Loess Kingdom: II

3 0 0
                                    

"Pasensya na po sa abalang naidulot namin sa inyo." sabi ng babaeng namamahala ng mga bisita ng inn.

"H'wag n'yo po sana siya parusahan. Tingin ko ay naghahanap lang ng pera ang batang iyan." mahinahon at nakangiting sinabi ni Maple pagkatapos dumating ng mga tao dahil sa sigaw ng binatilyo.

"Bata? Bata ka rin naman." pabulong na sabi ng binatilyo habang nakanguso.

"Para sa ikatatahimik mo, dalawangpu't anim na taong gulang na ako." sabi ni Maple at kinurot ang pisngi ng binatilyo.

Bigla naman tumahimik ang paligid. Agad naman napansin ni Maple iyon.

"May mali ba sa sinabi ko?" tanong niya na medyo naiilang siya sa dami ng taong nakatingin sa kanya.

"Wow, mukha pong bata ka pa."

"Ano? Bakit ako magkakaroon ng maraming pera kung bata lang ako? Bakit ako maglalakbay kasama ang isang bata rin kung bata rin ako. Pwede kayo magtanong." nahihiyang sinabi ni Maple at nagbuntong-hininga siya. "Hindi ako nangangain. Pwede kayong magtanong NANG kaunti. Sasagutin ko naman kayo." sabi pa ni Maple.

Napangiti naman ang babae kay Maple. "Ang cool niya. Pasensya na po ulit sa abala. Aalis na po kami para makapagpahinga kayo ulit."

Tumingin naman si Maple sa direksyon ng kwarto ni Clement.

"Tingin ko ay baba rin ako para makipagkwentuhan sa inyo."

Nagtaas naman ng kamay ang binatilyo. "Ako na ang maghahatid sa kanya sa baba." pagboboluntaryo niya pero hindi siya mapagkatiwalaan ng iba.

"Ayos lang po. Kaya ko naman ang sarili ko." sabi ni Maple at ginulo niya ang buhok ng binatilyo.

Agad naman bumaba ni Maple matapos niyang magpalit ng damit. Bumaba siya at kaunti lamang ang tao sa hapag-kainan. Binigyan naman siya ng babae ng isang baso ng mainit na gatas na kanyang inorder.

"Gatas? Ano ka bata?" sabi ng binatilyo.

"Ikaw.. kanina mo pa ako pinakikielaman. Gusto mo ba talagang matamaan sa akin?" sabi ni Maple sa binatilyo sabay kurot ng pisngi niya.

"Aaa! Masakit!!" sabi naman ng binatilyo at hinawi niya ang kamay ni Maple.

"Sa ganitong oras, maganda ang gatas. Lalo na kung gusto ko pang bumalik sa pagtulog ko." sabi naman ni Maple.

Maya-maya ay nagulat si Maple nung biglang dumami ang tao sa paligid niya.

"Totoo bang dalawangpu't anim na taong gulang ka na?" tanong ng isang lalake.

"Ah—" sasagot pa lamang si Maple nung may magtanong ulit.

"Paano mo nakuha yung mga ginto't pilak mo?"

"Sa—"

"Anong trabaho mo?"

"Lilac—"

"Okay, okay. Masyadong personal ang mga tanong n'yo." sabi ng binatilyo at napatigil ang lahat. "Kung gusto n'yong malaman ang sagot sa mga tanong n'yo ay pumila kayo ng maayos at magbayad ng isang pirasong pilak." mayabang na sinabi ng binatilyo.

Agad naman napansin ni Maple na gusto siyang pagkakitaan ng binatilyo at susunod naman dapat sa binatilyo ang mga tao kaya agad hinatak ni Maple ang binatilyo at tinitigan siya ng masama.

"Totoo pong dalawangpu't anim na taong gulang na ako. Nakuha ko ang pera na meron ako dahil ng trabaho po ako sa Lilac kingdom. Isa akong personal maid ng palasyo." sagot ni Maple.

"Lilac kingdom? Hindi ba iyon yung kaharian na inatake ng Hibiscus Empire halos isang taon na ang nakalilipas?"

"Tama po."

From Kingdom to KingdomTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon