Isang taon ang lumipas...
"Miss Maple, nandito na po tayo." sabi ng kutsero.
Agad naman gumising si Maple mula sa pagkakatulog niya sa tumpok ng dayami na karga ng karwaheng sinakyan niya.
"Ohhh maraming salamat, Yuno!" nakangiting sinabi ni Maple at nagpadulas siya pababa.
"Ano po bang gagawin n'yo dito sa malawak na sakahan, miss Maple?" tanong ni Yuno.
Si Yuno Woodsorrel ay isang elf na may kulay dilaw na buhok at luntian na kulay ng mata. Matangkad at matipuno. Magalang at mabait. Mahirap lamang siya at masaya sa kanyang trabaho.
"May hahanapin lang akong kakaibang klaseng halaman. Gusto mo bang sumama?" tanong ni Maple.
"Ahahaha. Sa gubat po?"
Tumango naman si Maple.
"Ahaha... ha ha. Susunduin ko na lamang kayo ulit dito pagkatapos kong ihatid ang mga dayaming ito sa bahay nila miss Gaiya."
"Walang problema." sabi ni Maple at kinawayan na niya si Yuno.
Nang makaalis si Yuno ay agad naglakad si Maple sa mahabang palayan. Tumitingin kung may makita siyang bulaklak ng cyclamen sa dadaanan niya katulad nung nakita niya kalahating taon na ang nakararaan. Napunta si Maple sa harap ng gubat matapos niyang baybayin ang palayan. Doon ay may mga palatandaan si Maple na kanyang iniwan para hindi siya maligaw. Wala pa ring mga bulaklak ng cyclamen sa paligid kaya nagtungo na lang si Maple sa gitna ng gubat kung saan siya madalas nananatili.
Nang makarating siya doon ay ibinababa niya ang bag niya sa tabi ay iniunat niya ang kanang kamay niya. Huminga siya ng malalim ay tahimik na pinakinggan ang hangin.
"Autumn." tawag niya habang pinagmamasdang may mamuong hangin sa ilalim ng palad niya.
Nagulat si Maple sa kanyang nakita at namangha ngunit biglang nawala ang namuong hangin sa palad niya. Napaupo naman si Maple sa lupa at tumingala.
"Bakit ba hindi ka pa rin nagpapakita sa akin? Hindi na ba ako karapat-dapat maging master mo? Tanggap ko naman na ang pagkamatay mo ah. Ano pa bang gusto mong gawin ko? Malakas naman na ako. Kaya na kitang tawagin ulit. Pero bakit ayaw mong lumabas?" tanong ni Maple sa hangin na para bang hinihintay niya kung sasagot si Autumn sa kanya.
Muli niyang ginawa iyon ng ilang beses ngunit lahat iyon ay palyado. Kahit hindi niya matawag ang espada niya ay nalaman niya na ang iba pang elementong kaya nitong gawin. Pagod na ang isip ni Maple sa ginawa niyang pagtawag kay Autumn kaya itinigil na niya iyon at nag-ensayo na lang ng kanyang ibang espada. Matapos niyang makontento ay kinuha na ulit niya ang bag niya. Habang naglalakad siya pabalik ay kumukuha rin siya ng mga hinog na prutas para madala pabalik ng bayan.
Sakto sa paglabas ni Maple ay kumakaway na sa kanya si Yuno. Masaya namang kumaway si Maple sa kanya. Nakita ni Yuno ang dala ni Maple kaya agad niyang sinalubong si Maple at binuhat ang dala niya.
"Para po ba ito kina Ginang Klara?" tanong ni Yuno.
"Kumuha ka rin ng para sa inyo. Kaunting kapalit sa paghatid at sundo sa akin dito." nakangiting sinabi ni Maple at sumakay na siya sa tabi ni Yuno.
"Maraming salamat, miss Maple." natutuwang sinabi ni Yuno dahil may ipapakain siya ngayon sa kanyang maliliit na kapatid.
Hapon na nung nakarating sila sa bayan. Pagkatapos kumuha ng kaunti ni Yuno sa dala ni Maple ay agad niya iyong ipinasok sa kusina.
"Maraming salamat, Yuno." pasasalamat sa kanya ni ginang Klara.
"Ako po dapat ang magpasalamat. Marami na po kayong naitulong sa amin. Lalo na si miss Maple." sabi ni Yuno at tinignan niya si Maple na nakikipaglaro sa mga bata.
BINABASA MO ANG
From Kingdom to Kingdom
FantasyA unique girl who set foot on an unknown journey to find her lost brother that said to have died in a kingdom invasion. Due to her unique flames and healing ability, she was bound to face dangers in the road. Will she successfully find her brother o...