CHAPTER 19

113 9 0
                                    

SHAIRYLLE'S POV

“Sinabi ko na sa'yo, Ms. Flores na hindi p'wedeng umatras kapag candidate ka na dahil counted ka na. Panindigan mo na lang 'yan dahil balita ko may isang week na absence ka.” Ang kulit naman kausap ng principal n 'to, oh!

“Hays! Bakit ba ang kulit mo, Sir?! Sabi ngang ayaw kong maging muse ng section namin! Wala naman sa pangarap ko 'yon!” Kamot-ulong ulit ko sa kaniya. Kanina ko pa ginigiit ang salitang ayaw ko.

Napapikit siya. Marahil ay nakukulitan na siya sa akin. “Hindi na p'wedeng magbago ang desisyon namin, Ms. Flores. Panindigan mo 'yan o ipahiya mo na lang ang section niyo.”

“Maghahanap na lang po ako ng kapalit ko, gano'n na lang!” Suggestion ko. Sana naman payagan nila ako this time.

“Alam mo ba bakit ikaw ang pinili?” Alam ko syempre. Gusto akong ipahiya ni Karen kaya ako ang ni-recommend nila. Syempre hindi ako makakaangal kasi wala ako kaya sinamantala nila ang pagkakataon.

Kahit alam ko ay umiling pa rin ako. Kunwari na lang hindi ko alam kahit sinabi na ni Karen ang dahilan niya.

“Dahil walang gustong kumuha sa section niyo. Ikaw ang nilagay ng mga teacher dahil may absent ka sa kanila. Sa ganitong paraan ka lang makakabawi,” kalmadong paliwanag niya sa akin.

Napa-irap ako. “Na sa highschool pa ba tayo hanggang na kailangang sumali sa mga ganiyan para lang tumaas ang grade? Kaya ko namang habulin iyong mga hindi ko napasukan. Isa pa, dapat OJT na pinagtutuonan namin ng pansin ngayon hindi... mga walang kwentang event.” Sabihin niyo ng harsh ako pero hindi niyo ako mapipilit sa bagay na ayaw ko.

“After ng event na 'to OJT niyo na. Sinali lang kayong mga fourth year dito para kahit papaano naman mag-enjoy kayo bago kayo ma-stress.” Stress na nga ako ngayon sinasabi nitong mag-enjoy.

Wala na akong nagawa pa. Kahit anong pagpupumilit ko hindi ko na talaga nabago ang isip ng principal namin. Ang problema ko na lang ngayon wala akong alam sa pagmo-model lalo na sa rampa na 'yan. Nanonood ako ng mga miss universe pero hindi ko naman pinangarap na balang araw maging isa ako sa kanila. May malaking insecurities ako sa katawan ko lalo na sa legs ko. I am bowlegged o 'yong tinatawag nilang sakang. Pangit ang korte nito lalo na kapag model ka. Dapat maganda ang posture mo. Paano naman ako na kapag sinabing close feet hindi ma-close dahil sakang nga? Nanliliit na agad ako sa sarili ko ngayon pa lang.

Nakita ko ang listahan ng mga candidates. Lahat sila magaganda and known as beautiful woman in our school. Ako lang yata ang sumali na walang pinanghahawakang title.

“May nagpapabigay sa'yo,” abot sa akin ng red na envelope ng isang babae.

Nagtataka ko iyong tinanggap. “Sino?” Tanong ko sa kaniya. Kinibitan niya lang ako ng balikat sabay umalis.

Dali-dali ko namang binuksan ang laman ng envelope. As usual, letter na naman at kay Bem na naman galing. Siya lang naman ang may tyagang magbigay sa akin ng mga ganito.

I heard you're going to join pageant. I am looking forward for your performance. Sinabihan ko na si Colleen na turuan ka because I know you, you hate exposing your beauty. Don't be nervous I am here to support you.

Alam niya na rin pala. Binalik ko ang letter sa loob ng envelope. Saktong pag-angat ko ng ulo ko nakita ko si Colleen na naglalakad na palapit sa akin. May dala itong paper bag pero hindi ko alam ang laman. Normal na talaga siguro sa kaniya ang salubong ang kilay. Sa tuwing naglalakad siya palaging makasalubong ang kilay niya an animo'y may galit sa lahat ng taong dumadaan.

CURSE OF SCENT (BOOK 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon