Dragon's Lair: VII

3 0 0
                                    

Bigla na lang napabangon si Maple sa higaan nung mapagtanto niyang nakatulog siya. Lumingon siya sa paligid niya at nakita niya si Kaliya na nakaupo sa isang mahabang upuan na medyo malayo sa kanya at may hawak na mga papel na mukhang binabasa niya habang natutulog si Maple.

"Akala ko, balak mo mag-hybernate." sabi ni Kaliya sabay itinuloy niya na ang binabasa niya.

Namula naman sa hiya si Maple at nainis sa kanyang sarili dahil sa kahihiyang ginawa niya sa harap ni Kaliya.

"Anong oras na?" tanong ni Maple.

Tumingin ulit si Kaliya kay Maple. "Baka 'anong araw na?' "

Nanlaki naman ang mga mata ni Maple nung marinig niya iyon. "Ano? Ilang araw ako natulog?!"

Tumayo naman si Kaliya sabay ngumisi siya kay Maple. "Utu-uto." sabi niya at lumabas na siya ng pinto.

"Ano yun? Niloloko niya ba ako?" tanong ni Maple sa sarili niya.

Nang makabangon si Maple ay agad niyang inayos ang sarili niya at inilihpit ang higaan niya. Napansin niyang iba ang kwarto na tinulugan niya. Lalo siyang nahiya nung naisip niyang baka si Kaliya ang bumuhat sa kanya para dalhin sa kwartong tinulugan niya, sa katunayan ay tama siya. Matapos niya ayusin ang kwarto ay lumabas na siya at naabutan niyang nakikipag-usap si Kaliya sa isang misteryosong lalake.

"Ikaw? Kaliya, seryoso ka ba?" galit na bungad nung misteryosong lalake kay Maple.

"Bakit sa tuwing may bago akong makikilala, kundi may saltik o magnanakaw, galit sa akin lagi. Lalo na ang mga lalake. Wala pa nga akong ginagawa sa inyo, galit na agad kayo." sabat ni Maple.

"Maple, si Enigma. Enigma, si Maple."

"Di ako makapaniwalang siya ang babaeng tinutukoy mo. Kaya ba ayaw mong makita ko siya?" tanong ni Enigma habang binalewala niya ang sinabi ni Maple at di rin nagsalita si Kaliya.

"Enigma?" tanong ni Maple at inaalala niya kung saan niya narinig ang pangalang iyon.

"Bakit? May sinabi ba si Azalea tungkol kay Enigma?" tanong ni Kaliya kay Maple.

"Parang..." sabi ni Maple at tumingin siya kay Enigma. "Sabi ni Azalea na h'wag mo raw sisihin ang sarili mo sa nangyari sa kanya. Sinabi niya rin na wala kang kasalanan dahil tadhana niya iyon."

"H'wag kang mag-alala. Hindi ko sinisisi ang sarili ko. Sinisisi kita. Nandon ka na, may tsansa ka na para iligtas siya pero hindi mo ginawa." galit na sinabi ni Enigma kay Maple.

Nainis naman nang kaunti si Maple sa sinabi ni Enigma. "Anong alam mo? Ayaw ni Azalea magpaligtas. Kahit anong pilit kong isama siya, ayaw niya. Kaya paano mo nasabing hindi ko sinubukang iligtas siya?"

"Tama na yan." sabi naman ni Sidhe na kararating lang.

Napalingon naman ang lahat sa kanya. Nagbigay-galang naman si Enigma sa presensya ni Sidhe at ngumiti naman si Sidhe sa kanya.

"Anong ginagawa mo dito?" tanong ni Kaliya.

"Mukha kasing matatagalan ang pagbaba n'yo sa akin kaya sinundo ko na kayo. Tapos na ang mga espada n'yo."

Tahimik naman silang sumunod kay Sidhe at may isang malaking puno silang nakita na may maliit na bahay sa ilalim non. Pumasok sila sa loob non at namangha sila sa laki ng espasyo sa loob non.

"Heto ang iyo, Enigma. Isang falchion sword na gawa pinakamatibay na metal sa buong mundo. Nasisiguro kong hindi yan basta-basta masisira."

"Kanino po ito galing?" tanong ni Enigma.

"Pasasalamat namin sa iyo. Sa mga tulong na ginawa mo habang abala kami sa nangyayare. Salamat."

Pumalakpak naman sina Kaliya at Maple sa natanggap ni Enigma. Magkahalong masaya at walang pake ang reaksyon ng dalawa dahil wala silang alam sa mga kaganapan na nangyari sa loob ng limang taon.

From Kingdom to KingdomTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon