Loess Kingdom: V

3 0 0
                                    

Dalawang linggo na ang lumipas at nananatili pa rin sila sa Loess kingdom. Hindi pa rin sigurado ni Maple kung anong sanhi ng nangyayare sa Loess Kingdom.

"Wala pa rin ba?" tanong ni Maple kay Sidhe.

Hindi na makagamot si Maple ng kahit sino dahil naubos na ang mana niya at nanghihina na siya. Ubos na rin ang mga elixir na kanyang naitago. Nakaupo na lamang siya sa isang upuan at naghihintay ng balita tungkol sa reyna.

"Paumanhin, Lady Maple. Ang totoo n'yan ay hindi pa sumasagit ang reyna sa akin." sabi ni Sidhe.

"Sobra para sa pagtatanong mo kung nais kong makausap ang reyna." pagrereklamo ni Maple.

"Maple, ayos ka lang ba? Namumutla ka na." pag-aalala naman ni Clement.

"Tingin ko ay magpapahinga na muna ako sa kwarto ko. Fan, sabihan mo ako kung may naririnig ka ha." habilin ni Maple.

"Opo." sagot naman ni Fan.

Umakyat si Maple sa kanyang silid at nahiga. Nilalamig siya at sobrang hina na ng kanyang katawan. Agad niyang kinumutan ang sarili niya at tinawag si Autumn.

"Autumn, maaari mo bang isara ang bintana?" pakiusap ni Maple.

Walang sagot.

"Autumn?" tawag muli ni Maple.

Walang sumagot sa kanya muli.

Napabangon si Maple sa kanyang pagkakahiga at agad kinuha ang bag niya.

"Autumn?" tawag niya at kinakabahan na siya.

Hinanap niya si Autumn sa buong kwarto kahit na sobrang hina na niya. Umupo siyang muli sa gilid ng kama niya at muling tinignan ang bag niya. Doon naamoy ni Maple ang asero sa paligid ng bag niya.

"Asero? Bakit amoy asero ang bag ko? May kinalaman ba ito sa pagkawala ni Autumn?"

Kabado na si Maple at hindi niya na alam kung nadamay ba si Autumn sa nangyayare sa Loess kingdom. Kahit na nanghihina si Maple ay agad siyang bumaba. Hindi na kaya ni Maple na mawala sa paningin niyang muli si Autumn dahil siya na lang ang tanging pamilya niya na meron siya ngayon.

"Maple! Saan ka pupunta?" tanong ni Clement matapos niyang makita si Maple na iika-ika maglakad.

"Dito ka muna, Clement. Pakiusap, kailangan kita para bantayan ang lugar na ito. Ito na lang ang tanging ligtas na lugar."

"Naiintindihan ko pero kailangan mo ng kasama." sabi ni Clement na nag-aalala kay Maple.

"Kaya ko na mag-isa." sabi ni Maple.

"Sasamahan na kita, Lady Maple." sabi naman ni Sidhe.

Tumingin naman si Maple sa kanya at hindi namalayan ni Maple na nag-iba ang kulay ng mga mata niya.

"Sinabi kong kaya ko na mag-isa."

Napaatras naman si Sidhe dahil sa binibigay ni Maple na aura.

Matapos no'n ay nagmadali si Maple na sumakay ng karwahe at nagpunta sa silid-aklatan. Pinabalik naman niya ang karwahe sa panuluyan para masiguro niya ang kaligtasan ng kutsero. Maya-maya ay kinalabog niya ang pinto at agad siyang pinagbuksan ng namamahala doon.

"Ay jusko po. Anong nangyare sa 'yo?" tanong ng tagapamahala matapos bumagsak sa balikat niya si Maple.

"Mabuti at hindi pa naapektuhan ang lugar na ito. Kailangan n'yong lumikas muna dito." paalala ni Maple at tumayo siya ng maayos.

"Bakit ganyan na ang itsura mo?" tanong ng tagapamahala sabay ayos ng kanyang salamin.

"May libro po ba kayo tungkol sa mga fairies?" tanong ni Maple at pumasok na siya sa loob ng silid-aklatan.

From Kingdom to KingdomTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon