CHAPTER 2.2

226 15 0
                                    

SHAIRYLLE'S POV

“Kanina ka pa nakatingin sa akin ng ganiyan, Shai, ano bang problema mo?” Tanong nito sa akin.

Hindi ko pinansin ang tanong niya. Nakatayo ako sa harapan niya habang nagpapaikot-ikot. Tinitignan ko ang kabuohan niya. Ngayon ko lang masasabi na maskulado pala talaga siya. Bukod sa lumabas 'yong tikas ng dibdib niya, nag-mukha pa siyang model. Hindi ko alam na ganito pala ang tinatagong alindog ng kaibigan ko. Masyado yata akong nasanay na bakla siya. Hindi ko inaasahan 'to.

“Bakit ka ba naging lalaki?” Hindi mapigilang tanong ko. Gusto ko lang malaman kung involve ba ako o hindi.

“Bakit mo tinatanong?” Balik tanong niya sa akin.

“Wala lang. Gusto ko lang malaman kung bakit biglang naging lalaki ang best friend kong pogi hunter. Tsk! Hayss! Sayang naman! Ako na lang ang maghahanap ng pogi ngayon, hindi na kita kasama.” May bahid ng panghihinayang kunwaring sabi ko.

Hinampas niya ako sa balikat. “Baliw! Kung gusto mo naman sasamahan pa rin kita pero syempre... tutulungan mo naman akong humanap ng maganda.” Kumindat siya sa akin sabay ngumiti. Ang mga lalaki talaga pare-pareho.

Maganda rin pala ang hahanapin niya buong akala ko hindi siya titingin sa hitsura. Kung sabagay, sa hitsura ngayon ni Bekay talaga namang nababagay siya sa isang magandang estudyante ng school.

He's tall. I think na sa 5'8 or 5'9 ang taas niya. Marahil ay hindi ko ito napansin noon, nanliliit na ako ngayon. He has broad shoulder and sexy waist. Makapal ang kilay niya na mas lalong nagbibigay ng appeal sa kaniya. Idagdag pa ang almond eye niyang sobrang light ng pagka-brown. Hindi rin nagpapatalo ang pointed nose niya at magandang labi niya na pink na pink.

“Gumamit ka ba ng lipstick sa labi mo or liptint?” Bahagya kong nilapit ang mukha ko upang suriin ang labi niya. Ang ganda kasi ng pagka-pink.

“Hindi, why?”

“Bakit ang pink? Hindi naman ako naniniwala na hindi ka gumamit ng tint diyan or what. I know you.” Pinasingkit ko pa lalo ang mata ko.

Aish! Hindi nga ako nag-liptint ngayon! Bakit ba ayaw mong maniwala?”

Napa-irap ako sa tanong niya. “Kasi kilala kita. Ilang taon na tayong magkasama kaya alam kong hindi mo maiiwasang maglagay ng kung ano diyan sa labi mo. Don't tell me nahihiya ka lang aminin dahil lalaki ka na ngayon?” Tinaasan ko siya ng kilay.

“Pft! Why would I? Galing ako sa pagiging bakla at hindi ko ikinakahiya 'yon. But, believe me. I didn't put anything on my lips today. Original na pink 'to. You can kiss me if you want.” Ngumisi siya.

Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. Malakas ko siyang hinampas sa dibdib sabay tumalikod. Fuck! Bakit nagiging abnormal na naman ang heartbeat ko?!

“Aray, ha! Nagbibiro lang naman ako, hmp!”

Hinarap ko siya. “Hindi nakakatuwang biro 'yon, ha! Naging lalaki ka lang... ganiyan ka na!”

Hw pouted his lips. Why does he looked so cute? Ay, hindi! Anong cute?! Mukha siyang tanga!

“Finally, I found you.” Familiar sa akin ang boses na 'yon. Napalingon ako. Hindi nga ako mali. Ito 'yong mean girl.

“I am not talking to you, ugly duckling. I am talking to that handsome angel in front of you,” mataray na sabi nito sa akin habang nakaduro ang kamay kay Bekay.

“What do you want from me, Miss?” Ang daya, ah! Biglang nagbago ang tono ng pakikiusap niya sa babae! Basta maganda talaga ang mga lalaki, nako!

CURSE OF SCENT (BOOK 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon