CHAPTER 6

194 15 0
                                    

SHAIRYLLE'S POV

Simula nang buhusan ni Bekay si Karen sa canteen hindi na niya ako ginugulo. Siguro humahanap lang ng tyempo ang babaeng 'yon. Kapag wala akong kasama malamang gagawa na naman ng kalokohan 'yon. Ganiyan na ganiyan din noon si Colleen. Kaya nga natakot na ako sa mga mean girl dahil nakita ko kung paano hubaran ni Colleen si Halleina in public. Kung hindi kami dumating ni Bekay baka talagang napahiya na ng husto si Yena sa harap ng maraming tao.

“Bakit ka ba sunod nang sunod sa amin ngayon?” Oo nga, napansin ko rin na hindi na umaalis sa tabi namin si Bekay.

“Kasi wala akong tiwala sa'yo. Sabi mo kaya mo siyang bantayan pero hindi mo magawa. Pinaubaya ko na nga siya sa'yo tanga ka naman!” Ani nito habang kumakain ng stick-o. Sa laking damulag niya kumakain pa siya ng stick-o.

“Pinaubaya?” Takang tanong ko.

Bekay nod his head. “Sabi niya nga liligawan ka niya kaya pinabayaan na kita sa kaniya. Labas na ako sa inyong dalawa pero babantayan pa rin kita.”

Hindi ko alam kung ikatutuwa ko ba ang sinabi niyang babantayan niya pa rin ako o ikagagalit ko ang salitang ipanaubaya na niya ako sa iba. Para kasing ang sakit pakinggan. Hindi matanggap ng pagkatao ko!

“Ako na ang bahala sa kaniya
Humanap ka na lang ng babaeng magugustuhan mo!”

Nanlaki ang mata ko sa sinabi ni Jacob. Hinampas niya pa ito ng pabiro sa balikat.

“Ang sabi mo sa akin noon kaya mong humanap ng babaeng mas maganda pa kay Shai? Bakit isang buwan na wala ka pa ring nahahanap?” Sinabi niya 'yon?!

“Sinabi mo 'yon?!” Nag-umpogan ang ngipin ko sa inis.

Tumango siya. “Sinabi ko nga. Nakahanap na ako 'no. Gusto mo ipakilala ko sa'yo?” Ngumisi siya.

“So may mas maganda pala talaga bukod sa akin?” Sinungaling pala 'yong mangkukulam na 'yon! Sabi niya kapag nalanghap daw 'yong perfume sa akin lang magagandahan pero bakit.... bakit....

ARGH! Hindi ko matanggap!

“Wala ba? There's a lot of woman in the world na mas maganda pa sa'yo 'no!” Muli na naman siyang ngumuya ng stick-o.

Mariin akong napapikit sabay kuyom ng kamao ko. Pinpigilan ko ang inis ko.

“Congrats, bro! Lalaki ka na talaga!” Bati pa rito ni Jacob na lalo kong ikinaasar.

“Kayong dalawa!” Pasigaw na tawag ko sa kaniya na may halong panduduro. “Argh! Nakakainis kayo bahala nga kayo!” Nagmartsa ako paalis.

“Shai! Hoy!” Tawag nila sa akin pero hindi ako nag-abalang lumingon.

Pare-pareho talaga ang mga lalaki! Ang hihilig sa maganda! Tignan mo talaga Bekay, tignan mo! Ano bang kinagagalit ko?! Hindi ko rin alam. Basta naiinis ako sa sinabi niya. Nagsinungaling siguro sa akin ang mangkukulam na 'yon. Sabi niya... hindi ko talaga matanggap! Kaya siguro nagpanggap lang din si kuya Thaddeus dahil wala naman talagang gayuma! Niloloko lang talaga niya kami. Hindi ko matatanggap!

Inis kong sinipa ang unang bagay na nakita ko. Napadaing pa ako dahil poste na bakal pala ang nasipa ko at napalakas pa ang sipa ko. Napa-upo ako sa semento habang hawak ang dulo ng sapatos ko. I sighed in frustration. Kahit ang mga kaibigan ko nagagandahan lang sa akin dahil kaibigan nila ako. Tama naman si Bekay. Maraming babae sa mundo na mas maganda pa sa akin kaya ano bang dapat kong asahan? Dahan-dahan akong tumayo mula sa pagkakasamlapak ko sa sahig. Iika-ika na ang lakad ko. Sumakit ang hinlalaki ko sa ginawa kong pagsipa sa poste.

CURSE OF SCENT (BOOK 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon