SHAIRYLLE'S POV
Iniinda pa rin ng dadamin ko hanggang ngayon ang naging huling pag-uusap namin ni Khyzio. Rumi-rehistro pa rin sa utak ko ang hitsura niya nang sabihin ko ang mga salitang 'yon. Kita ko ang sakit sa mata niya at ang lungkot sa mukha niya. Gumanti lang naman ako kaya hindi niya ako masisisi. Gano'n din naman kasakit ang sinabi niya sa akin. Mas malala pa nga dahil tinapakan niya ang pride ko.
“Don't worry about that, Boink. Sa tingin ko naman tama lang na gano'n ang sinabi mo sa kaniya para matuto siya. He's too confident to talk to after what he said and what he did,” pangche-cheer up ni Jacob sa akin habang hinahagod ang likod ko.
Malungkot akong tumingin sa kaniya. “Do you think tama lang 'yon? Hindi ba sobra naman ang sinabi ko sa kaniya?” Nag-aalalang tanong ko.
Umiling siya nang nakangiti. “You just said what you think and what you feel. Huwag ka na magsisi, siya lang naman 'yon.” Kung sabagay...
Napabuntong-hininga na lang ako. Kabang-kaba na nga ako sa paghahanda ko sa pageant tapos napupuno pa nang pag-aalala ang utak ko dahil sa nangyari. Bakit niya nga ba ako pinipigilan na sumali sa pageant? Alam ko namang hindi ako maganda kagaya nang ibang kalahok. Para lang akong sinampal ng hitsura ko no'ng direct niyang sabihin sa akin na huwag akong sumali sa pageant. Natapakan na naman ang pride ko. Pakiramdam ko pinagtatabuyan niya akong huwag sumali dahil alam niyang hindi ako mananalo dahil hindi ako maganda.
Para raw sa safety ko? Safety ko nga ba talaga ang iniisip niya o may gusto siyang manalo roon at gusto niya lang mabawasan ang kalaban nito? Kaya ko nga pinush na sumali para patunayan ang sarili ko. Para malaman nila Karen at Pixel na maling tao ang binangga nila. Na nagkamali sila sa panglalait sa akin. I don't have beautiful face but I am stronger than their thoughts. There's a lot of pretty faces during the pageant, but this face can pull up too. Ayon ang isasampal ko sa kanila.
Natigil ako sa pag-iisip nang abutan ako ni Jacob nang favorite kong cotton candy na palagi naming binibili noon sa park. Napangiti ako bago tanggapin ang inabot niyang iyon. Akala ko hindi talaga ako kilala ni Jacob not until I discovered na siya pala si Bem. Saka niya lang pinakita sa akin na alam niya ang mga gusto ko. Nagalit pa ako sa kaniya without knowing na siya pala ang kababata ko.
“Alam na alam mo talaga ang gusto ko,” nakangiting sabi ko sa kaniya habang pinapaikot sa kamay ko ang cotton candy na hugis bulaklak.
Umupo siya sa tabi ko. “Kababata kita kaya alam ko lahat ng gusto mo, baliw,” sabi niya. Nakatingin siya sa mga batang naglalaro sa harap namin habang nakangiti.
Binalikan namin ang park kung saan kami unang nagkita at after nga nito ipapakilala ko na siya kayla mommy. Kahapon pa sana 'to kaso nga lang ayon ang nangyari kaya hindi na natuloy.
“Naalala mo no'ng bata pa tayo, naglalaro yata tayo no'n nang taya-tayaan tapos may batang lalaking gustong sumali sa atin pero ayaw natin pasalihin dahil binugbog mo siya no'ng sinabihan akong baboy?” That was the first time I develop my feelings for someone. That was the first time I felt pretty because someone's protecting me.
Ngumiti siya sabay tumango. “Naalala ko 'yon. He wanted to befriend to us but we refuse kasi palagi ka niyang binu-bully. What do you think of his purpose that time?”
I shrugged my shoulder. “Ano bang malay ko? Ang alam ko lang galit ako sa kaniya kasi palagi niya akong inaaway tapos ikaw naman palaging nandiyan para sa akin. Lagi kang umuuwi ng may pasa o kaya naman gasgas sa siko sa pakikipag-away.” Natawa ako sabay iling nang maalala ko kung paano sila gumugulong sa damuhan dahil sa akin.
BINABASA MO ANG
CURSE OF SCENT (BOOK 2)
RomancePAALALA: Basahin muna ang book 1 bago ang ito. Never na-una ang 2 sa 1 huwag kang paladesisyon! Nang umalis si Halleina papuntang ibang bansa doon naman nagsimula ang magulong love story ng kaibigan niya. Shairylle Dhim Flores is a girl with a lot o...
