Kaan Kingdom: VIII

1 0 0
                                    

"Ang... dali ko naman mahanap kung saan nila itinago si Maple at ang kasama niyang isa pang valí pratíka." komento ni Kaliya habang nakatingin sa bintana ng kwarto nila Maple sa loob ng palasyo.

"Nakapwesto na ang lahat." pabulong na sinabi ni Dusk. Si Dusk ang madalas namamahala sa mga taong nasa tabi ni Kaliya.

Nanonood sila Kaliya mula sa taas ng puno. Natanaw ni Kaliya ang isang kabayo sa di kalayuan na nakatago ng kaunti sa may lagusan ng gubat.

"Kabayo sa ganitong oras?" napatanong si Kaliya sa kanyang sarili.

"Gusto mo bang alamin namin kung sino ang sasakay doon?"

"Maaari na nating panuorin lang sila mula rito." sabi ni Kaliya at sakto namang may dalawang taong lumabas mula sa likuran ng palasyo. 

Isang naka-hood at si Prince Kerslei ang kanilang nakita sa ilalim ng sinag ng buwan. Maya-maya ay may lumapit kay Dusk at bumulong. Matapos no'n ay agad ding umalis ang lumapit kay Dusk.

"Bakit sa 'yo niya sinabi at hindi sa akin? Hindi niya ba alam na ako nagpapasweldo sa kanya?"

"Sa ganyang itsura, malamang matatakot siya sa 'yo. Mukha kang kalmado palagi pero isang maling hakbang lang nila ay parag kamatayan na ang nakikita nila." sermon ni Dusk kay Kaliya.

"Di naman nalalayo ang personalidad mo sa akin." sabi ni Kaliya habang nakataas ang isang kilay niya.

Tinitigan naman ni Dusk si Kaliya bago sumagot. "Di hamak na mas palakaibigan ako sa 'yo, Kaliya."

"Ang batang ito...." pagpipigil ni Kaliya sa kanyang inis. "At anong sinabi niya sa 'yo?" tanong ni Kaliya at nakita niya ang prinsepe na nakaalis na.

"Ang magkapatid na prinsepe ang nakasakay sa kabayong umalis."

"Sigurado ba sila?"

"Mukha bang nagkamali sila?"

"Ano sa tingin mo?" tanong ni Kaliya at nagbigay na siya ng senyales sa ibang kasamahan nila na sisimulan na nila ang misyon nila.

"Mukhang babae ang nakasuot ng hood."

"Mukhang maliit na soro ang isang 'yon para maging pangalawang prinsepe." sagot naman ni Kaliya at bumaba siya ng tahimik mula sa taas ng puno at sumunod naman sa kanya si Dusk.

Nagmanman sila sa buong paligid at isa-isang pinatulog ang mga knights na nakagwardya. Paakyat na sana sila Kaliya sa kwarto kung nasaan sila Maple nung biglang may narinig silang pagsabog malapit sa kwarto na iyon. Isang babae naman ang narinig nilang sumigaw.

"Kaliya!" sigaw ni Dusk.

"Anong sitwasyon?" kalmadong tinanong ni Kaliya.

Kita naman sa mukha ni Dusk na galit siya. "Patawarin mo ako. Hindi ko alam na may nakatagong espiya sa mga isinama ko."

Inilagay lang naman ni Kaliya ang kamay niya sa ulo ni Dusk. "Alam ko na na may iba tayong kasama. Unahin muna natin ang kailangan unahin."

"TULONG!!" sigaw ng isang babae mula sa kwarto na dapat ay pupuntahan nila Kaliya.

Agad namang tumayo si Dusk sa harap ng kwartong iyon. Tumingala naman siya at nakita ang babaeng may puting buhok.

"My lady, tumalon kayo!" sigaw ni Dusk.

"N-nagbibiro ka ba?!"

"Magtiwala po kayo sa akin!" sigaw ulit ni Dusk.

Isang pagsabok pa ang muling nangyari. Agad naman tumalon ang dalaga sa bintana at tumalon naman si Dusk papunta sa diresksyon ng dalaga para masalo siya ng maayos.

From Kingdom to KingdomTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon