Si Autumn ay dinala sa isang tagong selda at tatlong araw na ang lumipas ngunit wala pa rin siyang malay.
Isang kawal ang pumunta sa tapat ng kanyang selda at sinubukang tignan kung buhay pa siya. Dala-dala ang isang balde ng tubig ay itinapon niya iyon sa loob ng selda. Nang makita ng kawal na hindi pa rin gumagalaw si Autumn ay pumasok na ang kawal sa loob para makita kung talaga bang wala na siyang buhay. Hinawakan ng kawal ang kanyang kamay at tinignan kung humihinga pa siya. Kumuha muli ang kawal ng isang basong tubig at unti-unti iyong ipinainom sa kanya. Kumunot naman ang noo ni Autumn at agad tinawag ng kawal ang isang lalakeng naghihintay sa labas ng kanyang selda.
"Maaari mo ba kaming maiwan sandali?" tanong ng lalakeng iyon sa kawal.
"May limang minuto ka lamang." sabi ng kawal at umalis na siya.
Unti-unti naman nagmulat ang mga mata ni Autumn at nakita ang lalake sa kanyang harapan.
"Maple. Ako si Kaliya."
Nagulat si Autumn nung marinig niya ang mga pangalan na iyon. Agad siyang bumangon at tinignan mabuti ang mukha ng lalakeng iyon. Ngunit dahil nakamaskara ang lalake ay hindi niya maaninag ang mukha non. Tanging alam lang niya ay may malaitim na bughaw siyang buhok at mata. May malaking peklat din siya sa kaliwang parte ng mukha niya.
"Autumn." sabi niya.
"Alam ko rin iyan. Itinatago mo ang tunay mong pangalan dahil isa kang valí pratíka. May iba talagang valí pratíka na ginagawa iyan dahil ayaw nilang malaman ng iba ang tungkol sa kaya nilang gawin. Kaso huli ka na para d'yan. Alam ko kung sino ka. Maple Nesreća, nakita ko ang ginawa mo nung nakaraang araw. Kakaibang klase ang kaya mong gawin. Apoy ng Nesreća at healing powers ng pagiging valí pratíka." seryosong sinabi ni Kaliya kay Autumn.
"Anong kailangan mo sa akin?"
"Hindi mo ba muna itatanong kung nasaan ka at kung anong ginagawa mo dito?"
"Bakit hindi mo na sagutin iyan?" tanong niya kay Kaliya.
"Para sa isang kagaya mo ay puno ka pa rin ng tapang. Nasa kulungan ka ng Kaan kingdom dahil sa ginawa mo sa mga tao nila."
"Ginawa ko? Kaan kingdom.. ang kahariang nagbibitay ng mga taong kayang gumamit ng kapangyarihan. Ang bansag siguro sa akin ngayon ay witch. Ibig sabihin mga tao ng Kaan ang nasaktan ng apoy ko."
Tahimik lamang na hinintay ni Kaliya na mapagtanto ni Autumn ang kanyang sinasabi. Nanghina si Autumn matapos niyang mapagtanto ang lahat nang nangyari.
"Ligtas ba sila?" tanong ni Autumn.
"Ligtas? Walang tao sa lugar na iyon ang nakaligtas sa apoy na gawa mo." sabi ni Kaliya kay Autumn na iniwan ang mahalagang parte ng pangyayari na buhay ang lahat maliban kay Niko.
Hindi naintindihan ni Autumn ang sinabi ni Kaliya na iyon at lalo siyang nanlumo. Napansin niya rin ang mga kadenang nakakabit sa kanyang mga pulso at bukong-bukong. Sinubukan niyang gumamit ng mana niya ngunit pinipigilan iyon ng mga kadena.
"Namatay sila?"
"Alam mo bang paparusahan ka ng kamatayan." biglang sagot ni Kaliya.
"Kamatayan..."
Katahimikan ang panandaliang bumalot sa kanilang dalawa.
"Bakit parang gusto mo nang matapos dito ang lahat?" tanong ni Kaliya sa kanya.
"Wala naman nang saysay kung mabubuhay pa ako. Wala na ang kuya ko." mahina at walang buhay na sinabi ni Autumn at nagpalit ang kulay ng mata niya mula sa dilaw papuntang kulay aqua.
BINABASA MO ANG
From Kingdom to Kingdom
FantastikA unique girl who set foot on an unknown journey to find her lost brother that said to have died in a kingdom invasion. Due to her unique flames and healing ability, she was bound to face dangers in the road. Will she successfully find her brother o...