"Kaliya, bakit ka pala sumama?" tanong ni Maple habang naglalakad sila papunta sa lungga ng dragon.
"Bakit, bawal ba?" tanong pabalik sa kanya ni Kaliya.
"Ito... Nagtatanong lang ah." reklamo ni Maple habang nakanguso.
"Kayong dalawa, ang lambing n'yo sa isa't isa tapos maya-maya nagbabangayan na kayo." sabi ni Sidhe at nakatitig lang siya kay Kaliya.
Tahimik lang naman si Kaliya at walang sinasabi habang hindi naman alam ni Maple kung anong tinutukoy ni Sidhe.
"Lambing? Kailan naging malambing ang taong ito?" komento ni Maple at tinignan niya ng masama si Kaliya.
Nakita iyon ni Kaliya at nagtanong. "Ano?"
"Wala. Ang sungit mo lang tignan." sabi ni Maple.
Nakarating sila sa lungga at agad pumasok kaagad. Nalimutan ni Sidhe ang importanteng impormasyon tungkol sa kapangyarihan ng silver dragon.
"Sidhe, sabihin mo sa aking hindi kayo agad pumasok d'yan." sabi ng isang boses na si Sidhe lang ang nakakarinig.
Tumigil sila sandali at napagtanto ni Sidhe na mali ang ginawa nila.
"Magmadali kayong tumakbo palabas!! Bilis!" sabi ni Sidhe at agad lumabas ng lagusan.
"Sidhe!" tawag ni Maple sa kanya.
Lumingon si Sidhe kina Kaliya at Maple. Nagulat siya nung naiwan ang dalawa sa loob. Sinubukan niyang muling pumasok sa loob pero hindi na siya makapasok.
"May problema ba?" tanong ni Maple.
Sinubukan ni Maple na hawakan ang hindi nakikitang harang na nasa lagusan ng lungga pero pinigilan siya ni Kaliya.
"Bakit?" tanong ni Maple.
"Masasaktan ka kung hahawakan mo ito."
Agad naman nagpakita si Lillieth kay Sidhe at nanonood lang sina Maple sa nangyayare sa kabilang ng lagusan.
"Lillieth... sabihin mo sa akin na hindi ka nadamay dito ulit. Na hindi ginamit ng silver dragon ang kapangyarihan mo." sabi ni Sidhe sa sarili niya at nagtaka ang dalawa.
"... Ginamit ako ng tao." sabi ni Lilleith sabay lingon kay Maple.
Isang malalim na buntong-hininga ang pinakawalan ni Sidhe at saka niya hinarap ang dalawa.
"May mga pangyayari ba sa buhay n'yo na pinagsisisihan n'yo na hindi n'yo nagawa ng maayos?"
"Marami." sabay na sinagot nina Maple at Kaliya.
"Halata nga."
"Anong nangyayare?" tanong ni Maple.
"Ang kapangyarihan ng silver dragon ay ipakita ang pangyayaring pinagsisisihan n'yo na hindi n'yo nagawa ng tama. Ilusyon iyon pero mararamdaman n'yo lahat ng sakit. Ito ang paraan niya para ubusin ang mana n'yo." paliwanag ni Sidhe.
"Paano ang mga fairies?" tanong ni Maple.
"Sa tingin ko, wala na sila dito. Tingin ko ay ligtas na sila."
"Nasa bago sila tirahan na sila." sagot naman ni Lillieth. "Pero hindi ko makita si Avery. Palagay ko ay nand'yan pa siya sa loob."
"Kung gan'on na wala na dito ang mga fairies. Sinasabi n'yo bang kami na ang gustong kuhanan ng mana ng silver dragon na 'yon?" tanong naman ni Kaliya.
"Tama." sagot ni Sidhe.
"At anong kinalaman ni Lillieth dito?" tanong naman ni Maple.
"Ginamit siya ulit ng tao para dito."
BINABASA MO ANG
From Kingdom to Kingdom
FantasiaA unique girl who set foot on an unknown journey to find her lost brother that said to have died in a kingdom invasion. Due to her unique flames and healing ability, she was bound to face dangers in the road. Will she successfully find her brother o...