"Maple. Tingin ko tama na iyan." sabi ng pamilyar na lalakeng iyon at inagaw niya kay Maple ang isang baso ng alak.
"Kasama niya po ba kayo?" tanong ng waiter sa lalakeng iyon.
"Magkano ba ang nakain niya? Ilang baso rin ba ang nainom niya?" tanong nung lalake sa waiter.
"HA?! KALIYA? Ikaw ba yan?" tanong ni Maple at kinurot niya ang magkabilang pisngi ni Kaliya.
"Ako nga. Ilang baso ba ang ininom mo at ganyan ka na kalasing agad?" naiinis na tanong ni Kaliya kay Maple habang inaalis niya ang mga kamay ni Maple sa mukha niya.
"Hehe. Hindi naman talaga ako umiinom ng alak pero BOOM! ALAK PALA ANG BINIGAY SA AKIN!! HAHAHAHA! Isang baso pa lang ang nainom ko. Hehehehe. Ganitooooo kalaki!" lasing na lasing na sinabi ni Maple habang isinasadula kung gaano kalake ang basong tinutukoy niya. "Nahiya kasi akong isauli yung alak. Hehe." bulong niya pa.
"Binigyan n'yo siya ng alak? Iyon ba ang sinabi niyang iinumin niya?" tanong ni Kaliya na may halong inis sa waiter na kaharap niya.
"Pasensya na po. Hindi po namin sinasadya." natatakot na sinabi nung waiter kay Kaliya.
"Gusto n'yo bang mawalan ng trabaho?"
"Shhh. H'wag mo silang pagalitan. Hehe ayos lang naman. Hindi naman ako nalasing dun eh." sabi ni Maple habang tinatakpan ang bibig ni Kaliya.
"Hindi ka pa lasing sa lagay na yan?" tanong ni Kaliya pagkatapos niyang tanggalin ang mga kamay ni Maple.
Tumango lang naman si Maple.
Nagbuntong-hininga na lamang si Kaliya at ibinigay ang bayad sa waiter. Agad namang umalis si Kaliya habang buhat si Maple na nakatulog na sa dibdib niya.
"May malapit bang panuluyan dito?" tanong ni Kaliya sa kasama niyang hinihintay siya.
"Dito po." sabi niya at kukunin na sana niya si Maple kay Kaliya pero hindi ibinigay ni Kaliya si Maple sa kanya.
"Susundan na lang kita." sabi ni Kaliya.
Pumunta sila sa isang panuluyan na malapit sa plaza at kumuha sila ng kwarto para kay Maple. Nang makapasok si Kaliya sa kwarto ay inihiga niya ng maayos si Maple at tinanggal ang mga sapatos niya.
"Salamat." sabi ni Maple sa kanya.
Nagulat naman si Kaliya nung nakita niyang nakatingin si Maple sa kanya.
"Hindi ka na galit sa akin?" tanong ni Kaliya.
"... Pasensya na sa inasal ko noon." sabi ni Maple.
Hindi naman nagsalita si Kaliya nung nakita niyang nakapikit si Maple. Napangiti siya at hinawi niya ang buhok ni Maple.
"Sigurado akong hindi mo ako maaalala bukas." sabi ni Kaliya at hinalikan niya ang kamay ni Maple saka niya kinumutan.
Kinabukasan ay nagising si Maple sa lugar na di niya alam. Tumingin siya sa labas ng bintana at umaga na. Sobrang sakit ng ulo ni Maple nung sinubukan niyang tumayo.
"Anong nangyari?" tanong ni Maple sa sarili niya.
Bigla namang may kumatok at nagbukas ng kwarto niya.
"Heto po ang tubig at mainit na gatas n'yo." sabi nung katulong at agad lumabas ng kwarto.
Tinignan ni Maple kung nag-iba ang damit niya at nakampante nung makitang parehas pa rin ang damit na suot niya. Lumapit siya sa tubig at ininom iyon. Bigla niyang naalala na hindi niya sadyang uminom ng alak at may umawat sa kanya. Wala na siyang maalala pagkatapos non. Kinuha niya ang mainit na gatas at ininom niya iyon habang para siyang batang itinataas-baba ang mga paa niya. Pagkatapos niyang uminom ng gatas ay inayos niya ang hinigaan niya, sinuot ang sapatos niya at bumaba na.
BINABASA MO ANG
From Kingdom to Kingdom
FantasyA unique girl who set foot on an unknown journey to find her lost brother that said to have died in a kingdom invasion. Due to her unique flames and healing ability, she was bound to face dangers in the road. Will she successfully find her brother o...