"Maple!!" sigaw ni Kaliya habang niyuyugyog si Maple.
Bigla namang nakita ni Kaliya si Autumn na papalapit sa kanila.
"Ikaw iyon. Ang fairy ni Maple."
"Nakikita mo ako?"
"Pakiusap, tulungan mo si Maple."
Tumingin naman si Autumn kay Maple at hinalikan ang noo niya. Maya-maya pa ay nawala ang lagnat ni Maple.
"Salam- anong nangyayare sa katawan mo?" tanong ni Kaliya matapos niyang makita si Autumn na tila naglalaho.
"May pakiusap ako sa 'yo. Nais ko sanang bantayan mo para sa akin si Master. Alam kong hindi niya kakayanin mag-isa kapag nalaman niyang maglalaho na ako."
"Anong ibig mong sabihin?"
"Tapos na ang buhay ko pero h'wag kang mag-alala. Babalik ako bilang lakas niya."
"Di kita maintindihan."
Ngumiti lang naman si Autumn. "Magkita na lang tayo sa harap ni Ibefan."
Maya-maya ay nagising si Maple at kumunot agad ang noo niya nung makitang nakahiga siya sa binti ni Kaliya. Agad naman siyang itinulak ni Kaliya.
"Aray." sabi ni Maple.
"Tagal mong natulog. Kanina pa dapat natin nahanap ang silver dragon na iyon."
"Pasensya na ha? Dapat kasi ginising mo na lang ako nung nakatulog ako." sagot ni Maple at nagtaka siya na bumalik ang lakas niya.
Bigla namang may dumaan na malakas na pwersa ng hangin sa kanan nila Maple. Sa kaba ay tinapik ni Maple ang likod ni Kaliya.
"Tumayo ka na. Mukhang alam na natin kung saan matatagpuan ang silver dragon."
Inalalayan naman ni Kaliya si Maple na tumayo. Matapos non ay naglakad sila ng tahimik habang binubuksan ulit ang mga namatay na torch.
"Soro.." tawag ni Kaliya kay Maple.
Nakuha naman no'n ang atensyon ni Maple.
"Ano?" sagot ni Maple.
"Yung tungkol sa pagsisinungaling ko sa 'yo..."
Agad naman pumasok sa isip ni Maple ang tinutukoy ni Kaliya. Tumigil din sila sa paglalakad.
"Aahh. H'wag mo na banggitin. Naintindihan ko na ngayon. Naintindihan ko na kaya mo ginawa ang bagay na iyon ay para magkaroon ako ng rason na lumabas doon. Kinabahan ka ba masyado at yun ang naisip mong plano? Ang plano na galitin ako para sumama sa 'yo?" sabi ni Maple at tumahimik sandali. "Nakuha mo na eh. Kuya ko ang kahinaan ko. Bakit hindi mo na lang sinabi na 'Ah nakita ko ang kuya mo. Sumama ka sa akin, dadalhin kita sa kanya.' Pinayagan mo pa akong malunod lalo sa sarili kong isip. Nagsinungaling ka na lang sana."
"Bakit ako magsisinungaling? Lahat ng sinabi ko sa 'yo ay totoo pero kulang ng detalye. Hindi ko sasabihing buhay ang kuya mo dahil hindi ko naman siya nakita. At... Totoo na kinabahan at natakot ako. Ayokong matulad ka sa nangyare kay Azalea." sabi ni Kaliya habang nagkakamot ng batok at nakatingin sa pader.
"Magkaiba kami." sabi ni Maple.
Napatingin naman si Kaliya sa mga mata ni Maple na kulay aqua na ang kulay.
"Namatay ang kapatid mong iniisip na muli siyang babalik samantalang ako gustong mamatay dahil akala ko wala na akong babalikan."
Bahagya naman ngumiti si Kaliya na puno ng lungkot. "Mukhang 'yan nga ang iisipin ni Azalea."
Ngumiti din naman si Maple sa unang pagkakataon kay Kaliya sabay tapik ng braso para maglakad muli.
"Hindi rin ako galit dahil sa insidente sa Kaan kingdom. Sadyang nakakainis lang ang ugali mo minsan."
"Nakakainis rin naman kasi ang katigasan ng ulo mo." sagot ni Kaliya at nagpatuloy sila ng lakad hanggang sa makarating sila sa pagitan ng dalawang daan.
"Tingin mo? Saan galing ang pwersa na naramdaman mo kanina?" tanong ni Maple. "Baka maligaw kami kapag ako ang mamili ng daan."
"Bakit mo ko tinatanong? Sundin mo na lang kung anong pakiramdam mo." masungit na sinabi ni Kaliya.
"Ano?! Nasaan na yung Kaliya kanina na mukhang iiyak na habang nagpapaliwanag ng kasalanan niya?" inis na sinabi ni Maple.
"Sinasabi ko nga na sundin mo kung ano sa tingin mo ang tamang daan." sagot naman ni Kaliya.
"Ahhh sige. Ako sa kaliwa at ikaw sa kanan. Tingin ko, ayokong makita ang pagmumukha mo." inis na inis na sinabi ni Maple. "Anong problema niya? Parang kanina lang ay ang bait niya magsalita. May nakatira bang ibang tao sa loob ng katawan niya?" komento pa ni Maple.
"Rinig kita." seryosong sinabi ni Kaliya habang tahimik na sinusundan si Maple.
Nagulat naman si Maple at napatalon paabante.
"Sinabi kong sa kanan ka, di ba?"
"Bakit ko gagawin iyon? Wala akong amo." sabi ni Kaliya.
Kumunot naman ang noo ni Maple at siniko niya si Kaliya. "Kung wala ka palang amo, sana ikaw na nagdesisyon kung saan tayo dadaan."
Hindi naman nagsalita si Kaliya at nagpatuloy lang sa paglalakad. Napatingin naman si Maple kay Kaliya na may inis sa kanyang mukha.
Isa pang magkahiwalay na daan ang nakita nila at tumingin si Kaliya kay Maple. Inirapan lang ni Maple si Kaliya.
"Bahala ka sa buhay mo." sabi ni Maple.
Napabuntong-hininga naman si Kaliya at hinila ang bag ni Maple.
"Oo na. Ako na ang bahala sa 'yo. Nalimutan kong madali ka pa lang maligaw." sabi ni Kaliya na tuloy lang ang paglakad.
"HA!? Saan mo narinig 'yan? Hindi totoo 'yan!"
"Oo na."
Maya-maya ay naramdaman ni Maple ang presensya ni Autumn. Agad siyang tumakbo at sumunod naman si Kaliya. Nang marating nila ang dulo ng daan ay nakita nila si Autumn na hawak ng batang anyo na si Ibefan.
"Autumn!" sigaw ni Maple.
Napalingon naman si Ibefan sa kanila at agad siyang nagpakawala ng puting bola ng kapangyarihan niya papunta sa direksyon nila Maple. Agad humarang si Kaliya para sanggain iyon ngunit bigla na lang may umangat na mga ugat sa paligid nila Maple at itinago sila mula sa pinakawalan ng dragon.
"Autumn!" tawag ni Maple.
"Walang sinoman ang may karapatang saktan ang master ko!" sigaw ni Autumn.
"Avery~ Hindi magandang gawain iyan." sabi ni Fan at hinigpitan niya ang hawak kay Autumn sabay bato sa gilid. "Ah~ ang totoong tanghalian ko. Maple."
"Master, kailangan mong talunin si Ibefan. Hindi kita kayang tulungan ngayon kaya kailangan mong gawin ito mag-isa." sabi ni Autumn na nanghihina na kay Maple matapos siyang puntahan ni Maple.
"Hindi siya mag-isa." sagot naman ni Kaliya.
Napangiti naman si Autumn. "Mabuti at hindi ka na mag-isa, master."
Napansin naman ni Kaliya na hindi naaalala ni Autumn ang napag-usapan nila kanina.
"Magpahinga ka na muna. Kami na ang bahala dito." sabi naman ni Maple at ipinuwesto niya si Autumn sa gilid para makapagpahinga.
"Magpahinga? Hahahaha, Anong pahinga ang gusto mong gawin ni Avery? Kaunting oras na lamang at maglalaho na siya sa balat ng lupa." sabi ni Ibefan.
"... Bago mangyare iyon. Patay ka na." sabi ni Maple at inihanda niya ang flaming sword na hawak niya na agad niyang nilagyan ng tali na itinali niya rin sa kanyang kamay.
BINABASA MO ANG
From Kingdom to Kingdom
FantasyA unique girl who set foot on an unknown journey to find her lost brother that said to have died in a kingdom invasion. Due to her unique flames and healing ability, she was bound to face dangers in the road. Will she successfully find her brother o...