"Ama..."
Tumingin ang hari sa kanyang anak. Ramdam sa buong silid ang aura ng hari na handang pumatay ng kahit sino. Inayos ng hari ang kanyang upo.
"Bakit ka naparito?" tanong ng hari kay Prince Kerslei.
"Ama, itigil n'yo na ang pagpaparusa sa mga bagong katulong na dumadating. Ang guro na iyon ay sobrang mapang-abuso."
"Prince Kerslei, sinasabi mo bang mali ako ng kinuhang guro para sa inyo?"
"Opo Ama." sagot ni Prince Kerslei.
Nagulat naman ang hari pero hindi niya ipinakita iyon kay Prince Kerslei. Agad naman lumabas ang sekretarya ng hari at napansin niya iyon pero tinuloy niya pa rin ang sinasabi niya. Maya-maya ay pumasok na ulit ang sekretarya ng hari.
"Ang guro na iyon ay sobrang malupit, ama. Sinasabi niyang dapat ng tumigil ang lahi natin. Ama, pakiusap. Patigilin n'yo na ang lahat ng ito. Maging halimbawa dapat tayo sa ibang mga kaharian-" napatigil si Prince Kerslei nung tumayo ang hari.
"Bakit ka tumigil? Pinakikinggan ko ang hinaing mo." sabi ng hari at may kinuha siyang manipis na pamalo na nakalapag sa lamesang malapit sa mga istante ng libro niya. "Hindi ba tayo magandang halimbawa sa kanila? Pinarurusahan natin ang mga witch at nararapat lang sa kanila iyon."
Bumukas ang pinto sa likod ni Prince Kerslei. Lumingon siya at hatak ng isang kawal ang buhok ni Autumn.
"AMA..!!" sigaw ni Prince Kerslei at agad niyang pinuntahan si Autumn na inihagis na ng kawal sa harap ng hari.
"Tulad ka pa rin ng hangal kong kapatid." sabi ng hari at tinignan niya ang palad ni Autumn. "Pumunta ka rito na para bang sinaktan ng guro ang katulong na ito... pero nasaan ang mga sugat niya?"
"Ano bang nangyayare?" tanong naman ni Autumn na walang kamalay-malay sa nangyayare.
"H'wag mo siyang idamay dito. May mabuting puso siya at alam ng lahat na pinatay mo siya." galit ngunit kalmadong sinabi ni Prince Kerslei. Nagawa rin niyang ilihis ang tanong ng hari tungkol sa mga sugat ni Autumn na ngayon ay magaling na.
"Hindi ko siya pinatay. Pinarusahan ko siya dahil itinago niya sa aking isa siyang witch. Magpasalamat kang kailangan ko ng magmamana sa trono dahil isinama ko na sana kayo sa pagpaparusa sa lalakeng iyon."
Nanatili lang namang nasa lapag si Autumn nung bigla siyang hinampas ng pamalo sa kanyang likuran. Hindi sumigaw si Autumn katulad ng ginawa niya kanina pero dahil mas malakas ang mga palo ng hari sa kanyang likod ay nauubusan na siya ng lakas para indahin ang sakit.
"Nararapat lang na parusahan sila. Yan ang iyong tatandaan." sabi ng hari habang hinahampas niya si Autumn nang paulit-ulit.
".... a-aaAA!!" sigaw ni Autumn dahil sa sakit.
Ngumisi naman ang hari at hindi pa rin siya tumigil sa pagpalo sa likod ni Autumn. "Bibigay ka rin pala." bulong ng hari.
"Your Majesty." tawag ng kanyang sekretarya sa kanya.
Tumigil naman ang hari at lumingon sa kanyang sekretarya. Nanatili lang namang nakatayo sa gilid si Prince Kerslei at hindi makakilos.
"Oras na po para sa inyong pagpupulong." sabi ng sekretarya ng hari.
"Ahh. Masyado akong natuwa." sabi ng hari at ibinigay niya ang manipis niyang pamalo na puno ng dugo ni Autumn sa kanyang sekretarya para itapon. "Hindi ka mamamatay sa mga palo ko. Walang lason ang pamalo ko. At bukas, kailangan kong makita na nananatili pa rin ang sugat na iyan sa likuran mo." sabi ng hari at lumabas na siya ng kanyang silid.
Naramdaman ni Autumn na naglalakad papunta sa kanya si Prince Kerslei kaya agad niyang itinaas ang kanyang kamay para patigilin si Prince Kerslei sa pagpunta sa kanya.
"Mahal na prinsepe. Mas mabuting h'wag kang magpadalos-dalos sa mga gusto mong sabihin sa hari kung ayaw mong mangyari ito muli." sabi ng sekretarya ng hari bago siya tuluyang sumunod sa labas.
"Aaahh. Ramdam ko ang sakit. Sobrang sakit. Sana hindi ganito ang naramdaman nina Princess Raasin at kuya." sabi ni Autumn at pinipigilan niyang umiyak.
"Autumn." mahinang tawag ni Prince Kerslei.
Tumingin naman si Autumn kay Prince Kerslei at pinilit niyang umupo. Pag-upo niya ay tinignan niya si Prince Kerslei sa mga mata.
"Katapusan na ng Kaan kingdom kung katulad ka ng rin ng lalakeng iyon." sabi ni Autumn at unti-unti siyang tumayo. "Maaari ko bang iwan kayo, mahal na prinsepe?"
Di pa naririnig ni Autumn ang sagot ni Prince Kerslei nung lumabas siya sa silid. Sakto namang nasa labas ang dalaga na may dalang balde ng tubig. Iniwan ng dalaga ang hawak niyang balde ng tubig at tumakbo siya papunta kay Autumn. Tahimik na inalalayan ito pabalik ng kwarto nila. Napansin ni Autumn na meron ding mga sugat sa kamay ang dalaga.
Nang makarating sila sa kanilang kwarto ay dahan-dahang iniupo ng dalaga si Autumn sa gilid ng kama.
"Ang mga kamay mo..." mahinang sinabi ni Autumn.
"Ahh.. h'wag mong alalahanin ito. Balita ko ay may lason ang pamalo ng guro na iyon ngunit walang epekto iyon sa akin. May dumadaloy na lason sa dugo ko. Mas malakas iyon kaysa sa mga lason na galing sa pamalo." sabi ng dalaga at lumingon siya sa paligid. "Isa iyon sa mga katangian ko bilang valí pratíka." pabulong na sinabi niya.
Tahimik lang naman si Autumn at iniinda pa rin ang sakit sa kanyang likuran.
"Kaya mo pa bang tiisin? Kailangan kong tapusin ang gawain ko bago ako makabalik." sabi ng dalaga.
"Sinabi kong intindihin mo ang sarili mo. Bakit ang kulit mo?" tanong ni Autumn sa dalaga.
"Hehe. Sinabi ko rin sa 'yo na gusto kitang tulungan. Ikaw lang ang meron ako sa ngayon." nakangiting sinabi ng dalaga.
Paglabas ng dalaga ay agad hinubad ni Autumn ang kanyang damit para hindi dumikit ang mga sugat niya sa damit na lalong magpapalala ng sitwasyon niya. Inipon niya rin ang mahaba niyang buhok paharap para hindi rin tumama sa sugat.
"Ah.. gusto ko nang matapos ito." bulong ni Autumn sa kanyang sarili at pumikit siya.
"Hindi mamamatay si kuya. H'wag kang mag-alala. Imortal ata si kuya."
Napamulat agad ng mata si Autumn at paglingon niya sa pinto ay isinasara ng dalaga ang pinto.
"Ang bilis mo naman."
"Oh, tinulungan ako ni Aya sa paglilinis. Binigyan niya rin ako ng alak gaya ng hinihingi ko."
"Iinom ka?"
"Ah... Seryoso ba siya?" komento ng dalaga sa sinabi ni Autumn.
Tahimik lang namang naghihintay si Autumn sa sagot ng dalaga.
"Hmm, ilalagay ko 'to sa mga sugat mo sa likuran. Nakakatulong daw ito para hindi magkaimpeksyon ang mga sugat." sabi ng dalaga.
"Ahh. Hindi ko alam yun ah."
Hinayaan naman ni Autumn na gamutin ng dalaga ang kanyang likuran. Medyo makirot pero hindi kasing sakit ng pagpalo ng hari.
"Yung kanta mo kagabi..." panimula ng dalaga.
Nagulat naman si Autumn. "Kung ganon gising siya no'n?"
"... sobrang lungkot ng boses mo. May tao ka bang gusto mong iparinig iyon?"
"... Kung nakaabala ako sa pagtulog mo kagabi, pasensya na." sabi ni Autumn at agad niyang sinuot ang pampalit niyang damit. "Salamat sa tulong mo. Magpapahinga na muna ako."
BINABASA MO ANG
From Kingdom to Kingdom
FantasyA unique girl who set foot on an unknown journey to find her lost brother that said to have died in a kingdom invasion. Due to her unique flames and healing ability, she was bound to face dangers in the road. Will she successfully find her brother o...