Kaan Kingdom: IX

2 0 0
                                    

Ilang araw ang lumipas. Nasa harap ng korte ang lahat. Isang paglilitis ang nagaganap sa halos dalawang oras dahil sa haba ng kaso at ang akusado ay walang iba kundi ang hari. Sa tulong nila Kaliya at Dusk ay nailagay sa paglilitis na iyon ang hari. Iprenesenta ni Kaliya ang traydor sa grupo niya at nagsalita siya tungkol sa mga utos sa kanya ng hari. Umamin din siya na may iba pang mga kasabwat ng hari sa mga ilegal na gawain sa loob ng kaharian tulad ng nakagawiang pagpaparada ng mga alipin at iba pa.

"Ang hari laban sa taumbayan. Dahil sa mga kasong pagpatay sa tunay na hari, pagkuha ng mga pera ng taumbayan, pagtataksil sa sariling kaharian, paggawa ng ilegal na pagpaparada at pagbebenta ng mga sinasabing alipin at ang huli, ang pagtatangkang pagpatay sa dalawang prinsepe. Ikaw ay hinahatulan ng kamatayan." sabi ng hukom at natapos agad ang apat na oras na paglilitis.

Dahil din sa kakulangan ng ebidensya ay pinawalang-sala rin ang dalawang alipin—si Maple at ang dalaga—na tumakas nung gabing iyon. Hindi na sila hinabol pa ng mga otoridad at sa kantunayan ay mabibigyan pa sila ng parangal galing sa bagong hari.

Tumayo na ang lahat at nahagip ng mata ni Kaliya sina Maple at ang dalaga sa likuran ng mga taong nagkukumpulan sa likod ng korte. Napansin naman agad siya ni Maple at agad silang umalis ng dalaga doon.

"Kaliya." tawag ni Dusk.

Sumunod naman si Kaliya at pinuntahan ang mga prinsepe.

"Maraming salamat sa tulong n'yo, sir Dusk at sir Kaliya." pagpapasalamat ni Prince Kerslei.

"Ginawa lang namin ang nararapat." sagot naman ni Kaliya.

"Nangangako akong gagawin ko ang lahat ng makakaya ko para ibangon muli ang kaharian ng Kaan."

Ngumiti naman ng bahagya si Kaliya. "Alam kong kaya mo gawin ang bagay na iyan. Maligayang pagbabalik sa inyong pwesto, mahal na Hari." sabi ni Kaliya at nagbigay-galang siya kay Prince Kerslei.

Nang buwan din na iyon, itinalagang bagong hari ng Kaan si Prince Kerslei. Matapos ang pagtatalaga sa bagong hari ay isang puno ng maple ang umusbong sa gitna ng lungsod at sa paligid nito ay may puting bulaklak ng cyclamen na sumisimbulo sa panibagong kasaysayan ng Kaan. Isang paraan din ng dalaga na iparating ang masayang pamamaalam niya sa kaharian ng Kaan.

Sa mismong araw din na iyon ay pinalaya niya ang mga alipin at kanyang inasikaso ang pag-uwi nila sa kanilang mga tahanan. Isang selebrasyon naman ang naganap kinagabihan na may temang masquerade.

Nasa tabi lang at nakaupo si Kaliya habang hawak sa kanang kamay ang isang baso ng wine. Pinanonood niya ang lahat sa kanilang pagsasaya at walang babae ang nagtatangkang lumapit sa kanya kahit na sobrang sikat siya sa mga babae.

"Mas ayos na ito kaysa makipag-usap sa iba." komento ni Kaliya sa sarili niya.

"Autumn, halika dito. Marami pang masasarap na pagkain." pabulong na sinabi ng isang babae sa kasama niya.

Napalingon naman si Kaliya sa kanyang narinig at dalawang babaeng maganda ang bihis ang kumukuha ng pagkain sa lamesang katabi lang ng upuan ni Kaliya.

"Sinabi ko na sa 'yong Maple nga ang pangalan ko." sabi naman ni Maple habang lumilingon-lingon siya sa paligid.

"... Hindi siya mahirap hanapin." komento ni Kaliya at napatitig siya kay Maple.

Napatingin naman si Maple sa kanya at bigla siyang ngumiti. Lalong nagulat si Kaliya sa nakita niya. Kulay kahel ang damit ni Maple at may maskara siyang may disenyong dahon ng maple sa kanang bahagi. Nakatali rin ang buhok niya ng buo may ipit siya sa buhok na disenyong dahon din ng maple.

"Sobrang pinabilib mo kami nung nakaraan sa korte, Prince Kerslei o King Kerslei." nasisiyahang sinabi ni Maple.

Nanatili lang namang tahimik si Kaliya at nagtataka sa tinawag ni Maple sa kanya.

From Kingdom to KingdomTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon