CHAPTER 21

45 17 3
                                    



Yara's POV





Boring, even though I have tons of activities I need to finish before the deadline, busy schedule, and mag rereview for the upcoming exams, I still feel some boredom.

Napabuntong hininga nalang ako at sumandal sa inuupuan ko at kinuha yung snickers na nasa ibabaw ng table ko, since I am currently in front of my notebooks.

Walang pasok since it's Saturday.

"Pagod na ako!"

After isang kagat lang ng snickers ay tumayo ako.

I want some fresh air, I feel so drained, ang dami ba namang binigay na mga activities and projects.

"Uy, Yara?" Medjo nagulat naman ako ng makita ko si Paty pagkalabas ko sa unit ko, "Himala lumabas ka, wala namang pasok ngayon." natatawang sabi niya.

I just slightly laughed, "Lumalabas naman ako pag may gusto akong bilhin."

"Yun na nga, pag may bibilhin ka lang sa tindahan ni ate Ellen." natatawa niyang sabi.

Natawa nalang rin ako ulit, "Magpapahangin lang ako at may bibilhin rin na mga materials."

"Ganon ba... Ikaw lang mag isa?" muling tanong niya naman, agad naman akong tumango.

"Sige, Pat, alis muna ako." paalam ko sa kaniya.

"Sige, ingat!" rinig kong sabi niya habang papalabas ako ng apartment namin, kumaway nalang ako sa kaniya while just steadily walking.

As soon as I went out may dumaan agad na tricycle kaya agad akong naka sakay.

I decided na pumunta nalang sa malapit na book store or tindahan ng school supplies na malapit lang sa LU, since malapit lang rin naman ang apartment ko from LU.

I immediately look for the materials I need for my scrapbook, bumili na rin ako ng papers and ballpens para if maubusan I still have extras.

"560 pesos po ma'am." sabi nong cashier, agad na kinuha ko naman yung one thousand na dala ko at ibinigay sa kaniya.

Nang matapos ako ay agad akong lumabas ng store nila since may bibilhin pa ako sa convenient store na nasa tapat.

"Yara!" Agad na napalingon ako when I heard that familiar voice.

Oh my.

I saw a pogi running towards my direction. Parang nawala naman ang stress ko. I didn't expect that I'll be able to see him here today.

"Hi!" nakangiti niyang sabi.

"Hi, Sage!" I greeted him with a smile too.

"What are you doing around here?" tanong niya.

"May binili lang, ikaw? didn't know makikita kita rito." nakangiti ko namang sabi.

"Well, galing ako sa school, and just about to go home, pero may bibilhin muna ako sa coffee shop. And I saw you, didn't expect I'll meet you here." nakangiti niyang sabi.

Ah! Ba't ang pogi nito.

"Ganon ba, nagulat nga ako ng marinig ang boses mo." natatawa ko namang sabi.

"Where are you going na nga pala? Uuwi ka na ba?" biglang tanong niya naman.

"Nope, may bibilhin pa ako sa convenient store, but after ay uuwi na rin ako."

"Great, I'll drive you home, but let's grab a coffee muna." he said.

"Eh? Hindi na, nakakahiya..." I mumbled, and he just giggled.

"Ba't ka naman mahihiya," natatawa niyang sabi, "I insist."

"Sure ka?" nagdadalawang isip na sabi ko.

He just chuckled, "Oo nga, but before that, coffee muna tayo, treat ko." he said as he grinned.

Napailing nalang naman ako, "Okay, if you insist."

Natawa naman siya, "Let's go?"

Tumango nalang naman ako, as we both headed to the coffee shop near the convention store.

Legit na buo na talaga ang araw ko, nawala pa pagka bored at stressed ko. I really like Sage's presence, ang say niya kasing kausap at kasama.

Nang makarating kami sa coffee shop ay pinaupo niya ako sa isang bakanteng table while he directly went to the counter to order.

Eh?? Hindi man lang ako tinanong kung ano gusto ko, I just pouted as I look outside the coffee shop since glass lang naman ang wall nila.

"Here's yours."

Napatingin naman agad ako kay Sage nang marinig ko ang boses niya, may dala na siyang iced coffee and donuts.

"Wow, thank you!" nakangiti kong sabi.

Ngumiti rin naman siya sa'kin, "Welcome." he said and giggled as he sat in his seat which was just in front of me.

While having our lil snack time, we're both just talking 'bout some stuff, particularly school stuff.

I've found out that he went to LU to pass a final requirement sa isa nilang subject.

Legit na ang gaan kasama ni Sage, he talks a lot, and really doesn't want you to feel bored or whatever awkwardness.

Well, we've been chatmates for a month and weeks na, he's really a good friend, well, obvious naman kasi he won't dare to help me back then when he isn't a good person.

Ang bait niya at ang pogi niya pa, hay kaya nga crush ko 'tong lalaking 'to.

"Thank you for the treat, Sage!" nakangiti kong sabi as soon as I went out from his car.

Just like he said, talagang hinatid niya ako sa apartment ko. Nakakahiya, pero ang kulit niya eh.

"No problem, thanks also for today." nakangiti niyang sabi.

"Bye, ingat." nakangiting sabi ko while waving my hand as soon as magsimula siyang mag drive paalis.

Nakangiting pumasok naman ako sa apartment ko, buti nalang hindi naka bukas ang tindahan ni ate Ellen at walang tao sa labas since almost all our boarders always went home every weekend.

Agad na nahiga ako sa kama ko at inalala ang unexpected na coffee date namin! HAHAHA coffee date? Ang delusional mo Yara.

Natawa nalang ako sa naisip ko at agad na tumayo.

"Landi, parang walang activity and projects ah." natatawang sabi ko sa sarili pagkaupo ko sa harapan ng study table ko.

Napabuntong hininga nalang ako at napailing as I started to continue working on my piled school works.

Kinabukasan ay buong araw lang akong nasa room ko, since I do have a lot of foods na naka stock ay hindi na ako lumabas, nabili ko na rin naman ang lahat ng mga kailangan ko kaya buong araw talaga akong hindi lumabas sa room ko.









>>>

YARA JASHENE (COMPLETED)Where stories live. Discover now