PROLOGUE

1K 44 7
                                        

In this world full of discrimination only few person will love you with all your insecurities. Life isn't fair. Life is hard lalo na kung hindi ka na maganda, hindi ka pa attractive sa paningin ng iba. Be generous they will like you or maybe they're just using you. Be beautiful so that every man's eyes are on you. Kung lugar lang ang hahanapin mo sa mundo, hindi mo makikita kung saan ka talaga unless you reach their standard. Magiging belong ka na.

“Anong ginagawa mo rito? Bakit hindi mo kasama ang kaibigan mong tanga? Nasaan siya?” Tanong nang mangkukulam. Hindi siya nakatingin sa akin bagkus sa kuko niya na nini-nail polish niya.

“Uhmm...” Paano ko ba sisimulan?

“Ano? Natatae ka ba? Barado cr ko naki-cr nga lang ako sa kapitbahay kanina.” Shuta!

“Hindi naman kasi 'yon, ih!” Tanggi ko agad. Ang baralbal talaga ng bunganga ng mangkukulam na 'to.

“Oh, eh ano nga kasing kailangan mo? Huwag mong sabihing dadagdag ka sa mga tangang costumer ko?! Aba talaga dumadami na lahi niyo!” Binaba niya ang pang-polish niya. “Sabihin mo na ang kailangan mo nakita mong nagkakabit ako ng nail extension istorbo ka!” Mataray na pahabol niya.

“Uhm... kailangan ko ng potion na parang kagaya ng kay Halleina pero ayaw ko ng gano'n.” Nakita ko ang epekto kay Thaddeus kaya ayaw ko.

Umikot ang mata niya. “Tanga ka ba?! Kagaya ng sa kaibigan mo pero hindi gano'n?! Sige, ikaw na lang gumawa ng potion tutal desisyon ka naman!” Ang sungit naman nito.

“Ihhh! Sige na kasi tulungan mo na ako!” Umupo ako sa bangkong na sa tapat niya at nagpaawa ng mukha.

Nilapag niya ang cuticles tapos tumingin sa akin. “Sige. Sabihin mo kung ano ba talaga ang eksaktong kailangan mo at magkano ang dala mo.”

Walang patumpik-tumpik kong nilapas ang dalawang sobre. May nakalagay na fifty thousand each. Nanlaki ang mata niya nang makita kung gaano ito kakapal. Agad niyang dinampot ang isang sobre at nilabas ang laman nito.

“Sige na. Sabihin mo na ang kailangan mo.” Sabi niya. Ang tingin niya ay na sa pera wala sa akin. Binibilang niya ito isa-isa.

“Kailangan ko ng something na makukuha ko rin ang taong gusto ko. Something na... kagaya ng kay Halleina pero hindi gano'n kalala ang epekto. Gusto ko kahit hindi mabaliw sa akin basta ako lang ang babaeng maganda sa paningin niya parang gano'n ba? Ang hirap i-explain, eh! Basta gano'n ang gusto ko!”

Tumaas ang isang kilay niya at napatigil sa pagbibilang ng pera. “Bakit naman gano'n ang gusto mo? Hindi ka ba maganda sa paningin ng crush mo?” Pang-uusisa niya.

Umiling ako. “Hindi. Pupunta ba ako rito kung maganda ako sa paningin niya? Hindi ko na rin alam paano niya ako mapapansin. Ang daming magagandang babae sa paligid niya.”

Hinampas niya ng malakas ang mesa na ikinagulat ko. “Maganda ka na, tanga! Hindi mo naman kasalanan kung hindi ka niya magustuhan! Ang bobo niyo talaga ng kaibigan mo 'no?! Sakit kayo sa ulo! Masahol pa kayo sa jowa ko!”

Sana all may jowa!

“Sige na kasi! Bigyan mo na ako! Kung hindi pa sapat 'yang binigay ko dadagdagan ko. Gusto ko lang mapansin niya ako, kahit ayon lang naman!” Hindi naman ako magiging desperada ng ganito kung nakukuha ko ang atensyon niya. Sinasadya ko na nga minsang dumaan sa harap niya pero walang epekto. Kahit isang 'hi' man lang wala akong matanggap.

Narinig ko ang buntong-hininga niya. Nahawa tuloy ako, pati ako napabuntong-hininga.

“Patapusin mo muna akong magbilang ng pera na 'to.” Pinagpatuloy niya ang pagbibilang.

CURSE OF SCENT (BOOK 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon