Napatingin naman ako kay Ydwen Joshua Lowell ng bigla itong mahinang natawa, kahit si Yara ay napatingin rin ulit dito.

"So, sinasabi mo na walang pakialam ang parents mo sayo?" sabi na naman bigla ni sir, nang iinsulto na naman.

"Diba sinabi ko kahapon na kailangan dumating ang mga magulang mo para ma tapos na natin to? O gusto mo talagang ma expel?" seryosong sabi naman ulit ni sir.

"Sorry 'bout this Mr Lowell, some of our students weren't raised ethically by their parents." kalmadong sabi ni sir kay Ydwen.

Natawang tumango naman ito, "Don't worry just continue, sorry if I am here, I didn't know may magaganap palang ganito." sabi niya naman habang nakatingin kay Yara.

Napatingin naman ako kay Yara at malalim na napabuntong hininga nalang siya, "Gaya nga nang sabi ko kahapon, expel me if you want, but I want Andrea to be expelled as well."

"What! What the hell are you saying." inis na sabi ni Andrea, "I... I was the victim here." sabi niya ulit, tangina at nag paawa pa ang bruha.

Napatingin rin ako kay sir na nagpipigil na nang galit, "What are you saying miss Agustin... Gaya rin nang sabi ko kahapon, bakit hindi ka nalang mag apologize kay Andrea? Pwede ka pang hindi ma expel." sabi ni sir.

"No, I want her to be expelled! Ang dami niyang atraso sa'kin at sa ibang schoolmates namin, for the past months! pa simple lang yan pero na nanampal nang walang dahilan at ang landi pa!" inis na sabi ni Andrea.

Napatingin naman ako kay Yara, "Really? Why don't you check her account? Mas marami ang pambubully na ginawa niya sa social media, and you'll be arrested once it's proven, it's a crime ."

Natahimik naman si Andrea sa sinabi ni Yara, nakita ko ang pagsara ng kamay niya. Mukang inis na inis na to.

"Sir, with all due respect, why are you just so calm? kahapon lang ang lakas ng boses mo."

Napatingin naman ako kay Yna dahil sa biglang pag takip niya ng bibig matapos marinig ang sinabi ni Yara, napatingin rin ako kay Ydwen ng tumatawa ito nang mahina.

Napatingin rin ako kay sir na namumula na ang muka, punong puno na yan.

"Miss Agustin, ano bang pwede kong gawin sayo para ma cure ko yang attitude mo." Halos matawa na naman si Yna sa sinabi ni sir obvious kasi sa boses nito na nag pipigil nalang talaga ito nang galit niya kay Yara.

"Wala sir, hindi na kailangan, hindi mo nga ma cure yung attitude ng anak mo, yung akin pa kaya." sabi naman ni Yara.

Natawa naman yung bisita namin kaya halos sumabog na ang ulo ni sir at Andrea, pero nagawa parin ni sir na ngumiti ng peke.

"Wala ka rin talagang modo no, kanina pa ako nag titimpi dahil nakakahiya sa bisita natin, hindi ka ba nahihiya sa ipinapakita mo." seryosong sambit ni sir naman.

Nakita ko naman ang biglang pagtingin ni Yara kay Ydwen na nakatingin rin sa kaniya, kanina pa yan nakatingin kay Yara actually.

"Tch, why would I be ashamed of that guy." biglang sabi naman ni Yara, nagulat naman ang lahat except sa'kin na natural lang nakanonood sa kanila. Pero honestly, nagulat rin ako, hindi lang obvious.

Kahit si Yna at ma'am Joanna na nasa tabi ko at nagulat rin sa biglang sinabi ni Yara. Segurado rin ako na nagulat rin yung mga chismosa sa labas.

"What the hell, nerd! Wala ka talagang respeto!" malakas at pagalit na sabi ni Andrea.

"I do have respect, only to those who were just worthy of my respect." sagot naman ni Yara.

"Wala kang respeto, hindi kailangan ng school natin ng mga estudyanteng walang modo. Dapat talaga sayo ene-expel." galit na sabi ni sir.

"Expel your daughter first." bagot na sambit naman ni Yara.

Ibang klase talaga 'tong babaeng 'to. Ginagalit talaga si sir. Nakita ko naman ang mga ugat sa noo ni sir at ang nakasarang kamay ni Andrea.
















>>>

YARA JASHENE (COMPLETED)Where stories live. Discover now