Chapter 12

202 7 0
                                    

Tuwing tayo'y magkatabi,
Gusto na lang kitang titigan nang maigi.
Ang galak sa aking sistema,
Ay parang mga paniking nakawala sa kuweba.

Oh, Binibining Bella,
Aking pangako lagi kang iisipin.
Pagkat tanggap kong maging alipin,
Ng isang babaeng kasingganda ng langit.

–Ryder

"Bella!" Tawag sa akin ng isang malakas na boses. I blinked rapidly before looking at the voice who called me. Crim narrowed her eyes on me.

"Ano? Gulat ka pa rin sa note na nahulog kanina?" Tanong niya sa akin dahil may tula na naman si Ryder na inalay sa akin.

I blushed and just hugged her to hide my burning cheeks. She chuckled at my reaction but hugged me back. Si Misha ay nag aayos sa harap ng salamin pero alam kong nakatingin sa amin.

"Kilig na kilig ka pero hindi naman umaamin 'yong isa!" Sabi sa akin ni Crim habang inuugoy ang yakapan namin.

Nasa comfort room kami na malapit sa isang gym ng university at nagbibihis sa aming P.E uniform. Volleyball ang lalaruin namin mamaya.

As much as I freaking hate sports, I will play for grades. Wala naman akong choice!

"Do Ryder know na ikaw ang bata dati sa park?" Misha asked while fixing her hair.

I nodded. "I think so? Hindi naman niya ako bibigyan ng poems kung hindi."

"Grabe ang sagot ng bata natin!" Pinanggigilan ako ni Crim. Humihigpit ang yakap sa akin. Si Misha ay natatawa na lang sa amin.

"Always remember what I said before, bebe. Hayaan mo silang umamin. For now, enjoy the thrill and kilig na binibigay ni Ryder sa iyo." Crim added to which I nodded indulgently.

Misha snorted. "Porket you have a relationship na, ganyan ka na magsalita."

Crim smirked before hugging us both. "Kayo pa rin, pamilya ko, at chem eng ang mga top priorities ko."

Naglakad na kami papuntang gym and nilagay ang mga paper bag ng uniform namin sa isang tabi. Kailangan kasi ulit namin magpalit sa school uniform bago ang next class. Pang P.E class lang kasi dapat ang mga P.E uniform namin.

"Why are they here?" Misha asked us when we saw different college programs roaming around the gym.

Malaki kasi ang gym na ito compared sa ibang gyms ng university. May naglalaro ng basketball kahit half court at ang iba ay nakaupo sa bleachers. Nakahanda na ang volleyball net sa kabilang court.

Pero pinakiusapan ng professor namin ang mga naglalaro ng basketball na tumigil muna dahil graded activity ang gagawin namin. Lalo akong namawis dahil sa kaba dahil lahat sila ay naupo muna sa bleachers.

"Gandang laro nito. Madaming matatamaan ng bola." Sabi ni Crim sabay tawa nang binatukan namin siya ni Misha.

"Oh, my gosh. Sila Kai nandito rin." Bulong sa amin ni Misha na halos magdabog habang hawak ang mga P.E shirt namin.

"Tangina mo! Maghunos dili ka nga, gaga ka!" Crim said then walked towards our class.

Sumunod ako sa paglalakad ni Crim kahit ramdam kong parang lumulutang na ako sa kaba. I felt a gaze following my steps. I don't want to look back and know who it is. Basta maglalaro ako para sa grades ko!

Lalong ayaw ko nang maglaro dahil sa mga nanonood! Hindi naman ako volleyball player! Tangina, para sa grades lang naman 'to pero ang kaba ko ay abot langit!

"Kailangan niyo lang laruin ang volleyball just like parang nasa isang laro kayo. We already learned the different positions inside the court kaya ngayon isasabuhay natin. I want you all to enjoy the game but keep in mind that this is individually graded. So, go to your respective places." Sabi sa amin ng P.E professor namin na isang ding coach ng volleyball team ng university.

P.S Always and ForeverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon