Kaan Kingdom: V

3 0 0
                                    

Ilang buwan na ang lumipas at nananatili pa rin silang alipin. Si Autumn ngayon ay nakatayo sa isang sulok ng silid-aralan ni Prince Kerslei. Naghihintay ng utos mula sa kanya. Di naman nagsasalita si Prince Kerslei at may pinag-aaralan siyang mabuti.

"Sa tuwing binabalak kong tapusin ang buhay ko, parati na lang may pumipigil sa akin." pag-iisip ni Autumn. "Kagaya noong isang beses na nasa kusina ako. Kukunin ko pa lamang ang kutsilyo ay agad na iyong kinuha sa akin. O 'di kaya nung isang beses na umakyat ako sa pinakamataas na bubong ng palasyo na ito para lamang masigawan ng mga kawal na parurusahan ako sa pag-akyat doon."

"Kung naiisip mong sumubok ulit sa pagpapakamatay, itigil mo na lang." sabi ni Prince Kerslei habang nagsusuri ng hawak niyang mga papel.

"Wala po akong iniisip." sagot naman ni Autumn.

"Maghanda ka at lalabas tayo." sabi ni Prince Kerslei at niligpit niya ang mga gamit niya.

"Ako po?" tanong ni Autumn.

"Sino pa ba ang nasa loob ng silid na ito kundi ikaw at ako?" sabi ni Prince Kerslei.

"Saan po tayo pupunta?"

"Bakit ko kailangan sabihin sa iyo?" tanong ni Prince Kerslei. "Bilisan mo na lamang at magpatawag ka ng carriage."

Nagmadali namang umalis si Autumn. Halata sa mukha niya na gusto niyang malaman kung saan sila pupunta. Bago siya makalabas ay nasalubong niya ang isang matipunong lalake. Agad binagalan ni Autumn ang paglalakad niya at yumuko sa harap ng matipunong lalakeng iyon na sa alam ni Autumn ay isa sa mga may mataas na posisyon sa Kaan kingdom. Dinaanan lamang siya ng lalakeng iyon. Lumingon si Autumn at isa pang lalakeng nakasuot ng mask ang nakita niya. Halata rin sa postura ng lalakeng iyon na isa siyang knight. Tutuloy na sana si Autumn sa paglabas nung biglang sumigaw si Prince Kerslei.

"Autumn!" tawag sa kanya.

"Ano na ngayon?? Akala ko ba aalis siya?" pagrereklamo ni Autumn habang dali-dali siyang pumunta kay Prince Kerslei.

"H'wag ka na mag-abala pa. Sabihan mo na lamang ang mga tagapagluto na magdala ng makakain sa silid-aralan ko." utos ni Prince Kerslei.

"Ah. Masusunod." walang buhay na sinabi ni Autumn at agad umalis.

"Pinapayagan mong ganon ka sagutin ng iyong katulong?" tanong ng matipunong lalake kay Prince Kerslei na narinig ni Autumn.

Bumalik naman sa silid-aralan si Autumn kasama ng isa pang katulong dala ang mga pagkain para sa mga bisita. Nakaupo pa rin doon ang bisita ni Prince Kerslei. Pinalapit naman ni Prince Kerslei si Autumn sa matipunong lalakeng iyon.

"Heto si Count Rafaelle." pagpapakilala ni Prince Kerslei ng bisita kay Autumn.

"Parang narinig ko na ang pangalan na iyan." komento ni Autumn.

"Anong pangalan mo?" agad na tanong ng Count.

Tumingin naman si Autumn kay Prince Kerslei. "Kailangan ko bang sagutin iyon?"

Tumango lang naman si Prince Kerslei kay Autumn na para bang naintindihan niya ang sinabi ni Autumn sa kanya.

Nagbuntong-hininga si Autumn at tumingin siya sa mga mata ni Count Rafaelle. "Autumn."

"Ang tunay mong pangalan ang hinihingi ko." sabi ng Count habang nakangiti na ikinagulat ni Autumn.

Di naman na ipinagtulakan ni Count Rafaelle ang tanong niya dahil nanatiling nananahimik si Autumn at umusad na lang sa diskusyon.

From Kingdom to KingdomTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon