Habang nasa pribadong pagpupulong sina King Kerslei ay nagkaroon ng oras si Maple para sa kanyang sarili. Pumunta siya sa bakuran at umakyat sa isang puno kung saan makikita niya ang buong kaharian ng Kaan pati ang mga karatig nitong lupain.Doon, masarap ang simoy ng hangin. Habang dinadama ni Maple iyon ay sinasabayan na rin niya iyon ng kanyang himig. Isang himig na malungkot at payapa.
"Sana naririnig ako ni kuya." wika niya at napatigil siya sandali sa kanyang paghimig.
"Maple."
Nagulat si Maple nung biglang may bumati sa kanya. Lumingon siya sa baba ng puno at nakita si King Kerslei. Agad siyang bumaba ng puno at dahil sa pagkataranta ay kamuntikan na siyang mahulog.
"King Kerslei... Anong ginagawa n'yo dito? Hindi. Paano n'yo nalaman na nandito ako?" tanong ni Maple. "Saka tapos na ang pagpupulong n'yo agad?"
"Tapos na..." malungkot na sagot ni King Kerslei.
"Teka, bakit ka malungkot? Nabawi mo na ang trono na dapat sa 'yo ah. Isang linggo ka na ring nasa pwesto mo. Hindi ka ba masaya sa mga nababago mo?" tanong ni Maple habang sinusuri ang ekspresyon ni King Kerslei.
"Aalis ka na ba talaga? Ayaw mo bang manatili muna ng ilang buwan dito?" tanong ni King Kerslei.
"Balak kong manatili muna talaga ng ilang buwan dito. Tutulungan muna kita bago kami umalis ni Clement."
Bigla namang ngumiti si King Kerslei sa balitang iyon. "Talaga?"
"Kanina lang ay para kang namatayan. Bakit ang sigla mo na ngayon? Saka nasaan ang mga knights mo?"
"Tinakasan ko sila."
Sinipa ni Maple ang binti ni King Kerslei.
"Hindi mo dapat sila tinatakasan. Hari ka na, mas maraming panganib ang nasa paligid mo." sabi ni Maple.
"Kailangan mo talaga gawin 'yon?" tanong ni King Kerslei habang iniinda ang sakit ng sipa ni Maple.
"... May karwahe ka ba d'yan na hindi na ginagamit? Pahiram naman ako. Malawak ang sakop mo at mahirap maglakad para lumibot sa Kaan kingdom."
"Bakit pa yung luma ang gusto mo? Bibigyan kita ng karwahe at kutsero na magdadala sa 'yo sa lugar na nais mo."
"Grabe, ang galante ah. Iba talaga kapag hari na." pang-aasar naman ni Maple.
• • •
Binigyan nga ni King Kerslei si Maple ng karwahe para makalibot sa buong Kaan Kingdom. Gamit iyon ay pinuntahan ni Maple ang mga lugar ng mga taong walang kakayahan na kumuha ng manggagamot kapag may sakit sila. Ginawa iyon ni Maple sa loob ng limang buwan.
"Ate Maple, tara maglaro tayo ng bula!"
"Hindi na. Bukas na lang at marami pa akong dapat gawin." pagtanggi ni Maple sa kanila.
"Pero gusto ka talaga naming makalaro." malungkot na sinabi nung isa pang bata kay Maple.
"... Pagod na ako." iniisip ni Maple sabay tingin sa mga bata. "Manonood na lang muna ako sa inyo, ayos ba yun?" tanong ni Maple.
Bigla namang ngumiti ang mga bata at saka hinatak si Maple sa lugar kung saan sila naglalaro.
"Hm.. nandito ka rin." bati ng isang pamilyar na boses sa kanya sabay ihip sa isang binilog na stick at nakagawa siya ng bula.
"Anong ginagawa ng katulad mo dito?" tanong ni Maple at tumabi siya sa gumagawa ng bula.
"May pangalan ako." sabi niya at tuloy-tuloy ang pag-ihip niya para makagawa ng bula.
BINABASA MO ANG
From Kingdom to Kingdom
ФэнтезиA unique girl who set foot on an unknown journey to find her lost brother that said to have died in a kingdom invasion. Due to her unique flames and healing ability, she was bound to face dangers in the road. Will she successfully find her brother o...