Chapter 11

243 9 0
                                    

You play your sport with such passion in your eyes. That dedication is truly admirable. I hope you won't stop. You deserve every recognition you can get.

I bit my lip as I was staring in front to listen to Ma'am Amelia's lecture. Pero nakikita ko sa gilid ko na ilang beses inuulit basahin ni Ryder ang note na nilagay ko kanina sa upuan niya.

I can't handle seeing him like this. He looks like he wants to laugh because he's stifling his grin. Kahit tinatakpan niya ng nakasaradong kamay ang bibig niya, kita pa rin ang pagkaaliw niya.

Well I hope he's entertained because my note made him feel something, not because I look so freaking corny!

"...According to Hume, what people perceive is really a bundle or collection of various perceptions. According to Hume, if people carefully investigate the contents of their experience, they would discover that there are only two separate entities: impressions and ideas..." Ma'am Amelia continued her lecture while using a laser pointer to her presentation. She's walking around the room as the lecture proceeds.

Nakita ko sa gilid ko na napasandal si Ryder sa backrest ng upuan niya. Sandaling tumingin din siya sa taas at kita ang buntong hininga niya bago pigilan ulit ang sarili sa pag ngiti.

Halos mahimatay na nga ako sa upuan ko nang tumingin siya sa akin at ipinahinga ang siko sa desk niya. Nasa right side kasi ang desk ng upuan kaya mas lalong napalapit siya sa akin!

There's no space between the chairs, so it looks like Ryder is leaning towards me!

"...According to Hume, the idea of a self cannot be drawn from any of these experiences, and as a result, there is no such thing as a self..." Patuloy na lecture ng professor namin at patuloy na rin ang pagwala ng sistema ko sa lapit namin ni Ryder.

Ang bilis ng paghinga ko kaya sana hindi niya mahalata iyon!

Nakapahinga ang siko sa desk, ang baba ay nakapahinga sa saradong kamay, habang patuloy na inuulit basahin ang note na binigay ko kanina. Pasalamat na rin ako na hindi siya napapansin ni Ma'am Amelia dahil baka ma call out din ang note na ginawa ko para sa kanya!

Halos manginig ako kaya nabitawan ko ang ballpen na hawak ko. Parehas kaming nagulat sa nangyari!

Gumulong ang ballpen ko sa ilalim ng upuan niya. Bakit doon pa?!

Siya ang yumuko at kumuha habang halos mamawis na ako sa kaba sa paghihintay sa kanya. Inabot niya sa akin ang ballpen ko pero nang kukunin ko na sa kanya, binawi niya!

My eyes widened at that. Ryder cleared his throat before getting another pen from his bag. Lalong nanlaki ang mga mata ko nang iabot niya sa akin ang nakuhang ballpen. Nakanganga akong napatingin sa mga mata niya.

He softly smiled at me. Lalong nilapit sa akin ang ballpen niya.

"I won't let you use your pen. The ink poured out. Baka madumihan ang uniform mo." He said in his usual slow, deep and manly voice.

I cleared my throat. Nakita ko rin na ang ink ng ballpen ko ay napunta na sa kamay niya! My eyes widened before immediately getting my wet wipes inside my bag. I handed it to him.

"Madumi na ang kamay mo. Clean it out." I uttered softly and maybe a bit rapidly.

He chuckled. Lalo akong nanghina.

"Kunin mo muna ang ballpen ko. Iyo na lang 'to."

I nodded before getting it from him. His fingers softly brushed mine just like how he gave me the ball during our childhood. "Thanks." I uttered, almost like a whisper.

"You're always welcome, Bella."

Nagpigil ako ng ngiti habang nakikinig sa lecture. He spoke my name as if there's something special to it. He's the only one who can do it. Well, the only one I can allow to do that.

P.S Always and ForeverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon