Chapter 33

222 6 0
                                    

"Anak, bakit hindi mo nilalapitan si Ryder?" Bulong sa akin ni mommy.

Nandito na kasi kami sa wedding reception. Hinatak pa ako ni mommy para sa tumabi kami at bulungan.

"Mommy, he still has an agreement going on." Bulong ko pabalik.

Mom smiled at me as she caressed my cheeks. "So, kung wala, hindi ka na mahihiya na lapitan siya?"

I groaned. "Mahihiya na ako lapitan siya dahil papanoorin niyo ako."

She laughed before pinching my cheeks. I pouted at her.

"Pupunta ka ba sa game niya? Last game of the season na 'yon." Sabi ni mommy sa akin.

Kinagat ko ang labi ko at tiningnan siya. "Mommy, I still don't know if I can handle his crowd."

Mom softly smiled at me. "Anak, at some point in your life, you will be bound to face the crowd. Nagagawa mo na nga sa trabaho mo, magagawa mo rin kapag kasama mo na si Ryder."

"Baka umiyak ako, mommy."

"It's normal to have emotions, anak. Umiyak ka kung na overwhelm ka pero harapin mo 'yan. Gusto mo makasama si Ryder, right?"

I slowly nodded.

She smiled. "Then, go for it. Naka suporta lang kami ng daddy mo. Welcome the change, anak."

I gave her a small smile. "Thank you, mommy."

She caressed my cheeks before kissing it. "Kasal na ang dalawang kaibigan mo. Magkakaroon na nga ng mga sariling pamilya. I can't wait for you to walk down the aisle."

I groaned. "Mommy naman, eh!"

She laughed. "Sinabi ko lang naman ang totoo, anak. I want Ryder to be your groom."

I gave her a last look before walking toward Crim and Misha. Narinig ko pang tumawa si mommy habang naglalakad ako palayo sa kanya.

"Ikaw ang sasalo ng bouquet ko, ah?" Bulong sa akin ni Crim.

I looked at her in confusion. "Huh? Bakit ako?"

Crim laughed before patting my head. "Para ikaw ang susunod na ikakasal."

My eyes widened and they laughed at my shocked expression.

"Come on, Bella. Just admit it! Hindi na kayo makapaghintay ni Ryder na makasal!" Pang aasar sa akin ni Misha.

"Yeah, hindi na ako magugulat kung biglang magyaya 'yan!" Sabi ni Crim na may pang asar na ngisi sa akin.

"Gosh, you will be a beautiful bride!" Misha said excitedly. Halos tumalon na nga silang dalawa ni Crim dahil sa excitement.

I cleared my throat, hoping it could calm my turbulent system. "Masyado pang maaga para diyan."

Crim wiggled her eyebrows at me. "Pero inaabangan."

I groaned and they laughed at my misery.

"Hello, girls! It's so good to finally see you complete!" Bati sa amin ni Ma'am Amelia.

We welcomed her and we carefully hugged her sideways. May kalakihan na kasi ang tiyan niya.

"How many months na, ma'am?" Misha asked our former professor.

"Five months." She smiled as she caressed her tummy in front.

"Congratulations, ma'am! Ang ganda ng pregnancy glow niyo!" Puri ni Crim sa kanya.

Ma'am Amelia laughed. "Kayong dalawa ni Misha ang dapat kong sabihin 'yan! Ang gaganda niyong magbuntis!"

Nagpasalamat sila Crim and Misha sa puri ng professor namin. Napatingin siya sa akin. I smiled at her.

P.S Always and ForeverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon