Chapter 6

234 8 1
                                    

"Who are they kaya? Do you have any idea, Crim?" Tanong ni Misha kay Crim kaya napatingin na rin ako sa kanilang dalawa. Umiling si Crim.

"Mas maaga ang pasok nila dahil may first class pa sila bago ito. Kaya siguro late sila ngayon. Pero hopefully next week ay naka adjust na sila sa schedule." Sabi sa amin ni Ma'am Amelia.

Bumukas ang pintuan at bumaling kaming lahat doon. Isa isa pumasok ang mga bagong classmate namin. May mga nahihiya pa nga pumasok at pinapauna ang mga nasa likod nila.

"Hello! Welcome, mga ate at kuya!" Bati nila Crim, Remy, at Oliver sa mga bagong dating.

Bumati rin pabalik ang mga nakapasok na. Naupo sila sa right side ng room at onti onti inaayos ang sarili habang hinihintay pumasok ang iba.

"Okay, class. Kindly welcome your classmates for this semester. Kahit minor subject lang ito, I hope that all of you will be in your best behavior." Sabi ni Ma'am Amelia nang nakapasok na ang lahat.

"Aray, gago! Ano bang problema mo?!" Muntikan na mapasigaw si Crim dahil napalo siya ni Misha sa braso.

Misha held my right arm and she held Crim's left arm. Napalapit tuloy kami sa kanya at rinig ang bulong niya. "May gwapo! Oh, my gosh!" She whispered to us excitedly.

Inalis ni Crim ang hawak sa kanya at binatukan si Misha. "Ikalma mo 'yang puke mo."

"Good morning, class! Kumpleto na ba kayo?" Bati ni Ma'am Amelia sa mga kuya at ate namin.

"Yes, ma'am! Good morning din po!" Bibong bati ng isang lalaki. Nakita kong napatingin sa kanya si Crim.

Ma'am Amelia chuckled. "Since everyone's settled down, I want you all to have a seating arrangement for you to know one another. Iniisip niyong minor class lang ito, pero sana gawin niyo pa rin itong priority."

Crim groaned subtly. "Sa dulo na naman ako, amputa." Bulong niya sa sarili. Tinawanan namin siya ni Misha.

May nilabas na papel si ma'am galing sa binder niya. Listahan ng mga pangalan namin ang nandoon. "Okay, class. Tayo muna kayo at pumunta sa likod habang sasabihin ko ang bawat magiging upuan niyo."

Tamad na tumayo si Crim kaya hinila siya ni Misha patayo. Muntikan pa sila matumba sa platform sa harap. My eyes widened because of that.

"Umayos nga kayo!" Sabi ko sa kanila.

Crim chuckled. Inakbayan niya ako. "Cute mo pa rin kapag seryoso."

Nagsimula na si Ma'am Amelia sa pagtawag ng mga pangalan namin habang ang mga hindi pa natatawag ay nananatili sa likod.

"Abalos...Aldana...Banello...Cruz...De Mesa...Frontera..."

Misha pouted at us before hugging us both. Medyo malayo ang upuan niya sa amin. Napuno na ang first half at bandang gitna na ang pinupuno ni ma'am.

"...Labrador...Lagundar..."

She called my surname and gestured to where I would be sitting for the whole semester. Naupo ako sa upuan ko at inayos ulit ang mga gamit ko. Nasa left side pa rin ako ng classroom pero ako na ang nasa gitna ng row namin.

Isang lalaki ang naupo sa gilid ko, habang isang babae ang nasa kabilang gilid. Ni hindi ko sila tinatapunan ng tingin at patuloy lang sa pag aayos ng mga gamit ko.

"...Valera, at Vega."

"Dulo na naman si Miss Engineering!" Pang aasar nila Remy kay Crim. Kaming magka blockmates ay tumawa habang inirapan lang kami ni Crim habang paupo sa upuan niya. Ang mga classmate naming iba ay tahimik dahil naninibago pa.

"Okay, ang saya niyo tingnan! 'Yan ang magiging seating arrangement niyo for the whole semester! Isa ay galing sa graduating class ng BA in Journalism, habang ang isa naman ay galing sa second year BS in Chemical Engineering." Sabi ni Ma'am Amelia galing sa harap.

Habang nagsasalita ang professor namin, nakita kong napatingin sa akin si Misha galing sa kanyang upuan sa bandang harap. Nanlaki ang mga mata niya sa akin.

I frowned at her and subtly pointed my finger in front as if to tell she needs to listen. Hindi pa nakinig sa akin noong una pero bumaling din sa harap.

"Kindly introduce yourself. Kahit hindi na pumunta dito sa harap. Tayo na lang kayo sa mga upuan niyo. Sabihin niyo lang ang mga pangalan niyo, nickname, college program, at favorite quote niyo or motto in life. Okay, start tayo sa first row." Our professor said to us before looking at the first student in our class.

Nagsimula na sila magpakilala, at nagsimula na rin kumalabog ang puso ko sa kaba. Every semester, ito ang pinaka ayaw ko! I know that it's just a simple thing to do, but to every introvert in the world, introducing yourself is the hardest challenge!

Basta ang tumayo at nasa iyo ang atensyon ng lahat ay nakakapanghina para sa akin. Gusto ko na lang umiyak!

Nakita kong tumingin sa akin si Misha at nagbigay sa akin ng thumbs up. May kumalabit sa akin galing likod at nakita kong ka blockmate ko 'yon, at tinuro niya si Crim. Tumingin ako kay Crim at nagbigay din siya ng thumbs up sa akin. She even mouthed, 'Kaya mo 'yan!'.

Dumating na rin ang pagpapakila sa katabi kong lalaki. Hindi ko pa rin sila matapunan ng tingin dahil sa kabang inaalagaan ng puso ko!

"Good morning everyone. The name's Benjamin Ryder Labrador. You can call me 'Ryder'. I'm from Bachelor of Arts in Journalism and the quote I lived by is, 'If I had a flower for every time I thought of you, I could walk in my garden forever.' by Alfred Tennyson. That's all. Thank you."

"Lalim naman niyan, bro!" Pang aasar sa kanya ng isang kaklase. I looked at that person and frowned when I noticed he looked familiar.

Ma'am Amelia chuckled and even crossed her arms in front. "Stand up again, Mr. Ryder. Kakaiba ang motto mo, ah? Could you explain why it's your favorite?"

Tumayo ulit ang lalaki sa tabi ko at dahan dahan ko siyang tiningnan. Hindi ko kita ang mukha dahil nakatayo siya kaya binalik ko ang tingin sa harap habang kinakalma pa rin ang sarili.

The guy cleared his throat and spoke again in his manly, deep voice. "It's just something special to me, I guess. I just saw it on social media before, and something about it made it special because I remembered my childhood."

"'Yan ang pangalawang mahaba mong nasabi ngayong year." Pang aasar ng mga kaklase niya.

Ma'am Amelia smiled. "I like that quote. You may sit down now, Ryder."

I breathed a huge puff of air before standing up. Everyone looked at me. Halos mahimatay pa nga ako dahil ang tahimik. Kahit paglaglag ng karayom ay maririnig. Babatiin ko ang lahat pero ang tingin ko ay sa professor lang namin.

"Hi, everyone!" I waved. "My name's Blair Bellatrix Lagundar. You can call me 'Bella'. The motto I live by is, 'I'll walk where my own nature would be leading.' by Emily Brontë. That's all po. Thank you." I sat on my seat immediately.

Ma'am Amelia chuckled at me. "Kay cute mo talaga Bella. Ang gaganda ng quotes niyo, ah!"

I smiled timidly at her and nodded. Halos mahimatay pa rin sa nginig dahil nagpakilala at nag recite. Hindi nga sa harap ng classroom pero grabe pa rin ang impact sa akin!

Patuloy pa rin ang pagpapakilala ng lahat. Kinalabit ako ng katabi kong babae. Tumingin ako sa kanya at ngumiti siya sa akin. Nilahad ang kamay bilang pagpapakilala.

"Hi! Ako nga pala si Seanna. I hope we can be close before I graduate!" She laughed. I shook her hand while smiling at her.

"Nice meeting you po. I'm Bella." Pagpapakilala ko. Binawi ko ang kamay ko agad at buti ay hindi niya napansin iyon. Hindi ako sanay sa ibang tao.

She smiled at me before pointing at the guy sitting on my left. "'Yan nga pala si Ryder. Don't worry, mabait naman kami."

I only nodded before looking at the guy next to me.

He's already looking at me. A ghost of a smile appeared on his handsome face when our eyes met.

|🌙|

P.S Always and ForeverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon