Ibinili ni Yuno ng malawak na lupain ang nakuha niyang ginto mula sa quest na kinuha nila Maple nung nakaraang araw. Kasalukuyan itong pinatatayuan ng bahay para sa kanila ni Gaiya. Katabi no'n ay ang bahay na para sa kanyang ina at mga kapatid. Sa likod ng bahay na ipinagagawa ni Yuno ay may malawak na sakahan na kanyang tatamnan ng palay para may maluto silang bigas at maibenta sa iba. Iyan ang ibinilin ni Maple kay Yuno na gagawin niya at nakasisiguro siyang wala ng dahilan pa ang mga magulang ni Gaiya na tumanggi sa kasal nila.
Kahit ganon ay kinakabahan pa rin si Maple sa magiging resulta ng ginawa nila. Kaya sumama si Maple sa loob ng bahay nila Gaiya para makita kung anong mangyayari sa gagawin ni Yuno na muling paghingi ng basbas mula sa mga magulang ni Gaiya.
"Pa? Ma?" tawag ni Gaiya sa mga magulang niya dahil ayaw nila magsalita.
"Pangako ko pong walang mangyayareng masama kay Gaiya."
Hindi pa rin nagsalita ang mga magulang ni Gaiya at napatingin ang tatay niya kay Maple na nakatayo sa gilid ni Yuno. Ngumiti si Maple sa kanya at nagbuntong-hininga siya.
"Isinama n'yo talaga ang kabit niya?" tanong ng mama ni Gaiya na ikinagulat ni Maple.
"Ma!! Kaibigan ko si Maple at hindi siya kabit ni Yuno!" pagdedepensa naman ni Gaiya kina Maple.
Hindi naman nagsasalita si Maple at hinahayaan lang niya magsalita ang mga magulang ni Gaiya bago siya magsalita.
"Nakita ko sila kagabi. Magkasama sila at nagngingitian sa daan. Ang kapal pa ng mukha. Talagang ginawa nila iyon pagkatapos kang ihatid."
"Madam." panimula ni Maple. "Sigurado ba kayo sa akusasyon ninyo sa amin?" seryosong tanong ni Maple.
"Miss Maple." tawag ni Yuno at umiling siya para pigilan si Maple sa pagsasalita niya.
"Bakit ako tatahimik? Tinawag akong kabit." kalmado ngunit galit na sinabi ni Maple.
"Totoo naman." nakangising sinabi ng tatay ni Gaiya.
"Sa ugali n'yong iyan buti napalaki n'yo ng tama si Gaiya. Buti lumaki siyang magalang, maganda, maalalahanin at mapagmahal. Pasensya na HO. Sadyang matulungin lamang ako. Tinutulungan ko si Gaiya dahil kaibigan ko siya. Minsan ko lamang din kayo nakita kaya di ko alam na mapanghusga pala kayo." diretso at walang halong pagsisinungaling na sinabi ni Maple.
Bigla naman may kumatok at pinagbuksan iyon ng katulong nila. Dumungaw sa pinto si Kaliya at hinanap si Maple. Matapos niyang makita si Maple ay sumenyas siya sa kanya na lumapit kay Kaliya.
"Halika dito, itim na soro. Bilis." sabi niya sabay tingin sa mga tao sa loob.
Agad naman pumunta si Maple sa kanya habang naiinis. May inabot naman si Kaliya na papel sa kanya.
"Ano naman 'to at kinailangan mo pa akong tawagin?" sabi ni Maple at binasa niya ang papel.
『Mag-asawang sangkot sa pagpatay sa anak ng isang makapangyarihang Duke sa Perennial kingdom mahanap na ang lokasyon.』
Kalakip ng balitang iyon ay ang litrato ng mga magulang ni Gaiya.
"Matanggap kaya ng kaibigan mo ang balitang iyan?" tanong ni Kaliya.
"Bakit mo ako tinatanong n'yan?" tanong ni Maple habang binabasa ang papel na binigay sa kanya ni Kaliya.
"... Kaibigan mo si Gaiya. Natural tatanungin kita."
Tumingin naman si Maple kay Kaliya at puno ng kirot ang dibdib ni Maple.
"H'wag mo munang sabihin sa kanya. Tapusin muna nating ang kasal nila, pwede?"
BINABASA MO ANG
From Kingdom to Kingdom
FantasiaA unique girl who set foot on an unknown journey to find her lost brother that said to have died in a kingdom invasion. Due to her unique flames and healing ability, she was bound to face dangers in the road. Will she successfully find her brother o...