"You're the one...The one I've been looking for."
"Oh, Prince Eric." I sighed dreamily before giggling. I wrote that line in my notebook and designed the page again like what I've been doing when going to the park.
The heat of the sun was enough to give warmth to everyone here. Hindi masakit sa balat dahil umaga pa lang. Marami ang tao dahil Sabado.
My parents want to accompany me when I'm going to the park but due to their busy schedule in their firm, hindi sila nakakasama sa akin. It's not a big deal for me dahil bumabawi naman sila sa akin kapag nasa bahay na. Plus, I have Mama Wina naman.
"Hey! Bitawan mo na 'yang notebook mo! Let's play na!" Crim called me from somewhere. I looked to where she was and saw she's running towards me. Scar was following her.
"But I still want to write!" I demanded. Kanina pa kasi sila nagtatakbuhan sa park, habang nakaupo lang ako sa grass at inaasikaso ang notebook ko.
"Ngayon na nga lang kami nakasama sa iyo tapos hindi mo pa kami papansinin! Hindi na tayo bati!" Pagtatampo ni Crim habang naglalakad na sa akin palayo.
I pouted at that. Onti onti na rin ako naluluha. Inaaway niya ba ako?
Scar went to me and fixed my things before holding my hand. She helped me stand up. "Laro na tayo, Bella! Para hindi na tampo si Crim! Tara na!"
"Okay." I said as I slowly stood up.
We ran towards Crim who's sitting on a bench with her arms crossed. When she saw us nearing her, she pouted and turned in another direction.
I pouted and slowly sat next to her. Her back was in front of me. I played with my fingers before clearing my throat.
"I'm sorry, Crim. Please forgive me." I said softly to her.
She slowly turned her head to me before flashing me a smile. Then she hugged me tightly. I muffled a small 'Ouch' because her hug is too tight!
"Okay, bati na tayo, Bella! Nasa ibang bansa na nga si Misha, tapos aaway pa tayo? Dapat 'di ganun!"
I nodded before hugging her back. "Oo nga! Sorry ulit, Crim! Do you still want to play with me?" I asked her. Si Scar ay nakatayo lang sa harap namin habang nakangiti.
Crim slowly let me go before nodding excitedly. Then she tapped my shoulder before running away. Sumunod sa kanya si Scar!
"Taya ka, Bella!"
I pouted before chasing them around the park. I heard their laughs as I chased them down. Onti onti na rin ako ngumingiti at tumatawa habang tumatakbo.
Pero masyado akong naka focus sa mga hinahabol ko na hindi ko na nakita na nabunggo na ako sa isang tao!
"Hala, si Bella!" Crim shouted before running back to where I was. Tumakbo sila ni Scar palapit sa akin para tulungan ako tumayo.
"Bakit mo binunggo kaibigan namin?!" Sabi ni Scar sa nakabunggo sa akin. Nanlaki ang mga mata ko nang makita na maraming kasama ang nakabunggo sa akin at kasama doon ang lalaki!
"Hoy, mga bata! Mag ingat naman kayo sa susunod! Binangga niyo kaibigan namin! Mag sorry nga kayo!" Sigang sabi ni Crim naman. Sila ni Scar ay nilagay ako sa likod habang hinarap nila ang mga lalaki sa harap.
"Grabe naman kayo magalit! Hindi na kayo gaganda niyan!" Sabi ng isang batang lalaki.
Lalong nainis si Crim. "Ang bastos ng bunganga mo, ah! Ano, suntukan na lang, oh!"
Ang batang lalaki na nagsalita kanina ay hinarang ang mga kamay sa harap. Kunwaring pinagtatanggol ang sarili kay Crim.
"'Wag! Hindi ko kakayanin ang ganda mo!"
"Anong sabi mo?!"
"Crim, tama na!" Awat ni Scar noong lumapit si Crim para suntukin ang lalaki.
"Mag sorry na nga lang kayo!" Sabi ni Scar habang hawak si Crim.
Inawat ng lalaki ang kaibigan niya. Nanlaki ang mata ko noong nagtapat ang mga tingin namin. Bahagya siyang ngumiti sa akin pero biglang nawala.
"Sorry na. Hindi na namin uulitin. Halika na, Les. Lipat na tayo sa court." Yaya ng lalaki sa kaibigan. Sumunod naman sa kanila ang ibang kasama nila.
"Akala mo kung sinong mga lalaki!" Crim said, sinundan pa ng tingin kung saan nagpunta ang mga lalaki.
Pinagpagan nila ni Scar ang dress ko bago bumalik kay Mama Wina. Binalik ko ang tingin sa mga lalaki at nakitang nakatingin sa akin ang isa. Nanlaki ang mga mata ko bago binalik ang tingin kila Crim.
"Crimson! Saan kayo galing?" Tawag ng isa sa mga kaklase namin. Kadarating lang kasi namin sa first class namin.
"Wala, bumili lang ng calamares diyan sa labas! Gusto niyo, Remy?" Sabi ni Crim habang nilalapit ang plastic cup sa kanila na may calamares na laman.
Oliver laughed. "Himala at sumama si Misha sa inyo!"
Misha groaned. "I'm maarte but I know my place! Calamares tastes delicious naman, eh!"
"Weh? Hindi ka nadumihan?" Pang aasar ni Oliver sa kanya.
"Nako, bakla! Nandiri nga dahil sa lagayan ng sandok ng sawsawan pero buti at kumain pa rin!" Sabi ni Crim. Binatukan siya ni Misha bago maupo sa upuan namin sa harap.
First row sa left side ng room ang napili naming upuan. Ako ang nasa dulo, si Misha ang nasa gitna, habang si Crim ay nasa kabilang dulo. Tig tatlong column lang per row ang mayroon sa classroom since konti lang kaming blockmates, at kaunti lang din ang classmate naming iba.
"Good morning, class!" Bati sa amin ni Ma'am Amelia habang naglalakad papunta sa teacher's table.
Umayos na ang mga kaklase ko at bumalik sa mga upuan nila. Si Crim ay naglakad papunta sa upuan niya sa harap at napansin 'yon ni Ma'am Amelia.
"Hello, Miss Engineering!" Bati niya kay Crim.
Crim chuckled before prancing on the middle like a pageant queen. Tinawanan namin siya.
"Ganda niyo, ma'am! Blooming kayo!" Bati sa kanya nila Remy.
Ma'am Amelia waved her hand nonchalantly. "Nangbola pa talaga! Magsiupo na nga kayo!" Sabi niya kaya tinawanan namin 'yon bago mag ayos sa mga sariling upuan.
Vacant seats ang nasa right side ng room kung nasaan ang mga pintuan. Doon daw kasi muna pauupuin ni ma'am ang mga bagong classmate namin.
Nilabas ko na ang notebook ko at nilagay sa desk ko. Hinanda ko na rin ang ballpen ko. Sila Misha and Crim ay nagdadaldalan pa tungkol sa fashion at latest trends.
"You will be joined by another section from a different college program starting today. They will be here a few minutes from now. I hope it's okay and you'll welcome them." Ma'am Amelia said.
"Kailangan niyo rin sila kilalanin, ah? Kikilalanin din nila kayo." She added to which we nodded again.
I sat silently while waiting for them. And, I don't even know the reason why my heart's beating so freaking loud.
|🌙|
BINABASA MO ANG
P.S Always and Forever
RomanceTranquil Series #3 [COMPLETED] ✧・゚: *✧・゚✧ tranquil (adj.) calm, serene, and peaceful. Will the letters of forever guide them towards the promise of always? ✧・゚: *✧・゚✧ Started on: July 9, 2023 Ended on: September 20, 2023