"Ate Maple, pakiusap. Kailangan ko nung perang ibibigay mo sa akin." pakikiusap ni Fan na may desperasyon sa kanyang tono.
"Fan! Wala na tayong oras! Bilisan mo at kailangan pa nating tumawag ng manggagamot!" natatarantang sinabi nung batang babaeng dumating.
"Kumalma muna kayo. Anong nangyare?" tanong ni Maple sa batang babae.
Lumingon-lingon muna ang batang babae sa paligid at saka bumulong kay Maple. "May kumakalat na sakit sa lugar na ito. Natamaan na ang lugar namin." sabi ng batang babae at umiyak na siya.
Napalingon naman si Maple kay Autumn at saka siya lumingon kay Fan. "Fan, dalhin mo ko sa lugar n'yo." sabi ni Maple.
"Delikado ang lugar na iyon." seryosong sinabi ng namamahala. "Pumasok kayo sa lugar na iyon at hindi na kayo makalalabas."
"Ayos lang po kami." sabi ni Maple at lumabas na sila sa silid-aklatan.
Agad dumating sina Maple sa lugar na tinutukoy nila Fan. Madilim ang paligid at nababalutan iyon ng makapal na hamog. Tila parang hati sa dalawa ang lugar at sa kinatatayuan nila Maple ay tila panibagong lugar iyon. Nasa harap naman ni Maple si Autumn.
"Kaya mo ba?" tanong ni Maple.
Si Autumn lang ang tanging magagamit nila para panandaliang mapatigil ang kumakalat sa lugar nila.
"Kakayanin." sagot ni Autumn.
"Ang alin?" tanong ni Clement sa tanong ni Maple kay Autumn.
"Kaya mo bang hindi maapektuhan? Kailangan ko tulong mo kung healer ka."
"Paano kung hindi ako healer?"
Nag-isip naman si Maple ng sasabihin niya. "Bantayan mo ang mga bata..?"
"Buti na lang healer ako. Ahahahaha."
"...? Niloloko mo ba ako? Bantayan mo pa rin ang mga bata."
"Master, handa na ako."
"Pero ayoko no'-" hindi naituloy ni Clement ang sasabihin niya nung itinaas ni Maple ang kamay niya para manahimik siya.
"Autumn." malumanay na tawag ni Maple at sakto naman na ikinalat ni Autumn ang lahat ng elemento ng kalikasan gamit ang hiram na mana niya kay Maple.
"Maaari na kayong pumunta sa kanila pero tandaan mo, master. Hindi mo maaaring gamitin ang mana mo nang hihigit sa sampu ang gagamutin mong tao. H'wag ka rin gagamot ng taong sobrang lubha ng kalagayan. Madaling mauubos ang mana mo at mawawalan ng bisa ang ginawa natin."
"Para namang may iba akong pagpipilian?" komento ni Maple sa sinabi ni Autumn habang naglalakad sila.
Nakita naman nilang pumasok si Fan sa isang bahay. Sinundan naman nila iyon habang inoobserbahan ang paligid. Maraming tao ang nagsilabasan at natuwa sa kanilang nakita. Maraming mata rin ang nakatingin kay Maple. Bigla naman napaisip si Maple.
"Tama ba kami ng ginawa o inanunsyo ko sa lahat na may kasama akong fairy?" kinakabahan naman si Maple ng maisip niya iyon at agad humanap ng lugar na medyo tago sa lahat.
"Master?"
"Hindi ko alam kung tama ang ginawa natin pero kailangan mo munang magtago. Kutob ko ay may nagmamatyag sa 'yo." pabulong na sinabi ni Maple.
BINABASA MO ANG
From Kingdom to Kingdom
FantasíaA unique girl who set foot on an unknown journey to find her lost brother that said to have died in a kingdom invasion. Due to her unique flames and healing ability, she was bound to face dangers in the road. Will she successfully find her brother o...