CHAPTER 8

209 18 0
                                        

SHAIRYLLE'S POV

Katatapos lang ng class namin sa isa sa pinaka-mahirap na subject. Nagchi-chill na kaming tatlo ngayon sa may bench. May hawak na namang stick-o si Bekay. Wala talaga kasawaan sa stick-o. Bukas na ang birthday ni Jacob. Sakto, walang pasok. Nakakatawa lang na talagang pumayag lahat ng classmate namin na sumama sa party. Ang galing mangumbinsi ni Bekay. Maliban na lang kay Karen. Hindi na niya kailangan i-convince. Pupunta at pupunta siya dahil ex niya si Jacob. Ang mga kagaya niya gusto palaging present. Nagpapalakas siya kaya wala kaming magagawa. Malay naman kung susi na ang party na 'yon para magka-usap na silang dalawa.

“Hindi talaga ako makapaniwalang kailangan kong mag-asikaso dahil sa party!” Hindi pa rin siya nakaka-move on hanggang ngayon. “Kasalanan mo 'yon, eh!” Sisi niya kay Bekay na may kasamang panduduro.

Gusto kong matawa dahil inosente lang siyang tinignan nito habang ngumunguya ng stick-o. Winawasiwas pa niya ang paa niya na parang bata.

“Tinulungan na nga kita sinisisi mo pa ako!” Nag-pout ito.

Isip-bata.

Tumayo ako. “Hindi mo masisisi si Bekay, Jacob. Simula nang pumasok ka sa university na 'to hindi ka pa nakakapag-party. Last year mo na kaya tama lang na mag-party naman!” Pangaggatong ma sang-ayon ko kay Bekay. Kumindat pa ako sa kaniya sabay ngumisi.

I'm at your back kasi ayaw kong masolo ng gago na 'to. Lumilipad ang isip ko kapag lalaki lang ang kasama ko.

“Pero... gusto kong masolo ang oras mo, eh! Hindi kita makausap ng maayos dahil busy nga ako tapos... pati ba naman birthday ko?” Malungkot ang kaniyang himig.

“Hindi na lang ako aalis sa tabi mo sa birthday mo, okay ba?” Tingin ko naman okay na 'yon.

Umangat ang kaniyang mukha na may malapad na ngiti. Kuminang pa ang mata niya nang matamaan ng sikat nang araw.

“Talaga?!”

Tumango ako ng nakangiti. “Oo nga! Ayon na lang ang regalo ko sa'yo since hindi naman matutuloy ang celebration natin ng tayong dalawa lang!” Salamat sa'yo, Bekay.

“Deal na 'yan, ha! Huwag mo akong iiwan!” Hinawakan niya ang kamay ko. Naiilang na naman ako.

Ngumiti ako at tumango bago bawiin ang kamay kong hawak niya. Umupo ako sa tabi niya. Nakangiwi ang mukha ni Bekay na nakatingin sa amin. Ang pangit ng hitsura niya. Tila nasusuka na hindi maintindihan.

“Anong mukha 'yan?” Kulubot ang noong tanong ko sa kaniya.

“Kadiri kayong dalawa!” Amp!

“Makasabi ka naman ng kadiri!” Pasalamat ka totoo ang sinasabi mo.

“Since sa tabi ka ni Jacob, ako naman hahanap ng mga babae na makikilala ko roon! Mukhang magiging masaya 'yon!” Nakangiting sabi niya. Parang nag-i-imagine na talaga siya sa mangyayari.

Sa hindi malamang dahilan, kumulo na naman ang dugo ko sa inis. Ang bilis talaga umangat ng anger issues ko kapag binabanggit ni Bekay ang mga babae! Wala na ba siyang ibang mabanggit na maganda? Puro na lang babae!

“Sana lang palarin ka, hmp!” Masungit na turan ko sa kaniya.

“Tsk! Sa guwapo kong 'to? May nahanap na nga ako na mas maganda sa'yo tapos hindi pa ako makakahanap sa party na 'yon? Isa akong Zallim, anong aasahan mo sa akin?” Mayabang siyang ngumisi.

CURSE OF SCENT (BOOK 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon