CHAPTER 14

51 18 7
                                    




Yara's POV








"Hoy!"

Ang ingay talaga ng mga classmates ko.

"Hoy, Yara!"

"Ay kabayo!" gulat na sambit ko, muntik ko pang mabitawan yung cellphone na hawak ko dahil sa biglang pag bagsak ng isang libro sa table ko.

"Yna!" inis na sambit ko ng makilala yung taong gumawa non na nasa tabi ko na. Seryosong tinitigan niya naman ako habang nasa bewang niya yung mga kamay.

"Problema mo?" kunot noo kong tanong sa kaniya.

"Gaga! Kanina pa kita tinatawag!" pagalit na sabi niya naman, nagulat naman ako sa reaction na ipinakita niya.

"Masyado ka naman yatang busy sa cellphone mo these past few days? At grabe ha, ngumingiti ngiti ka pa jan. Sinong ka chat mo?" sunod sunod na sabi niya habang nakataas pa ang isang kilay.

Natawa nalang naman ako, "Wala, anong pinag sasasabi mo jan." saka ko pinatay yung phone ko.

"Ulol, nakita kong may ka chat ka!"

"Hoy, ang ingay mo." agad na sabi ko naman.

"Bakit hindi ka mag kwento! Sabihin mo sa'kin kung sinong ka chat mo." Natawa naman ako dahil sa sinabi niya, at talagang mas lumapit pa siya sa akin.

Napatingin naman ako kay Miegwyn ng umiling ito because of the behavior na ipinakita ni Yna.

"Wala nga, si ate Ellen lang ka chat ko." sabi ko naman kay Yna at inilayo mula sa kaniya yung cellphone ko.

"Sinungaling! Ang landi landi mo ah, tapos ayaw mo pang mag kwento." she said and then pouted.

Tinawanan ko nalang naman siya, saktong dumating naman yung teacher namin kaya tumigil na agad siya at umayos na ng upo sa upuan niya.

It's been already a week since Sage and I followed each other's account on Twitter, then told each others message accounts. Ang saya niyang ka chat grabe!

Yun nga lang daming bumabatikos sa'kin dahil nalaman na naman ng iba na mutual followers kami ni Sage sa twitter, at least hindi nila alam na nag kaka-chat kami.

Baka ipabogbog na nila ako, my god, ayokong umuwi sa amin na bogbogsarado dahil lang sa lalaki.

Lunch time came and as usual I am with Yna and Miegwyn, nothing have change, ganon parin naman itong dalawang kasama ko.

After nilang mag order at makabalik sa table namin ay tahimik silang gumaya sa'kin sa pag cecellphone.

"Mag cecellphone nalang ako, muka naman akong tanga na walang kausap. Nakakahiya naman sa inyo, nasa cellphone lang palagi ang atensiyon." rinig kong sabi ni Yna as she picked up her phone.

Natawa nalang naman ako at ibinaba na ang phone ko, "Sorry na, wag ka nang magalit!"

"Che." Natawa nalang naman ulit ako because of her behavior.

I decided lumapit nalang sa kaniya at sumilip sa ginagawa niya sa cellphone niya.

"Wag ka nga dito, don ka sa kalandian mo." sabi niya at iniwas yung phone niya sa'kin.

Pero seryoso ko naman siyang hinawakan, "Sandali, may nakita ako." seryosong sabi ko at tiningnan ang phone niya.

"Tch! Kainis kang babae ka ah." Mahinang natawa naman ako dahil sa sinabi niya pero hinayaan niya naman akong hanapin yung post na nakita ko sa feed niya habang nag scroll siya kanina.

YARA JASHENE (COMPLETED)Where stories live. Discover now