CHAPTER 47

45 14 7
                                    





Yara's POV











Kinabukasan as I woke up early, early rin akong bumaba ng kwarto and nag breakfast.

As soon as I finished my breakfast, dumating si Hazon as usual. Although,  I kinda feel weird sa mood niya, he was quiet the whole ride 'til we arrived to LU. I don't want to ask what's his problem so hinayaan ko na.

"Hey, Yara! Nakita mo ba yung bagong trending sa twitter?" biglang sabi ni Yna.

Kunot noo ko siyang tiningnan at umiling, "Hindi ako nag online kagabe, bakit? May bago ba?" I asked.

"Gaga! Trending ka na naman." sabi niya at tumawa pa ng malakas.

"Someone saw you with Sage yesterday, nag viral yung picture na kuha sa inyo while you're having your little 'coffee date'." Yna said again and laughed.

What the f?

"Whatever, wala akong pakialam jan." bored na sabi ko nalang, naiiling na natatawa nalang naman siya.

Coffee date my ass. Mga isip talaga ng mga tao kakaiba, nag snack lang naman kami ni Sage, pero sabagay, pwede na rin yun, Lol.

Nang mag lunch, kaming tatlo lang yung nasa table namin, buti naman walang mga pogi na nagpakita dahil hindi kaya ng pride ko yung mga bulungan then nandito sila sa harapan ko.

Nang mag uwian naman, hinatid ako as usual ni Hazon sa bahay.

"Why don't you have snack muna, Haze?" mom who happened to be outside suddenly asked Hazon nang makarating kami sa bahay.

"Hindi na auntie, I have a meeting with my group pa, hinatid ko lang si Yara." sabi naman ni Hazon kay mommy.

"Ganon ba, well, thank you always, if you have free time, just come here ha, well have dinner instead." sabi naman ni mommy.

Tch, masyado ka namang mabait jan, mom. Eh ang sungit niyan buong araw.

"Yes of course, auntie, I'll go ahead na po." sabi ni Hazon and after niyang mag paalam kay mom ay agad siyang umalis.

Hindi man lang nag paalam sa'kin, ano ako dito? hangin? display? bulag ba yun? edi wow, buti nga dahil ayoko makipag plastican, tch!








Kinabukasan, as usual ay pumunta na naman si Hazon sa bahay at isinabay na naman ako papasok sa LU, then hinatid pag uwian.

Hindi gaya nong naunang araw, mukang good mood ang Hazon niyo, pero as usual tinarayan ko na naman siya, ang sungit niya nong unang araw, kaya sinungitan ko rin, sino ba siya. Psh.

"Aren't you done eating." biglang tanong niya.

Sinamaan ko naman siya ng tingin, "Obvious ba? Kasisimula ko pa nga lang." sabi ko at inirapan siya at ipinag patuloy yung breakfast ko.

I heard him sigh, "If you finished, just go directly to my car, hihintayin nalang kita don." rinig kong sabi niya, hindi ko naman siya sinagot.

As soon as matapos akong kumain ay agad na kinuha ko yung bag ko at lumabas ng bahay, and I saw Hazon leaning in his car.

"Just tell them I'll be late." rinig kong sabi niya, mukang may kausap sa phone niya, naka talikod kasi siya sa gawi ko.

"Yeah, I will. I will go there as soon as I arrived." rinig kong sabi niya ulit, then may tinitingnan sa kamay niya, I guess tumingin siya sa wristwatch na suot niya.

YARA JASHENE (COMPLETED)Where stories live. Discover now