"Anak, pakiabot na lang ito kay Beatriz mamaya pag uwi mo, ah?" Sabi sa akin ni Ninang Amelia habang naglalakad kami sa hallway ng university. Nakasalubong ko kasi siya at sumabay na sa akin na lumabas ng gate.
I chuckled. "'Yan na naman?" I said, pertaining to a tupperware of leche flan with ube.
Natawa si ninang. "Alam mo naman hilig 'to ng nanay mo. Sakto may nagbebenta sa tabi ng bahay kaya bumili na ako."
Natawa ulit ako. Papunta na kami sa parking lot kung nasaan ang kotse ko. Hindi ko na kasama sila Galen dahil may klase pa sila. Sakto at wala akong training mamaya kaya magpapahinga na ako sa bahay.
"Ninang, sabay ka na sa akin pauwi. Ihatid kita." I offered Ninang Amelia a ride home.
Ninang smiled at me before linking her arms to mine. "Salamat, Benj. Sana talaga magkaroon ako ng anak na katulad mo."
I scoffed when I remembered her husband. "Hiwalayan niyo na muna ang asawa niyo. Bakit ba kasi nag stay kayo sa kanya?"
Ninang sighed. "When you love someone, you will know it. Everything else fades away..."
Yeah, her words did fade away when I was staring at a woman who seemed to be waiting for her driver to pick her up. Nasa valet area siya nakatayo at may kasama na dalawang babae na naghihintay din kasama siya.
I chuckled in disbelief, and my mouth remained parted open because of the sight of her. It really is a small world.
I don't even need to question why I was staring this long because the organ in my chest recognized its real owner.
Ilang taon na ang nakalipas, kilala pa rin siya ng puso at kaluluwa ko.
It's such a crazy fact because our days at the park were just spent gazing from afar. Isang beses ko lang siya malapitan pero saglit lang noon. Doon ko rin nalaman na Bella ang pangalan niya.
Tumigil din sa paglalakad si ninang dahil sa pagkatulala ko sa babae. Just like in our childhood days, I spent my free time just staring at her.
"Girlfriend mo, Benj?" Tanong ni ninang dahil sinundan niya ng tingin ang tinitingnan ko.
I blinked rapidly when I realized that the car she's waiting for had already driven away. I must have been staring for minutes.
Napatingin ako kay ninang at natawa na lang. "Sana."
Ninang Amelia gave me a teasing smile. "Alam na ba 'yan nila Beatriz?"
I chuckled and shook my head before assisting her toward my car.
"Three more laps, guys!"
Sigaw ng team captain namin mula sa harapan. Tumatakbo kami ngayon sa kabuuan ng university para sa training namin. Nakakapagod talaga pero kapag nasanay na, maliit na bagay na lang ang ganitong exercise. Buti na nga lang mabait ang team captain dahil pwede kami tumigil sa pagtakbo kapag napagod na pero kailangan pa rin matapos ang lap number na naka assign ngayong araw.
Naliligo na ako sa pawis nang makita ang babae ko. Bumagal ang takbo ko. Dahil sa posibilidad na humarang sa team ko na nasa likod, tumabi na muna ako.
Magpapahinga na muna galing sa pagtakbo dahil nakita ko siya.
She's sitting by the bench at the university garden. Siya lang mag isa at hindi kasama ang dalawa na lagi niya kasama.
Ilang araw ko na siya natititigan ulit galing sa malayo at hindi pa rin ako makapaniwala na makikita ko siya dito.
She was so engrossed in the book she's reading that she didn't care about her surroundings. It felt like she's in a different world. Hindi ko na siya nilapitan dahil ayaw kong maputol ang pagbabasa niya.
BINABASA MO ANG
P.S Always and Forever
RomanceTranquil Series #3 [COMPLETED] ✧・゚: *✧・゚✧ tranquil (adj.) calm, serene, and peaceful. Will the letters of forever guide them towards the promise of always? ✧・゚: *✧・゚✧ Started on: July 9, 2023 Ended on: September 20, 2023