"Teka Maple. Saan ka pupunta?" tanong ni Gaiya nung nagsimula nang tumakbo si Maple.
"Magkita na lang tayo mamaya. Pasensya na." sabi ni Maple at hinabol niya ng tingin ang nakita niya kanina.
Maraming tao sa paligid at unti-unti nang nawawala ni Maple ang paningin niya sa hinahabol niya. Hinawi niya ang mga tao sa harap niya ngunit sa sobrang dami non ay naipit si Maple sa gitna. Naramdaman ni Maple na may humatak sa kamay niya.
"Nahuli rin kita, little miss." sabi nung boses ng lalake.
Iniangat ni Maple ang ulo niya at nakita niya ang isang lalakeng may pulang buhok ang nakangiti sa kanya.
"Ah... Hindi.. ikaw ang kuya ko." mahinang sinabi ni Maple at ipinagpag niya ang sarili niya matapos niyang tumayo.
"Kuya mo? Kamukha ko ba ang kuya mo?" tanong nung lalake kay Maple.
Tinignan naman siya ni Maple. Kulay pula ang buhok niya na medyo may kahabaan at bulag ang kanang mata niya. May dala rin siyang mga supot na may lamang mga halamang gamot base sa naaamoy ni Maple.
"Hindi. Di maihahalintulad ang kagwapuhan ng kuya ko sa 'yo. Madilim lang at parehas kayo ng buhok kaya akala ko tama ako nang hinahabol." walang emosyon na sinabi ni Maple.
"Hmmm? Magkapatid kayo pero magkaiba ang kulay ng buhok n'yo?"
Hindi naman nagsalita si Maple at umalis siya.
"Teka sandali. Ikaw yung babae sa bahay-ampunan, di ba? Paano mo nagamot ang mga bata doon?" tanong nung lalake at napatigil si Maple.
"Paano mo nalaman ang bagay na iyan? Tanging si Lola Klara lang ang nakakaalam na may sakit ang mga bata."
Ngumiti naman ang lalake sa kanya at nilapitan ang mukha ni Maple. "Parati ko silang pinagmamasdan."
Kumunot naman ang noo ni Maple sa naisip niyang baka binabastos ng lalakeng ito ang mga bata doon. Napansin naman iyon ng laake at napalayo kay Maple.
"WOOOOOW. Grabe ka, little miss. Hindi ako ganong klaseng tao."
"Sino ka ba?" tanong ni Maple at tinaasan niya ng kilay ang lalakeng iyon.
Hinawakan naman ng lalake ang kamay ni Maple at nakangiti siyang nagpakilala. "Leon Lockhorne." sabi niya sabay halik sa kamay ni Maple.
Nagulat at nahiya naman agad si Maple sa ginawa ni Leon kaya agad niyang sinipa ang binti ni Leon.
"Yahahahaha. Pasensya na. Hindi ko mapigilan humanga sa 'yo." sabi ni Leon at sinusundan niya pa rin si Maple.
"Maple!" tawag naman ni Gaiya nung nahanap niya na si Maple.
"Maple? Napakagandang pangalan, kasing ganda mo."
"Kanina pa kita hinahanap. Sinusundan ako nung babaeng hinamon ka kanina." pabulong na sinabi ni Gaiya.
"Sinusundan din ako ng isang 'to na walang tigil kakalandi sa akin." pabulong din na sinabi ni Maple.
Hinawakan ni Gaiya ang kamay ni Maple at ngumiti. "Mukhang hindi maganda ang gabing ito. Nakaabang si Yuno para iuwi tayo." sabi ni Gaiya at itinakbo niya si Maple mula sa humahabol sa kanila.
"Sandali!" sabi nung babaeng humahabol sa kanila.
Nakangiti lang naman si Leon na nakatingin kina Maple na tumatakbo palayo sa kanila. Nang tumingin si Maple sa kanya ay hawak niya ang babaeng humahabol sa kanila at kumakaway siya kay Maple.
"May saltik ang isang iyon." sabi ni Maple at sumakay sila agad sa karwahe ni Yuno.
"Alalay lang po." sabi ni Yuno at mabilis niyang pinatakbo ang karwahe niya palayo sa plaza.
BINABASA MO ANG
From Kingdom to Kingdom
FantasyA unique girl who set foot on an unknown journey to find her lost brother that said to have died in a kingdom invasion. Due to her unique flames and healing ability, she was bound to face dangers in the road. Will she successfully find her brother o...