Nagulat naman si Maple sa narinig niya.
"Ano pong nangyayare?" tanong niya sa isang matandang lalakeng nasa tabi niya kahit na sobrang ingay ng paligid.
"May nahuli silang witch at bibitayin na siya." sagot naman ng matandang lalake habang nakangisi kay Maple.
"Witch? Kaan kingdom ba ang lugar na ito?" tanong ni Maple sa kanyang sarili habang hinahawi ang mga tao para makita kung sino ang nasa taas ng gallows.
Nagkatitigan sina Maple at ang nasa taas ng gallows at kumunot ang noo nila parehas.
"Azalea." mahinang tawag ni Maple kay Azalea.
Tumingin naman si Azalea sa kanya at alam niyang hindi iyon ang Maple na nakausap niya kahapon lang. Agad inilihis ni Azalea ang tingin niya kay Maple at nagulat siya nang makita din niya sa malayo si Kaliya. Malayo sa pangyayari na kanyang natatandaan.
"Maple. Bakit ka narito?" tanong ni Azalea sa gitna ng ingay ng tao.
"Alam mong hindi ako ito?" tanong ni Maple.
"Pigilan mo si Kaliya bago pa kayo makagawa ng panibagong oras. Lahat ng ito ay nasa isip n'yo lamang. Kailangan mong gisingin si Kaliya. Ikaw lang ang makagagawa nito."
"Paano ko siya hahanapin sa dami ng mga tao?"
"Alam mo kung nasaan siya." sagot ni Azalea at bigla na lang siyang sinabunutan ng mambibitay sa kanya.
Agad naman hinawi ni Maple ang mga tayo at nakita niya sa gilid ng puno si Kaliya na nagtatago.
"Kaliya!"
Tumingin naman sa kanya si Kaliya na may pagtataka.
"Sino ka?" tanong niya ngunit halata sa tono niya ang pagkadesperado niyang iligtas ang kapatid niya.
"Hindi ko alam kung paano ako hindi naaapektuhan dito pero kailangan mong gumising. Gawa-gawa lang ito ni Fan!" sigaw ni Maple pero hindi sa kanya nakatingin si Kaliya.
"Wala akong kilalang Fan." sagot ni Kaliya at sumenyas siya sa mga tauhan niya na pumwesto na.
"Teka, anong ginagawa mo? Hindi mo pwedeng baguhin ang pangyayare dito. Patay na si Azalea!" sigaw ni Maple pero hindi pa rin siya pinakikinggan ni Kaliya.
"Tumabi ka." sabi ni Kaliya at itinulak niya si Maple sa gilid.
"Nalimutan kong matigas nga pala talaga ang ulo nang isang ito." sabi ni Maple na medyo naiinis na.
Hinatak ni Maple si Kaliya paalis sa mga tao at tinakpan niya ang magkabilang tenga ni Kaliya para mabawasan ang ingay na naririnig niya.
"Anong ginagawa mo-?" tanong ni Kaliya.
"Makinig ka. Si Fan ang kalaban natin ngayon. Kapag nagpadala ka sa kanya, mawawalan ka ng mana. Uubusin ka niya. Patay na ang kapatid mo. Matagal na. Kaya kung ano man ang mangyayare dito, hindi maaalis sa alaala mo na nasaksihan mo na ang pagkamatay niya noon."
Bigla na lang dumating ang ibang kasama ni Kaliya at inihiwalay nila si Maple kay Kaliya.
"My lady. Hindi ko alam ang tinutukoy mo." sabi ni Kaliya at seryoso niyang inayos ang damit niya.
"HAYYSSSSSSHHHH! SINABI KO NA ANG SINABI KO. SIRAULO KA KALIYA!" sigaw ni Maple at pinilit niyang kumawala sa dalawang kasama ni Kaliya na nakahawak sa kanya.
Sa malayo, sa taas ng gallows. Nakataas na ang espadang pupugot sa ulo ni Azalea at nauubusan na ng oras si Kaliya para iligtas ang kapatid niya.
"SAKSIHAN NINYO ANG KAMATAYAN NG ISANG WITCH!" sigaw ni Nico na siyang namamahala sa pagbitay kay Azalea.
"Hindi. Hindi ko hahayaang masaksihan mong muli ito, Kaliya. Tama na ang isa." sabi ni Maple sa kanyang sarili at buong lakas niyang pinag-untog ang dalawang nakahawak sa kanya sa pamamagitan ng biglang paghila sa kanila pababa-gawa ng maliit lamang si Maple.
Nagawa ni Maple na makawala sa kanila at agad siyang tumakbo patungo kay Kaliya.
"Kaliya!" sigaw ni Maple at hinatak niya ang braso ni Kaliya.
Dahil sa hatak ni Maple ay napatalikod si Kaliya mula sa nakakikilabot na pangyayaring iyon at rinig ng dalawa ang isang malakas na pagbagsak ng katawan ng tao sa lupa at nagsigawan ang lahat.
"Anong ginawa mo?!" sigaw ni Kaliya matapos niyang subukan tumingin sa gallows pero hinatak lang siya ni Maple.
Nakita naman ni Maple ang buong pangyayare ulit pero kailangan niyang ilabas si Kaliya sa ilusyon na iyon dahil ramdam ni Maple na nanghihina na siya.
"Makinig ka. Magkasama tayo ngayon. Nasa loob tayo ng dragon's lair at ilusyon niya ang may gawa nito."
"Namatay ang kapatid ko at pinigilan mo ako sa pagligtas sa kanya dahil lang sa ilusyon na iyan?"
"Umayos ka nga Kaliya. Naiinis na talaga ako sa 'yo. Kailangan pa ba kita saktan para lang magising ka?" sabi ni Maple na puno na ng inis pero mahigpit niya pa ring hawak ang mga braso ni Kaliya.
"Iwan mo nga ako." sabi ni Kaliya at maglalakad na sana siya nung lalong hinigpitan ni Maple ang hawak sa braso niya.
"Ang kulit mo." sabi ni Maple at sa sobrang inis ay kinagat niya ang braso ni Kaliya na nagsugat.
"AAAAAAAAAAAA!" sigaw ni Kaliya at sinusubukan niyang tanggalin si Maple sa braso niya.
Napansin naman ni Maple na bumalik na ang kweba kung nasaan sila kaya itinigil niya na ang pagkagat kay Kaliya. Napahiga naman sa sakit si Kaliya.
"Pasensya na. Ininis mo kasi ako eh." sabi ni Maple at hindi siya makatingin kay Kaliya pero agad niyang ginamot ang sugat ni Kaliya.
"Seryoso ka? Kagat talaga? Wala ka bang ibang kayang gawin para gisingin ako sa ilusyon na iyon?" tanong ni Kaliya habang ramdam niya pa rin ang sakit ng kagat ni Maple.
"Reklamador? Magpasalamat ka na lang na nakaalis tayo agad dun." sabi ni Maple at umupo siya sa tabi habang hawak ang flaming sword na ipinahiram sa kanya ni Sidhe.
Tumahimik naman si Kaliya at tumabi kay Maple. Tumingin naman si Maple kay Kaliya sandali at hinayaan lang siyang tumabi. Ramdam naman ni Maple na nanghihina siya at bigla na lang napadantay sa balikat ni Kaliya. Nagulat naman si Kaliya pero hinayaan lang niya si Maple na sumandal sa kanya. Naramdaman naman ni Kaliya na sobrang init ni Maple kaya agad niyang inihiga si Maple sa mga binti niya.
"Oy, itim na soro. Bakit ka nilalagnat?" tanong ni Kaliya at sinusubukan niyang gisingin si Maple.
Wala namang sagot si Maple.
"Hoy, Maple. Gumising ka d'yan!"
BINABASA MO ANG
From Kingdom to Kingdom
FantasíaA unique girl who set foot on an unknown journey to find her lost brother that said to have died in a kingdom invasion. Due to her unique flames and healing ability, she was bound to face dangers in the road. Will she successfully find her brother o...