"Master, nasa'n na po kayo? Naghihintay ako sa inyong pagbabalik."
Nagising si Autumn sa kanyang pagtulog. Nang tumingin siya sa bintana ay halos madaling-araw pa lamang.
"Autumn?" tanong ng dalaga matapos niyang maalimpungatan sa biglang pagtayo ni Autumn.
"Ah. Pasensya ka na."
"Nanaginip ka ba ng masama?" tanong ng dalaga at inabutan niya ng tubig si Autumn.
"Ilang beses ko bang sasabihin sa 'yo na hindi mo kailangan mag-alala sa akin. Hindi ko rin kailangan ng tulong mo." sabi ni Autumn at ininom niya ang tubig na binigay ng dalaga sa kanya.
"Sinabi niya iyon pero ininom niya pa rin ang binigay kong tubig. Tingin ko nahihiya lang siya na may nag-aalala para sa kanya." nakangiting iniisip ng dalaga.
Maya-maya ay may kumatok ng mahina sa pinto ng kwarto nila. Agad tumayo si Autumn at pinaurong niya sa may pader ang dalaga na malayo sa pinto.
"Magpakilala ka." sabi ni Autumn habang nakaalerto.
"Autumn. Buksan mo ang pinto." sabi ng pamilyar na boses sa kanya.
"Eh? Prince Kerslei?" pagtataka naman ng dalaga.
"Shh. Walang nakakaalam na nandito ako. Buksan mo ang pinto." pabulong na sinabi ni Prince Kerslei.
Binuksan ni Autumn ang pinto at agad pumasok si Prince Kerslei.
"Bakit kayo naparito?" tanong ni Autumn.
"Dahil hindi ko masabi ito sa harap mo tuwing magkasama tayo... naghintay ako ng tamang pagkakataon para matakasan ang mga knights na nagbabatay sa bawat kilos ko."
"Kailan mo pa gustong sabihin sa akin iyan?" tanong ni Autumn.
Tumingin naman si Prince Kerslei sa direksyon ng dalaga. "Mas maganda kung sumama ka muna sa akin at ipapakita ko sa 'yo."
"Bakit di mo pa sabihin dito?" tanong naman ni Autumn.
"Ahhhh. Ayos lang sa akin, Autumn. Sumama ka muna kay Prince Kerslei. Sigurado naman akong mahalagang bagay ang sasabihin niya sa 'yo." pagsabat ng dalaga.
"Hmm. Wala akong maintindihan pero sige." sagot naman ni Autumn.
Tahimik naman lumabas si Prince Kerslei. "Ang dalaga na iyon. Nagpapasalamat ako sa pagsabat niya pero bakit may kutob ako na mali siya ng iniisip?"
Paglabas ni Autumn ay naglakad na sila papunta sa kalapit na gubat at doon ay may nakahandang kabayo para sa kanila.
"May nakakita ba sa 'yo?" tanong ni Prince Kerslei sa matandang lalakeng kaharap nila.
Tahimik lang naman si Autumn na sumusunod kay Prince Kerslei.
"Wala po, young master." sagot ng matandang lalake habang nakayuko.
"Mabuti. Maraming salamat." sabi ni Prince Kerslei at inayos niya ng kaunti ang upuan sa ibabaw ng likod ng kabayo.
"Wow. Marunong pala siyang magpasalamat." komento ni Autumn at nagulat siya nung biglang tumingin sa kanya si Prince Kerslei. Kinabahan siya na baka narinig ng prince ang komento niya.
"Nakasakay ka na ba ng kabayo?" tanong ni Prince Kerslei.
"Nakasakay na ako ng asno. Parehas lang iyon, di ba?"
"Pfffft— syempre hindi sila parehas. Sa bagay, sa liit mong iyan baka ka nga aakalain mong kabayo ang isang asno." pang-aasar ni Prince Kerslei.
"Anong sabi mo?!" naiirita namang tanong ni Autumn.
BINABASA MO ANG
From Kingdom to Kingdom
FantasíaA unique girl who set foot on an unknown journey to find her lost brother that said to have died in a kingdom invasion. Due to her unique flames and healing ability, she was bound to face dangers in the road. Will she successfully find her brother o...